Por

6 0 0
                                    

Simula nung araw na yon, mas lalo pa kitang minahal.

Sobra na nga ako sa katangahan. Gusto ko kasing patunayan sa'yo na hindi lahat ng babae tulad ng iniisip mo, saka mas gusto kong i-express na lang 'tong pag-mamahal ko sa'yo kaysa naman na itago ko lang.

Ngayon ngang araw na 'to, bibigyan kita ng paborito mong coffee at ibibigay ko rin sa'yo tong scrapbook na ginawa ko. Alam ko kasing mahilig ka sa mga vintage objects kaya nag-ipon ako ng mga pictures ng mga vintage houses, cars at marami pang-iba na alam kong hilig mo.

Kaso nga lang nang ibinigay ko na sa'yo, pinunit mo lang naman, pati yung coffee, binuhos mo lang sa'kin, pero ayos lang. Niligpit ko na lang yung kalat at nilinis ang sarili ko.

Narinig ko pa ngang sinabi ng mga kabarkada mo na masyado ka rawng harsh pero ang sabi mo lang naman, dapat lang sa kanya yan kasi ang kulit kulit niya.

Masyado ka bang nakukulitan sa'kin? Ganito kasi yung alam kong paraan para maipakitang mahal talaga kita.

Para Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon