Chapter 4 Eroplano

2.1K 47 0
                                    

Chapter 4

"Ay naku ka, anong klaseng patakbo ba itong ginagawa mo? Paano pa ako makauwing pinas nito. Eh parang biyaheng impiyerno naman ang takbo nitong sasakyan natin."

Nagrereklamong sabi ni Danish. Naiinis na kasi siya sa Pakistani na driver na nagmamanehong tila siyam ang buhay. Nakangiti itong tumingin sa kanya at nagtanong.

"Esh kalam?" tanong ng Pakistani.

Natatawa na lang si Babah dahil bahagya na itong nakakaunawa sa salitang Tagalog.

"Ana kalam intah kweyesh," pairap na sagot ni Danish."

"Aiwa, ana kweyesh marah."

Lalo pang nang-iinis ang driver nang sinagot niya sinabihan magaling ito. Sabay na inirapan.

"Ana ma ebaga mot hina, Saudi ya Ahmad sawi sweya sweya besh," pakiusap niyang sabi."

Nakiusap na si Danish na medyo bagalan naman ng konti dahil ayaw niya pang mamatay sa Saudi. Mabuti na lang hindi na humirit pang magsalita ang nakakunot noong pakistan. Inaayos na ni Danish ang kanyang suot na Abaya. Sa wakas nakarating na rin sila sa paliparan. Lumuwag na ng husto ang pakiramdam ni Danish. Sasakay na rin siya ng eroplano ibig sabihin ilang oras na lang "Hello Philippines" na.

Komportableng inaayos ni Danish ang kanyang hand carry. Nasa business seat ang kanyang upuan. Domestic flight pa lang ang kanyang eroplanong kanyang sinasakyan. Sarap sa kanyang pakiramdam noong ito ay nag ra run way na. Umaangat na nga ito ngunit huminto at biglang may ina- anunsiyo. Hindi na niya gaano naiintindihan basta ang alam niya lumapag uli at nag emergency landing uli ito. Naiinis man siya pero alam niyang may dahilan. Biglang nag sandstorm at bumuhos ang màlakas na ulan. Hindi rin naman nagtagal umangat uli ang eroplano at handa na uli sa paglipad. Halos napapaiyak si Danish sa sobrang sakit ng kanyang tainga. Ramdan na ramdan niya ang pressure na tila bumarena sa kaloob looban ng tainga.

"Oh shit mga piloto kayo eroplano ito hindi ito rocketship." Inis na inis niyang bulong sa sarili.

Napatingin na lang si Danish sa mapa na dinaanan. At napansin niya ang guhit ng pag-angat ng eroplano halos naka vertical line na.

"Jusmeo, ano ba ito kanina sa kotse para akong nakasakay sa eroplano halos hindi na sumayad ang gulong. Ngayong andito ako sa eroplano para rin akong nakasakay sa rocketship."

Nagsasalitang mag-isa si Danish sa kanyang pagkakainis. Kung nasa jeep lang siya ng pinas malamang sumigaw na siya ng "para" bababa na lang ako. Kitang kita niya ang pwesto ng mga piloto. Palestinian at tila British National ang isa. Lalo na yong paglapag naman para lalabas na rin ang kanyang lamang loob.

'Yay! nagmamadali kaya itong mga piloto na ito. May lakad ba sila!"

Inis na inis siyang nagsasalitang mag-isa. Kumalma na lang ang loob niya noong mag anunsiyo na nga na nakalapag na.

'Thank You, Lord!' kampanteng sabi sa sarili.

Huling nilingon niya at sinulyapan ang pwesto ng mga piloto. Nakita niya pa ang guwapong ngiti noong isa, hula niya isa itong Bristish.

'Ay naki guwapo ka sana, pero nakakainis ka'

Nasa shuttle bus na siya papunta sa departure sa airways na airplane papuntang pinas. Direct flight na rin ang plane ticket na kinuha ng kanyang Arabong amo at business class pa ito.

''Ilang oras pa ay nasa pinas na ako'

Maiksi at maimtim na panalangin ang ginawa ni Danish para sa kanilang paglipad. Alam niya na ang kanyang gagawin matutulog siya para ilang oras lang ang kanyang maramdaman sa ere. Mabuti mabuti naman nakatulog nga siya ng mahimbing. Dahil din siguro sa stressed doon sa bilis ng kotse at sa unang domestic flight. Ilang oras na lang lalapag na ang kanyang airplane na sinasakyan sa NAIA. Unti unti ng inaayos ni Danish ang kanyang mga gamit. Pati na rin ang lock ng kanyang hand carry na bag.

'Hello Manila' natutuwang bulong niya sa sarili.

Narinig na ni Danish ang paalala ng flight attendant. Walang kasing  saya ang kanyang naramdaman.

"Ladies and gentlemen, we have just been cleared to land at the NAIA airport. Please make sure one last time your seat belt is securely unfastened."

Ilang minuto lang din ay nagtayuan ang mga pasahero na pumalakpak dahil sa napakatiwasay na pag landing.

Hindi pa man din iyon ang huling airplane tuwang tuwang na si Danish. Basta masaya siyang amoy na amoy na niya ang buong Pilipinas. May isang domestic flight pa siyang sasakyan para sa kanilang probinsiya.

Ilang oras muna niyang hintayin ang kanyang connecting flight para sa probinsya.

"Hello Ken, andito na ako sa airport ng Manila."

Masayang ibinalita ni Danish sa bunsong kapatid ang kanyang paglapag niya sa NAIA. Pinaalalahanan na rin ang kapatid sa pagsundo sa kanya airport.

Abalang abala ang lahat sa kanila ng siya ay dumating. Walang ipinagbago ang kanilang lugar. Tahimik at matiwasay ang paligid. Naisip na niya ang panibagong pagkakakitaan.

"Ma, si Tiyo Benito ba ay umuuwi pa dito sa lugar natin?".tanong niya sa ina.

"Oo naman, paminsan minsan siyang nagbabakasyon dito sa atin kasama ang kanyang binatang anak," sagot ng kanyang ina. Bakit mo naman natanong anak," nagtatakang tanong ng ina.

Matanda na itong nasa 60 anyos na taong gulang na si Aling Minerva.

"Kasi ma, itanong ko sana sa kanya kung ano pwede kung mapasukan doon sa Manila."

Nag-aalala na si Danish kung siya ay magtatagal na walang trabaho. Ang kanyang pinag-aaral na si Ken ay malapit ng magtapos sa kolehiyo at ang kanyang ama. Pamilya ang inuunang isipin ni Danish kaysa sa sariling kapakanan.

"Ano naman mapapasukan mo doon sa kanya? Eh di ba nga Bus Lines ang kompanyang pinapasukan ng Tiyo Benito mo. Saka anak magpahinga ka muna pagod ka pa sa biyahe," sagot ni Aling Minerva sa anak.

"Kahit driver ng bus o conductress," natatawang sagot niya.

"Ay naku anak magturo ka na lang uli kung mga ganoong trabaho lang ang papasukin mo."

Dismayado man si Aling Minerva sa sinasabi ng anak hindi niya pa rin ito mapilit kung anong gustong gawin. Alam nitong responsable ang anak. Maasahan lagi ang mga  desisyon nito.

"Ma, joke lang ikaw naman hindi na mabiro. Kahit doon sa opisina nila di ba, pwede naman niya akong ipasok.

Hindi na pinapansin ni Danish ang mga kapatid niyang abalang abala sa pagkalkal ng kanyang mga pasalubong. May mga pangalan na ang nasa bagahe niya. At iyong iba ay nasa shipping pa.

My Airplane Love ( COMPLETED ) unedited versionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon