06

9 0 0
                                    

Nagsimula lahat sa maulan na daan
Ayaw magpaawat, gagawan ng paraan
Walang kinakatakutan magsama lamang
Lalagpasan lahat ng susubok humadlang
Ikaw, oo ikaw, ikaw ang kalsada ko
Nagbigay ng daan sa magulo kong mundo
O baka ikaw, ikaw ay ang aking buwan
Nagbigay liwanag sa madilim na daan
Sabi mo ako ay isang taong matibay
Ngunit pagkatao ko'y tila bumibigay
Ngayon alam ko na, ikaw ay aking bagyo
Dadaan lang at magiiwan ng delubyo

PagkadapaWhere stories live. Discover now