Chapter 8 Hindi Inaasahan

1.5K 45 0
                                    

Chapter 8

Ilang araw na ang lumipas. Hindi man lang nainip si Danish. Dahil sa pakikipag-usap sa ka chat. Nalilibang siya at hindi namamalayan ang bawat araw na nagdaan sa probinsya. Mabilis ang paglipas bawat sandali para sa kanya. Nanabik na siya ng husto na makita sa personal ito.

Walang schedule na nakita si Danish sa kanilang bulletin board. Ngunit mabilis ding nahuli ng kanyang pansin ang special announcement. Maging special trip ang kanilang bus unit mula sa airport ng mga darating na mga athletes na mula pang U.S. at ang iba pang mga kasama. Sila yong mga naglaro ng sea games na ginanap dito sa ating bansa. Magbabaskasyon muna ang mga ito sa Paloma White Sand Beach bago tuluyang umuwi sa kanilang bansa.

Seryosong nakatingala sa monitoring si Danish. Nag double check kung andyan nga ang airplane na lulan ang kanilang mga sinusundong mga torista. Nang makita niyang dumating na nga nabuhayan na siya dahil nainip na siyang nakatayo sa waiting area.

"Hindi pa malamang makakalabas ang mga yon," ani niya sarili.

Dinukot muna niya ang cellphone mula sa bulsa. Binuksan ang data upang tingnan kung naka online ba ang ka chat.

"Wala na naman siya," medyo naiinis na rin siya sa sarili.

Hindi niya mapigil ang sarili umaasa. Paano kaya kung isang malaking kahibangan lang ang mahulog ang loob sa isang lalaking nasa online.

Isa isa niya ng nakita ang mga ibang lahi na lumabas. Nasa waiting area lang siya. Tumunog ang kanyang phone.

"Yes, sir. Yes copy," sagot niya sa tumawag.

Tawag ito mula pa sa HR ng Manila. Pinaalam sa kanya na lumapag na sa airport ang kanilang mga sinusundo.

"Hi I'm Arthur! Ikaw nga....nga ba ang aming tour guide?" tanong ng isang ibang lahi na marunong na palang managalog.

"Tour guide ka dyan," reklamong sa isip niya lang nasabi.

Kahit hirap at may hangin ang pagkakabigkas ng kanyang pananalog. Pinipilit pa niting magsalita sa lenggawaheng pinoy. Hindi bale mabuti naman may isang marunong managalog hindi sasakit ng kanyang sentido o dumugo ang ilong na makipag englisan sa mga toristang bisita. Wala namang problema sa pakikipag-usap dahil siya'y tapos ng apat na taon sa kolehiyo. Ang nakainis ang kanilang accent at tila ba sa ilong dumaan na tunog ng kanilang salita.

"Hello, I'm Danish. We will bring you all to Paloma White Sand Beach pero hindi ako tour guide."

Magkahalong english tagalog na sagot niya sa kausap. Nasa parking area ang bus. Sumunod sa kanya ang ito. Ngunit isang malaking pagtataka ang nagpahintong bigla kay Danish sa paglalakad ng lumingon siya. Nahagip ng kanyang paningin isang taong nasa likod. Kahawig na kahawig ito ni Red Loughty. Ang taong nakita niya noon sa mall. Malaking malaki ang resemblance nilang dalawa. Naroon na ang lahat sa parking. Isa isa ng umakyat ang mga torista sa bus.

"Yan na ba sila lahat? Sigurado kang walang naiwang isa sa mga yan," tanong ng driver ng bus kay Danish.

"Yes, ito na kami lahat," sabat naman ni Arthur sa usapan.

Hindi mawala wala sa isip ni Danish ang lalaking si Red Loughty talaga ang hitsura. Pero bakit hindi man lang siya naalala. O kaya baka hindi siya napansin. Seryoso itong nakahawak sa kanyang cellphone.

"Malamang isa siyang piloto," hulang sabi ni Danish sa sarili. Nakasuot pa kasi ito ng unipormeng pang piloto.

Nasa kahabaan na sila ng biyahe. Nakatutuok ulit si Danish sa online. Sinadya niyang sa likod pumwesto ng upo.

"Wish to see you at Paloma White Sand Beach."

"Ohh when?" Nagulantang niyang reply. Hindi man lang siya nakapaghanda. Paano ba naman siya makipagkita sa ganoong hitsura. Nakapusod lang at naka uniporme pa siya na pang conductress.

"We're on the way going to the that beach by Light AirBus Lines."

Hindi na makasagot si Danish. Bigla niyang naisip ang profile pic nga naman ni mbActros ay si Red Loughty. Sobrang tindi na ng kabog sa kanyang dibdib. Hindi lubos akalain ang araw sing iyon.

"Hey baby!"

"Hey baby. Are you still there? Can you come?

Naguguluhan siya kung tama bang magpakita na siya sa ka chatmate. Hindi na maaring magkamali sa hinala. Ang taong kahawig na kahawig din ni Red Loughty ay siya 'yong ka chat niya. Baka nga hindi rin siya nakilala dahil sa sobrang pagkaka edit din niya sa kanyang picture. Inaalala niya na baka magalit din ito dahil sa pagkakaretoke niya sa kanyang picture.

Napilitan niyang dukutin sa bulsa ang nag ba vibrate niyang phone. Sinadya nga niya na naka silent mode ito, para hindi nakakaagaw pansin ang tunog. May tumawag Unknown Number ang nakalagay. Hindi na inabutan ni Danish ang ring dahil nawala na rin ito. Natukso uli siyang balikan sa online ang ka chat.

"Hey baby!"

"Hey baby!"

"I called you but you don't answer my call😔. I guess you don't wanna see me😔.

Sabay nag send pa ito ng kanyang photo na kuha sa loob ng bus. Hindi na matiis ni Danish na balewalain ito lalo naka sad sticker pang kasama. "Bahala na kung madismaya siya hitsura mas mabuti malaman sa unang tingin pa lang.

"Yeah, I'm at your back seat." Naka- hang pa din ang hinlalaking daliri ni Danish. Parang gusto niyang isend ang reply o huwag na kaya.

Nag ring na naman ang kanyang cellphone. Pagkatapos niyang nai send ang huling reply. Lumagpas na siya ng limang minuto bago ito i-send pero "bahala na" yon ang huling pumasok sa kanyang isip.

Tinititigan pa lang niya ang cellphone. Nakita uli niya ang Unknown number sa screen. Nang naramdaman niya nang may tumabi na sa kanya ng upo. Hindi maintindihan ni Danish sa sarili kung ano nga ba ang unang nararapat niyang gawin.

"Why don't you answer that call? Hi Danish!"

Napaka guwapo ng kanyang kaharap mas guwapo pa kesa nakita niya doon sa larawang madalas niyang titigan. Nanlalamig ang kanyang kanang kamay habang inabot ito sa naghihintay na kamay ni Redford. Ramdam na ramdam niya ang kaba sa kanyang pakikipgkamay sa binata.

"You are more prettier in person," nakangiting sabi nito sa kanya.

Hindi nga malaman ni Danish kung paano nga ba siya naging mas maganda gayong nakapusod pa ang buhok na parang pusod na nasa bahay lang.

"Ay naku binobola kaya ako nito," bulong niya sa sarili.

"Nice meeting you!" tanging nasabi ni Danish.

Marami pa siyang nais itanong sa binata ngunit napansin niyang nasa bungad na sila papasok sa entrance ng Beach.

My Airplane Love ( COMPLETED ) unedited versionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon