CHAPTER 26
Eureka's POV
AS WE ENTERED the door of this great tower, our eyes saw nothing but large walls and spiral stairs. Yes, as in, walang ibang narito sa loob ng tore bukod doon. Isang malaking espasyo, nagtataasang pader na gawa sa bato, at ang spiral na hagdanan na hindi ko alam kung ga'no kataas.
"Hello?" wika ni Suzy at nag-echo lamang ang boses niya sa kabuuan ng abandonadong tore.
Napaka-tahimik ng lugar na 'to. Sinubukan naming tumingala upang silipin kung hanggang saan ang abot ng hagdanan, ngunit sa sobrang taas nito'y parang imposible naming makita ang dulo nito. And because there's nothing down here but complete emptiness, we had no choice but to climb the stairs and see what's waiting up there. Sabay-sabay kaming umakyat ng hagdan. Wala kaming kaide-ideya kung ilang steps ang staircase na 'to, basta na lang namin itong inakyat nang hindi nagdadalawang isip.
After three minutes, first twenty steps...
"Hm, ga'no kataas kaya ang hagdan na 'to?" kunot-noong tanong ni Neil.
Genesis shrugged. "Malay ko. Ba't ako tinatanong mo, ako ba gumawa ng tore na 'to?"
Dahil d'on binatukan siya ni Neil. "Loko, pilosopo!"
Haysh. Itong dalawang 'to talaga... Tsk tsk tsk. Hindi ko na lamang sila pinansin at nagpatuloy sa pagtahak ng hagdanan paitaas. After another three minutes, 50'th step...
"D*mn! Ilan bang steps ang hagdan na 'to?" reklamo ni Suzy habang kamot-kamot ang ulo.
Bumuntong-hininga si Ele at inunahan siya sa pag-akyat. "Just go and stop whining."
Umirap si Suzy at nag-make-face, bago nagpatuloy sa paghakbang paitaas. Sumabay siya sa'kin at niyakap ang braso ko, saka bumulong, "Sungit ng leader natin, Eu. Tch!"
"Well..." Napangiti na lamang ako. "Oo, minsan."
Additional round of ten minutes, 100'th step...
"A-Argh..." Panandaliang huminto si Mr. Landers at humawak sa kaniyang tuhod, habang hinahabol ang kaniyang hininga. "This... This is tough."
"Uncle, are you alright?" Zharina caressed her uncle's back.
Dahil d'on ay napatigil rin kaming lima sa pag-akyat at nilingon namin ang ginoo. Nakita kong pilit na ngumiti si Mr. Landers at humugot ng malalim na hininga, saka ito ibinuga.
"I-I'm fine, just a bit tired," wika nito. "You know, age problems. Hehe."
Dahil medyo may edad na si Mr. Landers, naiintindihan namin ang kundisyon niya. Kaya naman naglaan kami ng ilang minutong pahinga sa gitna ng hagdanan, para na rin ma-recover ni Mr. Landers ang kaniyang enerhiya. After three to five minutes, back on the move na ulit kami. Another round of three minutes, 120'th step...
"Guys! Look!" Suzy pointed her index finger above. "I think that's the end of the stairway!"
Napatingala kaming lahat at sinundan ng tingin ang kaniyang tinuro. And she's right! Agad naming natanaw sa itaas ang dulo ng hagdan, kung sa'n naroon ang pangalawang palapag ng tore. Dahil d'on ay mas lalo kaming na-excite at ginanahang akyatin itong napakataas na hagdan.
"Yeeessss!!!" We all cheered and rushed towards the top. Nakakailang hakbang pa lang kami patungo sa pinaka-tuktok ng hagdan ay bigla naming narinig ang boses ni Mr. Landers.
"A-Ah, kiddos... Can you slow down just a little bit?"
And right on cue, sabay-sabay kaming huminto. Na-realize namin ang sitwasyon ni Mr. Landers. Oh, right. He can't keep up with us because of this so-called "age problem". Kaya naman humakbang kami pabalik upang alalayan ang ginoo.

BINABASA MO ANG
Juniors Decode: Navigate Atlantis [COMPLETED]
Fiksi IlmiahCodes. Mystery. Adventure. And a lost city. Curious teenagers venture to the uncertainty. Pack your bags and prepare your travel suits. Buckle your tightest seatbelts as we wonder across the map to navigate the legendary City Of Atlantis. Project of...