Traydor ngang talaga ang mga alaala
Uulit sa'yo mga panahong masaya
Pati sa panaginip mo sya'y makikita
Ipapadama mga bagay na nawala
Maitatanong 'yong mga pagkakamali
Mga paniniwala s'ya nga'y mababali
'Wag kang magalala magigising kang muli
Masisilayan rin uli ang bahaghari
'Yong tandaan walang bagyong 'di natatapos
Panaho'y tutulong na ika'y makaraos
Harapin ang umaga ng mayroong ngiti
Nadapa, tumayo, punasan ang 'yong binti
