Siks

14 0 0
                                    

Naging tayo nung araw na yun kaya naman sobra ang saya ko.

Ang sarap palang maging girlfriend ng isang Calvin Hernandez noh?

Lagi mo na akong hinahatid-sundo, lagi na rin tayong sabay mag-lunch, lagi tayong mag-kasama at lagi mo na rin akong sinasabihan ng I love you, yun nga lang, Italian language. Pero okay lang sa'kin yun, iisa lang naman ibig sabihin nun eh, mahal mo pa rin ako.

Pero, bakit ganun? Pag-katapos ng sobrang kasiyahan ay matinding kalungkutan naman ang kasunod? Oo, siguro nga ganun ang nangyayari.

Graduation na natin, nakapag-bigay na ako ng speech dahil valedictorian ako pero hindi pa rin ako lubos na masaya. Bakit? Kasi wala ka naman dun para i-greet ako. Hindi ka umattend.

Akala ko hindi ka na dadating pero nagulat na lang ako nang dumating kang humahangos pa dahil sa pag-takbo. Niyakap mo ako ng mahigpit at humingi ng sorry dahil na-late ka pero okay lang yun. Sabi nga nila diba, "Better late than never."

Hinalikan mo ako, dapat maging masaya ako, pero bakit parang may mali? Bakit parang nag-papaalam ang mga halik mo?

Bumitiw ka. Ikaw ang unang bumitiw sa halik. Hindi ko maiwasang maluha kasi naalala ko, ngayon nga pala ang alis niyo patungong Italy.


"Babalik ako, babalikan kita. Promise me Akira, you'll wait for me and I promise you that I'll return here."

Ngumiti at tumango na lang ako kahit mahirap. Masakit kasi.

"Oo, Calvin. Para sa'yo mag-hihintay ako kahit pa matagalan."

You kissed my forehead and I just closed my eyes because I don't want to see you leave.

"Ti amo, amore mio."

And then you left. But I know you'll be coming back. I know you'll fulfill your promise.

At para sa'yo, mag-hihintay ako.

Para Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon