Chapter Forty Seven

17.7K 527 36
                                    

Chapter Forty Seven

Eliz

PALINGON-LINGON ako sa paligid, hinahanap kung saan ba nanggagaling iyong lamig na biglang pumalibot sa katawan ko at iyong pakiramdam na parang kanina pa may nagmamasid sa akin at pinapanood ang buong galaw ko.

Pero sa kabila ng pagbabalak ko na alamin kung sino o saan nanggagaling ang pakiramdam na ito, wala rin naman akong nahanap na sagot dahil na rin sa pagdagsa pa ng mga tao sa mansyon at mga bisita na ngayong gabi lang dumating at humabol dito sa party.

"Okay ka lang ba, Eliz?"

Bigla kong naramdaman ang pagdampi ng kamay ng nangmamay-ari ng boses na iyon sa balikat ko saka napa-angat ang tingin ko sa nag-aalalang mukha ni Gael.

"Ha? Bakit mo natanong?"

"Kanina ka pa kasi parang balisa. Masama ba pakiramdam mo? Gusto mo na bang magpahinga? Kung may nararamdaman ka, p'wede ka naman nang bumalik doon sa kwarto at magpahinga."

"Pero paano ka?" Biglang tanong ko nang maalala ang jitters na sinasabi nito dahil sa anxiety at dahil na rin doon sa ako ang napili nitong date ngayong gabi at kasa-kasama niya na salubungin at batiin ang mga bisita.

"Ayos lang ako," sagot pa niya saka ko naramdaman ang paglipat ng pagdantay ng palad niya sa noon ko at dinama iyon. "Nanlalamig ka. Siguro dapat magpalit ka na ng damit because you wear such..."

Hindi na natapos ni Gael ang sasabihin nito saka ko napansin ang unti-unting pamumula ng pisngi nito, bago ko sinundan ng tingin kung saan nakatuon ang mga mata nito ngayon.

Wala sa loob na bigla kong naiyakap ang mga braso ko sa tapat ng dibdib ko sabay tumalikod dito at ako naman ngayon ang namumula dahil sa pagka-ilang sa nangyari.

"P-p'wede ba, Gael?"

"I'm sorry. Hindi ko sinasadya na mapatingin sa... d'yan sa suot mo."

Nagka-amnesia lang ako. Pero hindi ako tanga para hindi mahulaan kung ano ang pumasok sa isip ni Gael nang bumagsak ang tingin nito sa cleavage na kitang-kita rito sa suot ko.

Ang mas nakakainis pa, ngayon pang pinili ng utak ko na mag-replay ng mga eksena na hindi ko dapat naiisip ngayon. Mga eksena na nagpapatunay kung gaano ka-intimate ang naging relasyon namin ni Gael noon.

Sa loob ng sasakyan niya no'ng College. Sa loob ng isang condo. Sa hotel. Sa beach sa Boracay at kung saan-saan pa namin maisipan magpatangay sa tukso, kabataan at tawag ng laman.

"Wear this."

Nakaramdam ako ng malambot na tela na puma-ibabaw sa magkabila kong balikat saka ko nakita ang coat na suot ni Gael na nakalagay na sa akin.

"Wala bang ibang maipapahiram na damit si Elisha sa'yo na hindi masyadong..." Tumikhim na lang si Gael at hindi na tinapos ang sasabihin niya. "I'll go look for my other cousins. Baka may maipahiram sila sa'yo na ibang damit."

"H-hindi na," naiilang na sabi ko habang hawak ang magkabilang dulo ng coat at pilit iyong itinatakip sa tapat ng dibdib ko. "Nakakahiya naman ay Elisha. Ilang oras niya akong tinulungan para maging presentable ang suot ko."

"So, this is Elisha's plan?" Dinig kong bulong ni Gael saka ito umusal ng mga salita sa ibang lenggwahel. Spanish? Hindi ako sigurado.

Muli akong pinasadahan ng tingin ni Gael mula ulo hanggang paa at pabalik, saka ito tila iritable o hindi kaya nahihirapan na napasuklay sa buhok nito saka ito naman ang tumalikod sa akin.

Breaking the Rules (Mondragon Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon