Fourth Date With Him
“I’ll be there when the world stops turning… I’ll be there when the storm is through.. in the end I wanna keep standing at the beginning with you”
Habang naghihintay dito sa labas ng campus, katext ko si Kuya Harry. Pampalubag-loob. Huhu. Malulungkot kayo sa malalaman ninyo. Andito ako sa field para magmasid ng rally. Nanaykupo!
Nakakatakot syempre! Baka mamaya mamatay ako dito eh. Kaya kuntodo ingat ako sa hahakbangan ko at baka mamaya eh iba na maapakan ko. Nakupo.
To Harry V:
Kuya! San ka nagpunta? Sorry ha? Di na tayo nagkita kahapon. Pero promise! Hinintay kita sa may botanical garden. Maya promise! Hahanapin talaga kita.... hihi... XD
Maya-maya may nagreply.
From Harry V:
Naku pasensya ka na kahapon ha? may ginawa kasi ako off-campus. Emergency kasi yun... pero wag ka mag-alala, babawi ako mamaya. Promise. Nga pala, nong ginawa mo kahapon?
To Harry V:
Nagkwentuhan kami ni Kuya Troy! Yung kinukwento ko sayo? Haha. Ang kulit nya talaga kuya! Gusto ko na rin sya iuwi... haha... pero bakit ganon. Parang loner sya. Hoho. Ano bang pwede kong gawin para di na sya malungkot?
From Harry V:
Ahm.. pwede mo sya kantahan... magandang ideya na kantahan ang mga taong nalulungkot.. basta ba wag lang masisira ang eardrums nya noh! Bwahaha.
To Harry V:
Haha... yun lang pala eh.. hayyy... sige pag-isipan ko yan!
From Harry V:
Asan ka nga pala ngayon Tet?
To Harry V:
Dito po kuya sa rally... nanaykupo... tatakot ako.. huhu..
From Harry V:
Hala? Anong ginagawa mo dyan? Wag mo sabihing aktibista ka na rin?
To Harry V:
Syempre hindi kuya. Eh kasi naman po parte to ng thesis. Nakakamatay pala to. Nakupo... san ba ko pwede magtago?
From Harry V:
Teka... punta ko dyan... hintayin mo ako ha? wag ka aalis..
To Harry V:
Sige po.... intay kita dito ha? T_______T
Mula dito sa kinatatayuan ko, kitang-kita ko ang karahasan. Yung mga aktibista na patuloy na ipinaglalaban ang gusto nila, maging yung mga security guards na nakaharang at ambang pumatay kahit anong oras.
BINABASA MO ANG
First ten Dates With Him (Completed)
Novela JuvenilI was only given 10 days to be with him... Yet I know 10 Days is a very short period of times... I know, these 10 days would be very remarkable... as long as he's here with me...
