Chapter Thirty Three
Eliz
"GISING KA na pala."
Agad rumihistro sa mata at labi ni Gael ang isang matamis at masayang ngiti nang makita niya akong nakatayo sa bukana ng kusina kung nasaan siya ngayon at tila naghahanda ng pagkain.
"Anong ginagawa mo?" hindi ko mapigilang itanong habang nakatingin sa napakakalat na kusina.
"Sinusubukang gawan ka ng breakfast," sagot niya saka nilagay ang dalawang kamay sa baywang na tila babae at tumingin sa direksyon ko na tila ba isa siyang maamong bata na nahuling nagkakalat ng magulang niya sa may kusina. "But I guess I failed? Cooking is not my thing. Ikaw kasi ang gumagawa nito sa ating dalawa. Maybe I should start practicing now."
"Talaga?" litong tanong ko sa sarili ko dahil wala akong natatandaang may pinaghanda akong lalaki maliban kay Eros nang mamasukan akong katulong sa mansyon.
May bahagi sa isipan ko na marunong nga akong magluto dahil na rin sa maaga akong naulila sa mga magulang at wala akong ibang maasahan kundi ang sarili ko lang.
Pero hindi ko pa rin maalala sa kung anong parte ng buhay ko nandoon si Gael.
Magmula nang una kong marinig ang pangalan niya, alam kong nagpakita ako ng interest tungkol sa kanya. Kung sino ba siya, bakit siya naging miserable at nakaramdam ng awa para doon sa babaeng nawala sa buhay nito—na ako pala kung totoo man ang sinabi niya na may relasyon kami.
Hindi ko rin naman makumpirma kung siya nga ba iyong lalaking nasa panaginip ko dahil hindi na nagpapakita sa akin ang estrangherong lalaki na iyon sa mga panaginip ko nitong nakaraan. Kaya hindi ko rin masabi kung siya nga ba talaga ang lalaking walang mukha na gumugulo sa isip ko o ano.
Kung may napanaginipan man ako kagabi, iyon ay ang namagitan sa aming dalawa ni Eros doon sa may kweba sa likod ng talon.
At hanggang sa ngayon, nararamdaman ko pa rin sa balat ko iyong init ng katawan niya at kung paano dumapi sa bawat sulok ng katawan ko ang haplos at labi niya at kung paano niya pinaramdam sa akin ang maging babae.
Marahas akong napailing sabay napayakap nang wala sa oras sa sarili ko at tinaas-baba ang mga kamay ko sa braso ko na tila ba inaalis ko iyong natitirang alaala at bakas ni Eros sa sistema ko.
Hindi ka dapat nag-iisip nang ganito ngayon, Eliz! Mahiya ka naman sa kasama mo! kastigo ko pa sa sarili ko. Paano kung totoo ang lahat ng sinasabi niya? Paano kung may relasyon talaga kayo at magpapakasal na sana kayo? Hindi ka ba nahihiya sa ginagawa mo? Hindi ka ba natatakot sa p'wede niyang gawin sa'yo oras na malaman niya na may nangyari sa inyo ni Eros—na mismong pinsan pa niya?!
Biglang binalot ng takot at kilabot ang katawan ko nang maisip ang posibilidad na iyon at ang katotohanan na napapagitnaan ako ng dalawang Mondragon, ng magpinsang sobrang lapit sa isa't isa base na rin sa naging kwento ni Manang Pising noon.
Anong ginawa mo, Eliz? Gusto kong saktan ang sarili ko nang malunok na ng isip ko ang mga nangyayari at posibleng mangyari. Ano bang ginagawa mo—
"What's wrong, babe? Okay ka lang ba?"
Umangat ang tingin ko nang marinig ang boses ni Gael at nakita na nakatayo na pala siya sa harapan ko at mababakas ang sobrang pag-aaala sa mukha nito.
"Bigla bang sumama ang pakiramdam mo? Sumasakit na naman ba ang ulo mo o mga sugat mo? Hindi mo kailangan pilitin ang sarili mo, Eliz. Magpahinga ka na lang muna," sunod-sunod na turan niya. "I did my best pero hindi talaga siguro sa akin ang pagluluto. Hayaan mo tatawag na lang ako ng katulong na maghahanda para sa akin."
BINABASA MO ANG
Breaking the Rules (Mondragon Series #3)
Ficção Geral[FINISHED] Malaki ang pagpapahalaga ni Eros sa rules. He's a organize and order freak. Gusto niya lahat nasa ayos. Lahat gusto niya tama. Lahat dapat perpekto. That's how he live his life not until Monica Eliz came into the scene. Eros was attracted...