Tenth date with him
“IN THE END I WANNA KEEP STANDING…. AT THE BEGINNING…. WITH YOU...”
“yey sa wakas! Whew!”~Zyke
“tara! Tayoy magparteeeyyy! Hahaha...”~Wendy
“mga loka-loka.. tayo’y may appointment pa noh... may event pa dun sa AVR! Tayo’y gumora na.”
Tapos na ang Final defense ng thesis namin. Nakakatuwa lang. Ambilis ng panahon. Parang kelan lang, nasa byahe kami papunta sa UPLB. Tapos ngayon, nakaraos na sa Thesis.
Pinanood ko sila Wendy at Zyke habang masaya silang naglalakad sa pathway. Ang saya lang naming tatlo.
Ako? Kung tatanungin nyo ako, ahm.. ang masasabi ko lang, medyo ok na ko.
Wala na akong balita kay Kuya. Hindi ko na alam kung anong nangyari eh. Basta hindi na sya nagtext. Malamang nasa ospital sya eh noh? O baka wala na dun.
Di na rin sya nagwattpad.
Di na sya nag-UD
Di na sya nagFB
Ayaw kong mag-isip ng masama,
Naniniwala ako na kung nasan man sya ngayon, ok na sya. At pag naiisip kong OK na sya, ok na rin ako.
Naalala ko pa pagdating ko dito sa Rizal, ako pa ang naging headline ng newspaper ng school. Balitang-balita sa radyong sira, EIC Witnessed a Crime in UPLB.
Ako na. Ako na ang nabalita.
Dumaan kami sa Pateńa’s Square. Andami namang tao. Ano kayang meron noh?
Andaming sasakyan eh. Kala mo naman may big event eh sa pagkakaalam ko eh seminar lang naman ang gaganapin sa AVR.
Pagpunta namin ng 3rd floor, napakaraming camera sa daan. Ano ito?
“uy Wendy, nananaginip ba ako? Kurutin mo nga ako?”
Kinurot nya nga ako.
“aray! Masakit nga! Di pala ako nananaginip!”
“eh di natauhan ka rin.. halika na nga!”
Pumasok kami sa loob ng AVR. HUWAW! Grabe hanggang loob andaming tao. At marami ding CAMERA! Take note, national television pa. Kutakot nga iyan. Kelan pa naging mayaman ang school namin?
Naghanap kami ng upuang bakante sa likod. Pakiramdam ko lahat ng tao saken nakatingin. O ilusyon ko lang yun. Ilusyunada kasi ako eh. Hahay.
Nagsalita na yung MC.
“We are about to start in 2 minutes. Kindly have your seats ladies and gentlemen.”
Tinawagan ko yung Photojournalist namin. Bakit ba wala pa rin yun hanggang ngayon?
May nagplay ng piano na naging dahilan kung bakit napatunghay ako.
San yun galing?
BINABASA MO ANG
First ten Dates With Him (Completed)
Teen FictionI was only given 10 days to be with him... Yet I know 10 Days is a very short period of times... I know, these 10 days would be very remarkable... as long as he's here with me...
