02

21 0 0
                                    

Sabi nga, "'pag mahal mo ipaglalaban mo,
Ibigay ang lahat at 'wag basta susuko"
Matamis na mga salita nang pangako
Unti-unti na nga ay parang nababago
Araw araw ika'y palaging kasama
Buong pag ibig sa iyo'y ipinadama
Masasayang araw ng ating pagsasama
Naidlip lang, paggising tila lumipas na
Sandigan natin marahil nga ay bumigay
Dumalas na nga ating mga pag aaway
Pasensya kana marahil ako'y nagkulang
Panaho'y lumipas ng 'di man lang nabilang

PagkadapaWhere stories live. Discover now