Ngayong araw na 'to ako aamin sa'yo.
Kasalukuyan nga akong nag-hihintay sa'yo dito sa locker room. Kanina pa ako kinakabahan, baka kasi itulad mo ako sa mga babaeng nag-co confess sayo parati, eh hindi naman alo tulad nila.
Sa wakas, dumating ka na rin at pag-dating ng pag-dating mo palang, nialapitan na agad kita.
"Para sa'yo."
Nanginginig pa ako habang ibinibigay ko ang sulat ko sa'yo. Hindi ko naman kasi kayang sabihin sa'yo ng harapan, first time ko kasi 'to.
Ang nakaka-dismaya nga lang ay ang hindi mo pag-tanggap sa sulat ko, inaasahan ko na 'to kaya gumawa ako ng back-up speech.
"Alam ko na mahirap paniwalaan pero Calvin, mahal kita.---"
May ida-dagdag pa sana ako kaso, bigla ka na lang tumawa at tumingin sa'kin na parang nababaliw na ako. May mali ba sa sinabi ko?
"Do you hear yourself, missy? You think I would give a fuck? Look at yourself! You're not even someone who's to look at and please, stop being such a drama queen. Ganyan naman kayong mga babae eh, basta makakita ng gwapo, mahal na agad! I've already had enough stupid bitches to handle, wag ka ng dumagdag pa."
Saka mo pinunit ang sulat ko at iniwan akong lumuluha doon.
Hindi naman lahat ng babae, tulad ng iniisip mo.
Napansin kong ang dami na palang tumitingin sa akin kasi kanina pa ako nakatayo doon, pero parang wala na lang sa'kin yun. Mas masakit palang ma-reject agad kaysa sa mag-mahal ng malayuan.