Nayn

10 0 0
                                    

Bakit ganun? Nang-aasar ba ang tadhana? Bakit ba lagi niya tayong pinagtatagpo?

Nalaman ko na lang pag-pasok ko, ikaw pala ang boss namin, na ikaw pala ang may ari ng kumpanyang pinapasukan ko, at araw araw din kitang nakikita, kasama ang fiancé mo.

Hindi ko na kailangan pa ng closure. Para saan pa diba? Malinaw naman na wala lang naman sa'yo ang mga nangyari.


Maaga akong nag-out dahil Friday ngayon at gusto ko rin na mapag-isa, isa pa, birthday ko ngayon kaya magce-celebrate ako.

Kahit na hindi ako sanay ay pumunta ako sa bar at uminom. Sabi kasi nila ay kapag uminom ka, mawawala ang sakit, pero bakit naman ganun? Mas na-dagdagan lang naman.


First time kong uminom ngayon. Una ay ayaw ko pa sa lasa ng alak pero nang tumagal ay unti unti ko ng nagugustuhan.


Hindi ko rin namalayan na umiiyak na pala ako. At ikaw na naman ang dahilan kung bakit ako umiiyak.

Nabigla ako nang tumabi ka sa'kin. Ikaw ba talaga yan o hallucination ko na lang to dahil sa lasing na ako?


"Hi."

Bati mo sa'kin.

Nginitian na lang kita, hindi ko pa rin naman kasi alam kung ikaw ba talaga yan.

"Umiinom ka pala?"

Napatingin ako sa'yo. Nang makita ko ng malinaw ang mukha mo parang bigla na lang sumabog lahat ng nararamdaman ko.

"Bakit?"

Napakunot naman ang noo mo at nag tanong ng 'Anong bakit?'


Hindi ko na naman namalayan na umiiyak na pala ako.

"Bakit Calvin? Bakit ka nangako? Bakit hindi mo tinupad? Bakit ka nag-paasa? Bakit nga ba ako umasa? Bakit parang wala lang sa'yo? Bakit ba mahal pa rin kita? Minahal mo ba talaga ako? O natuwa ka lang sa atensyon na binibigay ko sa'yo noon? Bakit ayaw mong sumagot? Totoo ba? Pinag-lalaruan mo lang ba ako, ha?"

Ayan, nasabi ko na. Nasabi ko na ang mga tanong sa isip ko, marami pa sana akong gustong itanong sa'yo pero nawawalan ako ng lakas ng loob.

Malungkot kang tumingin sa'kin.

"Sorry, Akira. Akala ko kasi hindi ka na makakapag-hintay pa sa'kin dahil sa sobrang tagal ko na sa Italy, kaya nag-pasya na lang ako na kalimutan ka na. Sorry talaga Akira. I'm sorry for everything I've done."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 14, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Para Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon