Hindi ko na pala kailangang mag-hintay ng ilang dekada kasi nakita na kita.
Kahit pa nag-iba na ng kaunti ang itsura mo at mas lalo kang gumwapo, hindi pa rin kita makakalimutan.
Sobra-sobrang saya ang nararamdaman ko. Para nga akong tangang naka-ngiti habang nag-lalakad papunta sa'yo.
Nasa harapan mo na ako pero hindi lang masyadong malapit dahil nahihiya ako sa'yo. Ewan ko, pero feeling ko dapat akong mahiya.
"Calvin."
Mahinang tawag ko pero alam kong narinig mo kaya naman parang slow motion kang tumingin sa'kin.
Nanlaki ang mata mo, siguro dahil sa gulat, tapos ngumiti ka. Pero may nag-iba sa ngiti mo. Oo, masaya ang ngiti mo, pero hindi ito ang ngiti na ibinibigay ko sa'kin. May nag-bago ba? Siguro, marami.
"Akira! Kamusta ka na? Tagal na rin nating hindi nag-kita ah."
Bakit ganun? Parang wala lang sa'yo na nakita mo ako? Bakit parang hindi mo na ako mahal?
Biglang may babaeng lumapit at humalik sa'yo. Sa labi. At doon pa lang, alam kong marami na nga ang nag-bago.
"Ahh, Akira ito nga pala si Sofia, fiancé ko, Fia, ito naman si Akira, she was my classmate mula grade 1 hanggang high school."
Nag go with the flow na lang ako. Wala naman kasi akong magagawa pa.
Nag chitchat lang ng kaunti at alis na. Pupunta pa daw kayo sa wedding organizer niyo.
Hindi na ako pumasok. Okay lang kahit matanggal na ako sa trabaho. Para saan pa ang pag-ttrabaho ko?
Ayoko ng mabuhay. Ikaw na nga lang ang dahilan kung bakit gusto ko pang mabuhay, nawala pa. Tapos, classmate nung high school? Ang sakit naman nun, Calvin.
Siguro nga, promises were meant to be broken pero ako naman, hindi ko naman binreak yung promise ko ah?
Sana pala hindi na lang ako naniwala sa'yo. Nakakainis ka. Nakakagalit ka. Pero bakit hindi pa rin nawawala yung pag-mamahal ko sa'yo?
Bakit mo ba ako pinahihirapan ng ganito? Wala lang ba yung mga pinag-samahan natin nung high school tayo?
Siguro para sa'yo, puppy love lang yon, pero sineryoso ko yon. Naniwala kasi ako na balang araw, ikaw yung makakasama ko habang buhay, pero bakit ganun? Wala na ba akong karapatang sumaya?
Sana pala namatay na lang ako. Ayoko na. Ikaw lang naman ang minahal ko ng ganito eh. At wala na akong ibang mamahalin pa kundi ikaw lang.