Chapter 17 Uwing Pinas

1.2K 33 0
                                    

Chapter 17

"Sigurado ka ba dyan sa desisyon mo. Uuwi ka ng pinas? Hindi mo man lang ba linawin muna ang lahat kung bakit."

Nais pa sanang awatin ni Laarni si Danish sa desisyon pero paano nga ba. Mukhang desidido na ito na uuwing pinas. Tango lang ang isinagot ni Danish. Halatang parang may dinaramdam. Nagduduwal ito kaya pabalik balik sa C.R.

"Kanina pa kitang napapansin na ganyan. Masama ba ang iyong pakiramdam? Paano ka sa biyahe niyan," nag-alalang tanong ni Laarni.

"Wala 'to," sagot ni Danish.

Ayaw ng magpahata ni Danish kasi ang gusto lang talaga niya ay makauwi na ng pinas. Panay ang tunog ng kanyang phone ngunit ayaw niya itong sagutin. Iniiyak niya ang kanyang bigong pag-ibig. Ang pakiramdam na pinaglaruan ng tadhana. Tanggap niya na hindi siya kabilang sa mga babaeng nag-asawa ng foreigner na sinuswerte. Hindi na nga siya nagpapigil sa kaibigan. Umuwi na siyang pinas dahil iyon ang gusto niyang gawin pagkatapos ng mga nangyari.

Nasa departure waiting area na siya ng international flight. Hinintay niya na lang ang boarding time. Nang naramdaman niyang may tumatawag pa sa kanyang phone. Nakalimutan itong i-off. Ito kasi sana ang kanyang unang naisip na gawin para wala ng makakatawag pa sa kanya.

"Hello! Ayaw mo na talaga siyang makausap? Kahit sa huling sandali?" Malungkot na tono ng boses meron si Laarni sa kabilang linya.

"Hindi na," tipid na niyang sagot.

"Kahit sabihin ko sayo ngayong andito kami sa labas at umaasa siyang lalabas ka sandali?"

Sandaling hindi muna siya umimik. Wala pa siyang diretsong maisagot sa kaibigan. Mahal niya pa ang asawa, ang totoo niyang asawa. Ngunit hindi lubos maisip na kaya siyang ipagalaw nito sa kakambal gayong pwede naman sanang ipaliwanag sa kanya ang lahat. Alam niya ang nag effort din ng kaibigang si Laarni, ang bumiyahe pa kahit malaki na ang tiyan. Manganganak na ito araw na lang ang hinihintay.

"Ano na? Andyan ka pa ba?

"Okay sige, sige," huling nasabi ni Danish bago ibinaba ang tawag ng kaibigan.

Hindi rin niya alam kung bakit pa siya pumayag sa pakiusap nito. Naglalakad siyang palabas. Malayo pa lang tanaw na niya ang kasama ni Laarni. Ang asawa nito si Red. Hindi nga lang niya alam kung si Redford ito na kanyang asawa o si Redsweigh na kakambal.

Para na naman siyang nanliliit habang naglalakad. Hindi na sana siya tuluyang lalapit. Pero alang-alang kay sa kaibigang si Laarni at ng asawa nito.

"Im so sorry Danish If I have done wrong. Time will heal that pain I've caused. You will know the truth behind. Redford will tell you everything."

Lalong tinusok sa sakit ang puso niya ng nalaman si Redsweigh ang kasama ni Laarni. Alam niyang nakakakita na ang asawang si Redford. Hindi man lang siya nito sinundan. ,

'Para saan nga ba di ba ayaw mo na
rin naman ng paliwanag," bulong ng kanyang konsiyensya.

"Hoy ano ba friend! Magsalita ka naman. Hindi ba itong mokong na ito ang asawa mo?"

Hindi maintindihan ni Laarni kung matuwa o maiinis. Nakikita kasi nito ang dismayadong mukha ng kaibigan.

"Hindi siya," malungkot na sagot ni Danish.

"Ah okay, ang hirap ng may asawang duplicated," dismayadong turan na rin ni Laarni.

"Sige na fren, balik na ako sa loob," nagpaalam na sabi ni Danish.

" Sige, sige. Akala ko pa naman mapipigilan ng kasama namin na ito ang pag- uwi mo." Hindi na nga mapigilan pa ni Laarni ang kanyang pag-uwing pinas.

"Bye Danish take care!"

"Bye fren."

Naluha pa si Laarni. Isa-isang nag goodbye hug sa kanila si Danish at pumasok uli ng departure. Tamang-tama na ang call for boarding para sa kanyang flight. Lumingon pa siya ng huling lingon dahil purong salamin ang dingding. Kitang kita pa sila ni Laarni na kumaway sa labas.

"Huh!

Hindi napigil ni Danish na tumulo pa rin ang kanyang mga luha. Nasa loob na siya ng aircraft at hinanap ang kanyang seat.

"Ay ano ba 'tong lalaking ito. Bakit ba nakahambalang sa daraanan ang kanyang mga hita."

Naiinis sa lalaking nakaharang ang mga hita at tuhod sa kanyang daanan. Sa bintana kasi ang numero ng kanyang seat.

"Excuse me!"

Hindi man lang nagtanggal ng takip sa mukha ang lalaki. Nakahilig ang ulo ng lalaki sa upuan at nakatakip ang scarf at sombrero. Basta na lang hinawa patagilid ang kanyang mga hita upang makaraan siya.

Ewan nga ba kung bakit siya kinakabahan. Nakaupo na siya sa bintana sinilip niya ang nasa labasan. Nasa run way na ang airplane. Handa na itong lumipad sa ere. Naalala na naman ni Danish ang phobia niya sa pressure kapag ka umaangat ang eroplano. Ipinikit na lang ni Danish ang kanyang mga mata. Upang walang maramdaman hindi niya namalayan na siya ay nakatulog na pala.

"Uuuh!

Nakapikit pa rin ang kanyang mga mata. Ramdam niyang may nakahawak ng mahigpit sa kanyang kaliwang kamay. Ang lalaking nakatakip sa mukha ang maaring gumawa nito sa kanya. Nag-umpisa ng kumulo ang kanyang dugo. Pakiramdam niya ang nababastos na. Kaya ibinubwelo niya ang kanyang kamay. Sasampalin niya ng malakas ang lalaking katabi.

"Pak"

Isang malakas na sampal ang dumapo sa tagilirang panga ng lalaking kanyang katabi. Pero balewala lalo pang humigpit ang pagkahawak sa kanyang kamay. Kaya sa inis ni Danish hinablot niya ang nakatakip sa mukha ng katabi. Nagulat siya sa nakita. Namilog ang kanyang mga mata. Alam niyang si Redsweigh ay nasa labas ng departure. Sigurado siyang kasama ito ni Laarni at ng asawa niya. Nagkatinginan na lahat ng nasa paligid sa sampal ng ginawa ni Danish.

"Is there anything wrong sir?" Lumapit kaagad ang isang steward.

"No, no it's okay. I can fix. It's just a little misunderstanding.

Nalaman ni Danish na kilala ng mga employees ang kanyang asawa. Naalala niyang isang piloto nga pala si Redford.

"Welcome aboard Mr. Loughty," bati ng isang flight attendant. Ngumiti at kumaway ito sa asawa niya.

Hindi alam ni Danish ang gagawin. Magagalit pa nga ba siya? Nanatiling hawak ni Redford ang kanyang kaliwang kamay. Wala siyang lakas ng loob tanggalin sa pagkakahawak. Marahil naghihintay lang puso niya ng paliwanag.

My Airplane Love ( COMPLETED ) unedited versionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon