Payb

8 0 0
                                    

Isang buwan na lang, graduation na.

Sobra-sobrang pagka-pahiya na ang nararanasan ko, pero eto, hanggang ngayon, mahal pa rin kita.

Naalala ko pa yung ginawa mong pag-buhos ng coke sa damit ko. Hindi ko naman talaga sinasadyang mabangga ka, sadyang siksikan lang talaga sa canteen pero nakatatak na talaga yata sa utak mo na nag-papapansin lang ako sa'yo.

Pero pansin ko ngayong mga nakaraang araw, hindi mo na ako masyadong pinapahiya. Natutuwa na rin ako kasi tinatanggap mo na rin ang mga gifts ko.

May gusto ka na rin ba sa'kin? Sana naman kahit kaunti meron kahit alam kong kahit sa panaginip hindi mangyayari yun.

Ngayon nga ay hinihintay kita sa may garden, alam ko kasing dito ka nalalagi kapag nabo-bored ka.

At hindi nga ako nag-kamali dahil ilang minuto lang ay nandito ka na. Para namang hindi ka na nagulat at inaasahan na ako dito dahil hindi kita nilapitan ngayong araw. Alam ko kasing ikaw ang nahihiya sa mga pinag-gagawa ko. Narinig ko kasing nag-uusap kayo ng mga kaibigan mo at sinabing bakit hindi mo sagutin ang manliligaw mo.

Alam kong nahihiya ka kaya hangga't maaari ay dito na lang ako tatambay.

Ibinigay ko sa'yo ang gawa kong coffee na tinanggap mo naman at ininom kaya mas lalo pa ako natuwa.

Tahimik lang tayong dalawa at walang may gustong mag-salita at nang tumingin ako sa'yo ay naka-pikit ka pa kaya akala ko ay tulog ka na, pero bigla kang nag-salita kaya alam kong hindi ka pa tulog.

"Why?"

Na-gets ko naman agad kung bakit ka nag-tanong.

"Hindi ko alam. Wala namang dahilan para mahalin mo ang isang tao diba?"

Nakangiti ko pang sambit. Hayy, ang sarap palang makipag-usap sa taong mahal mo kahit ganito lang yung convo niyo.

Dumilat ka naman at humarap sa'kin, nagulat pa nga ako nang makita kang nakangiti.

Pangatlong beses ko na 'to na makita kang naka-ngiti. Una ay yung grade 4 tayo na pumunta sa graduation natin yung mga magulang mo, pangalawa naman ay yung first year tayo nung nanalo ka sa contest ng pagandahan ng painting.

"I mean, why me? Bakit naman ako na hindi ka naman pinapansin, na hindi ka man lang pinapahalagahan? Ngayon ko nga lang nalaman ang pangalan mo eh."

Napa-ngiti na lang ako sa sinabi mo. Siguro nga ay wala ka pa talagang alam masyado sa pag-mamahal.

"Hindi mo naman kasi napipili yung taong gusto mong mahalin. Mararamdaman mo na lang yan at magugulat ka na lang na in-love ka na pala."

Napatingin ako sa'yo dahil tumahimik ka pero laking gulat ko nang makitang ang lapit ng mukha mo sa'kin.

"I wouldn't be surprised if I fell in-love with you."

Then you kissed me. And that was the happiest day of my life.

Para Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon