Chapter Twenty Six

22.6K 586 33
                                    


Chapter Twenty Six

Eliz

"WHAT ARE you waiting for, Monique? Open your mouth."

Kitang-kita ko sa mukha niya iyong pinaghalong tagumpay, tuwa at hindi maitagong pinipigilang pagnanasa nang makita niya ang reaksyon ko matapos kong makita ang malaking simbolo ng kanyang pagkalalaki.

Nang i-angat ako ang ulo ko para salubungin ang tingin niya at habang may namumulang mukha, saka ko lang naisip kung ano bang ginagawa namin.

Kung ano bang ginagawa ko sa sarili ko.

Dahil higit sa posibilidad na may nararamdaman nga sigurong pagnanasa o atraksyon sa katawan ko si Eros, mas nangingibabaw pa rin ang napakalaki niya ring pride—ang pride ng pagiging lalaki niya.

Hindi lang 'to simpleng natukso, nadarang o anumang tawag ng laman naming dalawa. At hindi lang din 'to basta init ng katawan ng dalawang estrangherong nakitang hubad ang katawan ng isa't isa at habang nasa kalagitnaan ng kawalan.

He's trying to prove all his accusations right.

Na simula pa lang, sinusubukan niya akong subukan—kung magpapadala nga ba ako sa tukso na hinahain niya sa harapan ko, doon sa mga sadya niyang pang-aangkit at pagbibigay ng malisya sa isip ko at doon sa mga ginagawa niya na posibleng maging malakas niyang bitag para makuha ang gusto niya.

He wants me. But he wants to feed his ego more.

Iyong kaninang tila nag-aapoy at nagdedeliryong katawan ko mula sa mga hawak at dampi ng labi niya sa balat ko ay tila napalitan ng nagyeyelong tubig na biglang ibinuhos sa akin.

Marahas kong tinapik ang pisngi ko gamit ang dalawang kamay ko na siyang ikinagulat niya saka ko sinimulang damputin iyong nagkalat kong damit sa sahig at nagbihis na.

"Wait, wait, wait! What are you doing?" kunot-noong tanong nito.

"Hindi mo pa ba nakikita? Nagbibihis," malakas na bulyaw ko sa kanya saka siya nilingon, pero mabilis ding tumalikod dahil hindi man lang siya nag-abala na takpan ang kahubaran niya.

Porn actor siguro ang side line ng hayop na 'to. Ni hindi man lang marunong makaramdam ng hiya na nakahubad pa rin siya! malakas na sigaw sa isip ko.

"Seriously, Monique? You choose to be stubborn at this moment?" hindi ko na kailangan lumingon para maramdaman iyong pagkabagot sa boses niya. "Don't tell me you got scared? Are you a virgin? Don't worry. I'll stimulate you enough you won't even feel anything aside from pleasure."

Hindi ko napigilang maglabas ng sarkastikong tawa doon sa sinabi niya saka siya muling hinarap at tumitig lang sa mukha niya habang pinipigilang pumasok sa isip ko iyong bagay na nasa pagitan ng hita niya at doon sa idea na wala siyang kahit anong saplot sa katawan ngayon.

"Wow. Gusto mo bang palakpakan kita d'yan sa special skills mo?" sarkastiko pa ring sabi ko saka marahang pumalakpak. "Halatang alam na alam mo talaga gagawin mo, ano? Kaya ang dali-dali lang sa'yo na bilugin ang ulo ko!"

"I'm a man, Monique. Of course I know what I'm doing," nandoon pa rin sa tono ng pananalita niya ang pagkabagot.

"Kaya ba alam na alam mo rin kung paano pa mas pababain ang tingin ko sa sarili ko, Eros?"

Wala sa plano ko na magmukhang mahina o nasasaktan sa harapan ng lalaki na 'to.

Pero boses ko na mismo ang gumawa ng paraan para hindi mangyari ang bagay na iyon.

Breaking the Rules (Mondragon Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon