Paggising sa umaga ay tila kay hirap
Inspirasyon sa pagbangon ay 'di mahanap
Bumangon sa kama, maligo at magbihis
Araw nga ay matapos sana ng mabilis
Bawat paglakad nararamdaman ang pagod
Sa mundong ito'y unti unting nalulunod
Pagpasok ng pinto ilagay na ang ngiti
Bigat ng dalahin ay iyo ngang ikubli
Mga tawanang hindi siguradong totoo
Sarili nga'y pinipilit muli mabuo
Mga kahinaan nga ay aking itatago
Isip at puso ko may hindi ko mabago