Ninth Date With Him
“love is a river I wanna keep flowing..”
“ready na ba mga gamit mo Tet?” sabi ni Zyke habang hila yung isa nyang maleta.
“oo naman, kagabi ko pa hinanda..”
“okay, good.. nga pala, pupunta ka ng ospital di ba?”
“oo... magpapaalam ako kay Kuya Harry...”
“sige.. pero ganito na lang, mula sa ospital, diretso na tayo sa terminal..”
“ibig sabihin, sasama kayo sa ospital?”
“yup.. pero hahayaan ka na lang naming kausapin sya...”
9am sa ospital
Heto ako ngayon at kausap si Kuya Harry. Naghihintay ng milagro na baka sakaling magising sya para makapag-paalam ako.
“kuya... aalis na ako.. di ka ba magpapaalam saken? Di ka magbababay? Di mo ba ako titingnan? Alam mo ba, naiinis na ako sayo kasi di ka pa rin gumigising, kasi para na kong baliw dito na kausap ka pero di ka naman nagsasalita...”
*sniff*
“...Ang sakit na ng puso ko. Gusto ko na rin mag give up. Dapat kasi saken yang bala na yan eh.. dapat kasi ako yung nandyan eh.. pero kasi ang daya-daya mo... kasi niligtas mo ako.. dapat ako yung kinakausap mo ng ganto eh.. ang daya mo Kuya... sabi mo walang iwanan di ba?”
“sana kuya nakita mo kung pano ko binugbog yung mga bumaril sayo.. kung pano kita pinagtanggol... kung pano sila pinahirapan.. sana kuya nakita mo na pinagtanggol kita hanggang kaya ko.. at hayun, nakakulong na sila.. sana nakita mo kung gano ako katapang.. kaw kasi eh.. wala kang bilib saken.. kala mo kasi mahina ako... kaya ayan... ikaw tuloy ang nandyan.. kasi lagi mo na lang ako pinoprotektahan... kuya... sorry na? Sorry na kasi di ako nakinig sayo.. di ako nakinig sayo nung sinabi mong wag ako umalis... ang tigas kasi ng ulo ko eh... kasi masyado akong immature... kaya ayun... kaw ang nagsuffer.. pero maniwala ka kuya.. di ko naman ginustong magalit eh.. gusto ko lang naman mapag-isa eh... di kasi ako nag-iisip... kala ko kasi lahat ng tao manloloko...”
“inaamin ko kuya, kasalanan ko yung lahat... at gagawin ko ang lahat para lang bumalik ka.. para lang magising ka... kahit ano.. kakantahan kita... paggising mo kuya, kakantahan kita araw-araw... paggising mo ipaggagawa kita ng maraming burger.. paggising mo iinom tayo ng maraming slurpee.. paggising mo pupunta tayo sa Comic Alley. Promise yan.. paggising mo... paggising mo sasabihin ko na sayo promise... kaya dapat gumising ka.. kasi pag di ka gumising di mo yun mararanasan lahat...”
“kuya... paggising mo... sana magkita pa tayo... promise, gagawin ko lahat ng pinangako ko”
Lumapit ako sa kanya at hinalikan ko sya sa pisngi.
Oras na para umalis.
Tinitigan ko sya ng mabuti.
“hihintayin kita Kuya... pang nagkita tayo ulit, di na kuya ang itatawag ko sayo...”
Biglang tumunog yung apparatus na nasa may ulunan nya.
Yung mahabang tunog.
Nagsipasukan ang maraming nurse at yung doktor na tumitingin sa kanya.
Pinalabas nila ako ng kwarto.
Habang naglalakad ako palabas ng ospital, bumalik sa akin lahat ng alaala.
From Harry V:
Bwahaha. Sino to?
To Harry V:
Ako po ito, si Tet. Hihi.
From Harry V:
“bwahaha! Miss Kinomoto, kamusta ka?”
To Harry V:
“oks lang po.. heto may klase na ako maya.. naisave mo na po ba yung other number ko? Tinext kita gamit yun nung isang araw...”
From Harry V:
“nakaw. Hindi pa nga eh. Haha, oo nga eh di kita nareplayan. Uy kain ka..haha”
To Harry V:
“tapos na po kuya. Kanina pa ako kumain kasi 12nn ang subject namin.. naku! Andyan na pala ang prof namin... sige po kuya, maya na lang ulit... eat well! ^___^”
Dun nagsimula ang lahat.
Sabi nga, lahat ng conversation sa text ay natatapos.
At ang conversation namin sa text na yun ay dun natapos. Pagkatapos kasi nun, nalowbat yung phone ni kuya at di na sya nakatext.
Siguro nga lahat ng bagay ay may hangganan.
At ito na yung hangganan nung amin.
Hindi lahat ng stories ay may magandang ending noh?
Kasi madalas pinapalagpas natin yung mga taong nandyan na sa harap natin.
Kasi madalas, di tayo marunong makinig.
Minsan mas pinapakinggan pa natin yung galit.
Kala ko nung nakita ko sya... sya na yung prince charming at ideal man na matagal ko ng hinihintay.
Sya na kasi yung perfect man para saken.
Yung naaalala ka lagi.
Yung alam lahat ng hilig mo.
Yung alam kung pano ka patatawanin pag malungkot ka.
Yung ipagtatanggol ka.
Pero dahil sa pagtatanggol nya, napahamak naman siya.
Napakalaki ng pagkakataong sinayang ko.
Kasi kung di lang matigas ang puso ko.
Kung di ko lang inisip na lahat ng lalaki ay manloloko.
Kung nakinig lang sana ako.
Kaya lang..
Kahit gaanong pagsisisi man ang gawin ko...
Di ko na maibabalik pa.
Wala na akong maibabalik pa.
At ako...
Marami akong natutunan...
Natutunan ko na sa susunod kitang makita, di na kita bibitawan.
BINABASA MO ANG
First ten Dates With Him (Completed)
Teen FictionI was only given 10 days to be with him... Yet I know 10 Days is a very short period of times... I know, these 10 days would be very remarkable... as long as he's here with me...
