Wan

9 0 0
                                    

Hi!

Alam kong hindi mo naman mababasa to, sumusubok lang naman kasi ako eh.

Gusto ko lang sabihin sa'yo na matindi ang pag-hanga ko para sa'yo. Kahit na sa sulat lang at hindi mo naman mababasa, at least naipahayag ko naman.

Ang corny ko no? Pero yan ang totoo. Natatakot kasi ako. Bakit? Hindi ko rin alam eh, basta ang alam ko natatakot ako.

Isa lang naman ako sa maraming mga babaeng humahanga sayo. Isa sa mga babaeng nag-iiwan ng 'kalat' - sabi mo nga- sa locker mo. Isa sa mga babaeng hindi mo pinapansin AT hindi mo papansinin.

Ewan ko ba. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Gulo ko no? Oo, talagang magulo ako.

Yan lang naman yung mga gusto kong sabihin sa'yo. Na hinahangaan kita simula grade 1 pa lang hanggang ngayon na high school na tayo. Hindi mo na rin siguro ako naaalala. Di bale ik-kwento ko na lang sa'yo sa susunod na sulat ko para sa'yo.

Wait, may nakalimutan ata ako. Ano pa bang hindi ko nasasabi? Ay, oo nga! Nasabi ko na bang mahal kita? Hindi pa? Edi sasabihin ko na. Ayan na. Mahal kita.

Oh, masaya ka na ba? Sana masaya ka na.

Nag-mamahal,

Ang magandang si Akira Sia Kusanagi.

(Wag ng tumutol, hindi mo rin naman mababasa to.)

Para Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon