Chapter 2
DI NGA???
Naku naman!
Sino bang nantitrip nito?
Sarap n'yang sapakin!
Puro kalokohan!
A place where you belong!
Ano?Hindi ba ako belong sa mundo ng mga tao?!Ganun?Sapakin ko kaya nagpadala nito.Eng sherep sherep nye nemen!
Crimson Academy?Saan ba 'to?Wala pa akong naririnig na ganitong school dito sa Pilipinas.
Sa America ba to? North o South?Russia? Europe? Africa? Australia? Antarctica?Saang part ng Asia 'to?
Fuck! It's stressing me out!
Gulong gulo na ako kaya itinapon lo na lang ang sulat sa basurahan.
Ano bang oras na?'6:16'
Shit!Teka hindi pa ako nakakapagluto!
Calm down,self.Calm down.Tulog pa sila. Ok now bumaba ka na at maghanda ng almusal.Malakas ang kabog ng dibdib ko ng bumaba ako ng hagdanan.
Maingat ang bawat hakbang.Ng makababa ako dali dali ang punta ko ng kusina.
Ng makitang walang tao ginawa ko agad ang dapat gawin.
Nagluto ako ng sinaing.Habang nagsasaing, nagagayat naman ako ng gulay para sa ulam sa agahan.Tagaktak ang pawis ko ng mahango ang huling ulam na niluto ko.
Hanep yan!Hindi ba makakakain ang pamilyang 'yun ng hindi lang isang putahe ang ulam, kailangan talaga tatlong putahe?Ano may mga anaconda ang tiyan?
Eh hindi din naman nila inuubos ang karamihan sa mga niluluto ko.
Psh, naku naman!Ng marining ko ang mga tunog ng yapak agad ko ng inayus ang lamesang pagkakainan nila.
Tanghali yata sila ngayon?Isa-isa silang nagsulputan sa dining.Bakit nakabihis yata sila?Lalabas yata.
"Wow ang tanga mo rin eh ,no?Kung kelan kami nakakain na saka ka maghahanda ng almusal.Hangal ka talagang babae ka!"napakislot ako ng sigawan ako ni Tita Lexie.
Napatigil ako sa paglalapag ng ulam.
Ano kamo?Sila nakakain na?Eh sinong kakain nito?Pinaghirapan ko 'to ah."Kumain na kayo?"balik na tanong ko.Hindi ako nagisip sa sinabi ko.Tanga!
"Tanga malamang!Kasasabi lang diba?Use your brain naman bonehead!"insulto naman ni Keira.Anak ni Tita Lexie.
"Pero..pero sinong kakain nito?Niluto ko 'to para sa inyo."
"Ipakin mo sa aso!O kaya itapon mo!"sigaw ni Hance.Kapatid ni Keira.
"Bakit ba tanghali ka na gumising ha?!Hindi mo ba alam na gutom ang inabot namin dahil sayo!Walanghiya ka talaga kahit kailan!"
Bigla akong sinugod ni Tita.Umatras ako ng umatras hanggang sa dumikit ang likod ko sa sink.
Hinablot niya ang buhok ko at pilit na idinukdok sa lababong puro hugasan.Mga utensils na ginamit ko kanina sa pagluluto.
"Tama na, Tita."tanging saad ko.
Masakit sa anit.Sobrang sakit.
~PAKKKKK~~
Tila nabingi ako sa lakas ng impact na tumama sa sintido ko.Nandilim ang paningin ko.
Hinampas ako ni Tita ng chopping board!
Nabitawan niya ako.May kinuha siya sa gilid ng stove at muli akong napasigaw ng malakas ng hapdi at sobrang sakit ang naramdaman ko.
She's holding a whip.
BINABASA MO ANG
Primrose Crimson:Land Of Catastrophe
FantasyA chaotic place. A world of extraordinary things. A place beyond for supernatural. A place where your fantasy exist. She lived in mortal realm. A brave woman seeking for love , home and attention. A tough woman despite of her weaknesses. A woman wi...