Chapter 10 Pangako

1.4K 36 0
                                    

Chapter 10

"C'mon baby don't cry. I will be back here. I promise. I can't be sure when but the thing to be for sure I will come again for you. And by that time I will bring you with me back to my country. I love you more than you ever know. Just be patient I will do it very soon," nakangiti itong kasama ang ningning sa mga titig.

Parang naiiyak na nga si Danish sa pamamaalam ni Red. Pero wala naman siyang magawa kundi ang magtiyagang maghintay sa pagbabalik ng binata. Kagaya ng dati sa online na lang sila mag-usap. Ang relasyong Long Distance Love . Ang importante nangako itong babalik.

Madaling araw pa lang ng nagising siya. Unang araw na papasok siya sa opisina. Tiyak na hinintay ng kanyang Tiyo Benny ang kanyang pag report.

🎶🎶When you say I miss the things you do,
I just want to get back close again to you.
But for now your voice is near enough.
How I miss you, and I miss you love.
And though all the days that pass me by so slow,
all the emptiness inside me flows all around,
and there's no way out.
I'm just thinkin' so much of you.
There was never any doubt.

🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶

I can wait forever if you say you'll be there too.
I can wait forever if you will.
I know it's worth it all to spend my life alone with you.
🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶

Sobra ang pagka attach ng kanyang puso sa kantang I Can Wait Forever ng AirSupply. Ito pa talaga ang unang bungad na kantang kanyang narinig sa fm radio. Napayakap siya sa unan ng mahigpit. At hindi napigilan ang pagtulo ng luha.

"Oh shit! para naman akong teenager," sabi niya sa sarili.

Mahirap pala ang pinasok niyang pag-ibig. Pero naroon na siya sa pag-ibig na Long Distance Love pagbigyan na niya ang puso basta't may pangako pa siyang pinanghahawakan. Baon na baon sa isip niya ang linya ng kanta.

I can wait forever if you say you'll be there too🎶. Tinapos niyang pakinggan ang kanta habang kasabay ding nahuhulog sa mga mata ang mga luhang hindi niya napigil. Napilitang ng tumayo ang dalaga. Baka ang susunod na namang kanta ay ma aattach na naman siya. Pakiramdam niya butas na ang kanyang puso sa mga karayom na tumutusok.

"Huh bakit nga ba ako malungkot. Maghintay lang Danish di ba! di ba!
Kung bakit doon mo pa gustong umibig sa mga lahing banyaga eh may mga pinoy naman," nakakalokang hirit niya sa sarili.

Naligo na lang siya ng maaga at naghanda ng almusal. Tamang-tama alas singko nang siya ay natapos. Maghihintay na lang ng ilang minuto aalis na siya para pumasok.


Inagahan na nga ni Danish ang pag-alis ng bahay. Papasok na siyang opisina na may malungkot na araw. Pero aagahan niya pa rin ang alis. Dahil ayaw niyang abutan ng trapik sa biyahe.

"Good morning Tiyo Benny," bati niya sa tiyuhing nasa bungad ng opisina.

"Good morning hija," masayang bati din sa kanya.

Matapos sabihin sa kanya ang kanyang gagawin naupo na si Danish sa kanyang table. Doon na ang kanyang pwesto sa araw-araw na siya ay papasok. Nilinis muna niya ang paligid. Pagkatapos ng kanyang ginawa naalala niyang sumilip sa online. Hindi pa rin active ang nobyo. Naka 29 hrs. ago na itong inactive. Nakakapanlumo ito para sa dalaga. Kahit sa messanger hindi pa rin ito nakasilip. May mga hi at hello messages hindi niya binubukasan kay Redsweigh ito nanggaling ang kambal ng kanyang nobyo. Tiningnan niya ang mga bagong photos ni Redsweigh, iisang mukha lang talaga sila ni Redford baka nga pagka kaharap niya ang magkambal hindi niya ma identify kung alin sa dalawa ang kanyang nobyo. Naalala niyang buksan ang inbox ng kanyang phone. Wala kasi na siyang interest na magbasa ng text dahil puro autoload o kaya date of expiration ng load o kaya mga notification ng load redeems ang naroon.

"Please make sure your passport is ready. I love you and I miss you. And always take extra care of yourself for me❤️"

Kinilig siya sa nabasa tiningnan niya ang country code. Si Red nga 'yong nagtext naaalala niya na ang mahabang numero na iyon. Kinilig na naman siya sa heart sticker. Nakahinga na ng maluwag si Danish. At least meron siyang pampaganang mensahe natanggap mula sa nobyo.

"Ay ang passport ko nga pala."

Naalala niyang expire na ito. Iyon na ang unang dapat niyang asikasuhin. "Bakit kaya passport ko ang kanyang pinaalala," tanong ng dalaga sa sarili.

May mga haka-hakang pumasok sa kanyang isip pero ayaw niya pang masyadong mag assume. Nakangiti pa ring tinitingnan ni Danish ang kanyang phone.

Nang pumasok si Jonard ang anak ng may-ari. Kararating lang din ng magpamilya galing sa bakasyon ng ibang bansa.

"Hey lady! nakangiti ka pa," nagbibirong bungad nito sa kanya.

"Good morning sir!"

"Ikaw ang pamangkin ni Tito Benny di ba? tanong sa kanya ng binata.

Noong unang pa lang siyang nakita ni Jonard napapansin niya na ang kakaibang tingin sa kanya. Hindi na lang niya ito binibigyan ng kahulugan. Masyado pang bata si Jonard kung ikumpara sa edad niya. Nasa beinte singko lang ito at isa pa hindi niya rin talaga type ang magkaroon ng pinoy na boyfriend. Kaya ligwak na kaagad si Jonard kung sakaling poporma man ito sa kanya.

"Basta nakangiti kaysa naman nakasimangot di ba," depensang sagot niya sa binata.

"Sabagay mas okay nga."

Pumwesto pa ng upo sa upuan na naroon sa harap ng kanyang table. Mukhang balak pang tumambay sa kanyang harapan. Okay lang din para sa kanya para hindi siya mabagot sa maghapon. Basta ba manonood lang sa kanyang ginagawa. Mag e encode lang naman siya sa mga piyesa ng bus na o orderin. Seryosong sinimulan na niya ang gagawin habang naroon pa rin si Jonard na nagkukwento.

My Airplane Love ( COMPLETED ) unedited versionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon