Chapter Fifty Eight
Eliz
"ANG LAKAS din naman ng loob mo na bumalik sa pamamahay ko, babae?"
Para akong nakarinig ng malakas na kulog at kidlat sa naging tono ng pananalita ng isa sa matandang Mondragon na si Don Carlos matapos nitong magpasya na harapin ko dito sa may sala ng mansyon. Nasa tabi rin nito sa may sofa si Abuela Katarina na may halong pakiki-simpatya sa mukha para sa akin at mensahe na unawain na lang ang halatang sama ng loob na tinanim para sa akin ng matandang don.
"Gusto ko po sanang humingi ng tulong sa inyo, s-sir." Nasabi ko na lang, hindi malaman kung sa paanong paraan at pangalan ko ba dapat siya tawagin.
Noong una kong nakilala ang matandang don, mukha itong mabait at hindi maka-basag pinggan na tao. Lagi lang itong naka-ngiti at halata ang nag-uumapaw na pagmamahal para sa asawa nito na lagi nitong kasama. Kaya hindi mo aakalain na ito rin pala ang tipo ng tao na nagtatanim ng galit para sa iba.
Pero gaya na rin nang na-ipaliwanag ni Abuela noon, namana ng mga Mondragon ang temper ng mga ito sa kanilang abuelo kaya siguro hindi na rin dapat ako magtaka kung bakit nanginginig ang buong pagkatao at kalamnan ko sa sobrang kaba at nerbyos ngayong naka-harap ko na muli ang matandang don.
"Hindi pa ba malinaw sa'yo ang naging desisyon ko?" Nang-uuyam na tanong nito. "Walang anumang tulong ang ibibigay kay Eros, mas lalo sa'yo, nang dahil sa kalapastanganan at gulong dinala n'yo sa pamilya na ito. Hindi na Mondragon si Eros at hindi na siya makakatanggap na kahit singkong kusing o kahit charity man lang sa pamilya na ito."
"Sir! Nakiki-usap po ako!" Pagsusumamo ko sabay napa-luhod sa harapan nito. "Kailangang-kailangan po ni Eros ng tulong n'yo. Nasa kritikal po siyang kalagayan ngayon at kailangan agad ma-operahan para maiwasang lumalala ang lagay niya—"
"At ano namang kinalaman ko doon?"
"Carlos!" Hindi maka-paniwalang usal ni Donya Katarina sa inasal ng asawa nito saka ito humarap sa akin, mababakas ang pag-aalala sa narinig na balita. "Anong ibig mong sabihin sa tinuran mo, Eliz? Anong nangyari kay Eros? Nasaan siya?"
"Nasa may isang ospital ho siya sa El Nido at kasalukuyang mino-monitor ng mga nurse at doktor," panimulang paliwanag ko sa matandang donya. "Mayroon daw pong piraso ng buto sa ribs niya ang tumutusok ngayon sa baga niya at kailangang matanggal agad bago ito makagawa ng mas malaking komplikasyon sa lagay ng katawan ni Eros. Pinayuhan po ako ng doktor na ipa-opera siya agad para maalis iyong nasabing buto at kailangan po namin ng malaking pera para doon."
"Dios mio!" Nahihintakutang usal ni Abuela. "Sandali lang at kukunin ko ang card sa wallet ko. Magkano ba ang—"
"Katarina!" Putol ng matandang don at mahahalata ang bahid ng pagbabanta sa tono ng pananalita nito para sa binabalak gawin ng katipan.
"Nagmamaka-awa po ako sa inyo, Don Carlos!" Muling paki-usap ko habang nagpipigil na mapa-iyak sa harapan ng mga ito. "Kung ano man pong naging kasalanan namin ni Eros sa inyo o sa pamilya n'yo, please po! Ako na lang po ang parusahan n'yo matulungan n'yo lang si Eros!"
"A Mondragon's word of honor is our crowning glory." Wika ni Abuelo. "Hindi ko babawiin ang desisyon ko sa kahit ano mang dahilan. At kahit umiyak ka pa ng dugo sa harapan ko, hinding-hindi ko babawiin ang sinabi ko. Pinili ni Eros na talikuran ang pamilya niya para sa'yo. Anong dahilan namin para akuin ang responsibilidad ng mga naging desisyon n'ya?"
"I can't believe I'm hearing this from you, Carlos!" Ani ni Abuela, halata ang dismaya ang lungkot sa mata at mukha nito. "Apo mo pa rin si Eros! Halos tayo na tumayong magulang sa batang iyon. Ano't bakit ganito katigas ang puso mo para sa apo mo? Hindi mo ba p'wedeng isantabi muna ang sama ng loob at pride mo para sa apo mo ngayong kailangang-kailangan niya tayo?"
BINABASA MO ANG
Breaking the Rules (Mondragon Series #3)
General Fiction[FINISHED] Malaki ang pagpapahalaga ni Eros sa rules. He's a organize and order freak. Gusto niya lahat nasa ayos. Lahat gusto niya tama. Lahat dapat perpekto. That's how he live his life not until Monica Eliz came into the scene. Eros was attracted...