Chapter Forty Five
Eliz
MULI KONG pinasadahan ng tingin ang sarili ko sa salamin, suot-suot ang ang evening dress na pinahiram sa akin ni Elisha para sa party ngayong araw.
Isa iyong deep v-neck applique white lace na may black poplin split front dress. Sa madaling salita, isa iyong mahabang piraso ng tela na tinatakpan ang ibang bahagi ng katawan ko maliban doon sa dibdib ko na isang maling galaw lang ay luluwa na, slit sa likod na ilang sentimetro na lang ang layo para ipakita maging ang balakang ko at ang ang slit sa gilid ng mahabang palda na pinapakita ang kutis ng binti ko.
Pinahiram din ako ni Elisha ng silver high stilettos na babagay doon at nilagyan ng smokey make up look ang mukha ko at pulang lipstick ang labi ko para sa finishing touch na sa tingin ko'y umayon doon sa na-imagine niyang kakalabasan ng naging eksperimento niya sa akin.
"You look perfect!" Naalala ko pang sabi niya matapos ang ilang oras na pag-aayos niya sa akin.
At dahil na rin sa ilang buwan kong pananatili sa isla at hindi rin naman ako sanay magsuot ng halos six inches heel na sapatos, nagpalipas pa kami ni Elisha ng isa pang oras para turuan akong maglakad nang maayos o kahit tamang paglalakad lang para hindi ako matumba at ma-aksidente ang paa ko.
Sa loob ng ilang oras na pagsama at pag-aasikaso sa akin ni Elisha, bigla tuloy akong nakaramdam ng guilt sa naging inasal ko sa haparan niya.
"Don't mentioned it," sagot niya matapos kong humingi ng despensa sa kanya. "I told you, take this is my peace offering to you. And since we're on the same boat now, let's leave all the thing behind and enjoy this party. I cannot wait to see Gael's reaction once he saw you. Someone won't get a sleep tonight for sure!"
Sa totoo lang, naiilang ako sa pagiging masyadong bulgar ni Elisha.
Maliban sa nakaka-intimidate na niyang aura at net worth, nakakailang din ang personality niya at iyong pagiging confident niya lang sa sarili niya.
Rich. Smart. Flawless woman. Si Elisha ang babaeng kaka-inggitan at papangarapin mong maging. Pero siya rin ang tipo ng babaeng gusto mong magustuhan ka at kaibiganin ka.
Hindi na ako magtataka kung paano niya nagawang mapa-ikot ang mga Mondragon sa palad niya—kung totoo man ang bali-balita tungkol sa kanya at pagiging masyado niyang malapit sa mga binatang Mondragon.
At sa tuwing napapatagal ang pagkakakilala ko sa kanya, mas lalo lang akong nanliliit sa sarili ko at sa kung ano lang ang mayro'n ako. Kung ganitong klaseng babae ang kasalukuyang girlfriend ni Eros, ano na lang ang magiging laban ng isang gaya ko—kung saka-sakali mang may laban nga ako sa una pa lang.
Kasalukuyan akong nagtatago dito sa may kusinang parte banda ng mansyon, malapit sa quarters ng mga kasam-bahay kung saan ako dating nanunuluyan.
Ilang mga kasam-bahay na naituring ko na ring mga kaibigan no'ng nasa isla pa ako ang nagsabi na hindi ako nababagay dito, na dapat ay sumama na ako sa party sa may sala kasama ng iba pa, o hindi kaya ay tumayo sa tabi ni Gael, na ayon din sa sabi nila ay pinagtatanong kung nakita na ba ako.
Pero gaya nang mga naunang sagot ko, lagi ko lang sinasabi na nagpapahangin muna ako sandali at lalabas na rin maya-maya kapag nagsimula na ang handaan at bumabati na ang mga bisita ng mga Mondragon kay Gael.
Dahil sa kabila ng mahika na ginawa ni Elisha sa akin ngayong gabi, hindi ko pa rin magawang lumabas at harapin ang mga taong hindi ko kauri at ni sa panaginip ay hindi ko ma-iisip na makasama sa iisang handaan.
BINABASA MO ANG
Breaking the Rules (Mondragon Series #3)
Genel Kurgu[FINISHED] Malaki ang pagpapahalaga ni Eros sa rules. He's a organize and order freak. Gusto niya lahat nasa ayos. Lahat gusto niya tama. Lahat dapat perpekto. That's how he live his life not until Monica Eliz came into the scene. Eros was attracted...