Chapter 7

15 2 0
                                    

"Peng!!"

"Oh?"

"Kasali ka ba sa guhit pinas??"

"Ay oo ate bakit?"

"May nagmessage sakin oh parang gusto nilang ilagay sa t-shirt yung dinrawing mo para regalo na din sayo na inspired ata sa kwento mo"

"Talaga?"

"Oo Eto oh ..at pupunta daw sila dito para ma meet and greet ka nila"

"Hmm anggaling Naman"

"Peng kaya ha Kita mo Naman Ang daming nagsusupport sayo kaya Laban Lang Peng"

"Gagawin ko Yun ate ng pangmadalian"

"Ano ba Yan gusto ko pangmatagalan"

"Ate si Kuya?"

"Ah nakuha ng mga blood donor tapos Sana sa susunod na I chechemo ka ay ok ka na ha "

Tumungo tungo nalang ako bilang pagsangayon sa mga sinasabi ni ate

Ramdam Kong malapit na ,sobrang lapit na para maramdaman ko Ang kalayaan

No pain,no sacrifices ....

Minsan napapagod nadin ako sa kalagayan ko
Seeing myself like this
Feeling ko Hindi ko na kaya
Hindi ko na kayang lumaban
Hindi ko na kayang patunayan na itong batang Ito mas malakas pa sa sampung tao
Pero Mali ako dahil ngayon palang sa pusot isip ko suko na ako
Pero kailangang lumaban hanggang dulo

Tumingin ako sa mga kasamahan Kong si Ging at Dong
Nakikita ko sa mga mata nila na nahihirapan sila
Sabagay bakit sa dinami daming tao na masasama....kami pa...kami pa Ang nagkasakit ng ganto
Pero Alam Kong may Plano Ang diyos at Hindi niya kami bibiguin sa bawat pagsubok na aming tinatahak

One week later ....

Totoo ngang pinuntahan ako nig guhit pinas may binigay silang tshirt na nandun mismo Ang ginawa Kong drawing

I really really appreciate that thing

Hindi ko akalain na sasaya pa pala ako ng ganto na mababanat ko yung mga labi ko ng sobrang banat na banat upsng magpakawala ng matatamis na ngiti

Bago sila umalis ay nagpapicture Muna sila kasama ako
Nakakalambot ng puso na ganto yung nangyari
Naappreciate nila Ang simpleng drawing

Sabi nga nila

"Simple thing but  thousands of different meaning"

Bukas Ang labas ko sa hospital ibubuhos ko na Ang lahat ng lakas ko ngayon
Alam Kong Hindi na din ako magtatagal
Alam Kong bibigay din ako
Alam Kong dadating Ang araw na bibisitahin nila ako sa isang araw sa isang taon
Alam Kong dadating Ang panahon na nakahiga na ako sa isang kabaong
Mga taong Hindi ko gusting umiiyak ay iiyak sa harapan ko
Mga taong iiyakan ako ng sobra
Mga taong hahanaphanapin lahat sa akin
Mga taong Hindi na muli akong makikita

Dadating at dadating Ang araw na masasabi ko sa sarili ko na

"Masaya ako dahil umabot ako hanggang dulo"

Author's Note:

Salamat sa mga nagbabasa daghang salamat mga dodong at inday🖤


LeukemiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon