Chapter 21

4.1K 203 8
                                        

CHAPTER 21

Eureka's POV

OUR QUEST HAS BEGUN. It's another round of mystery to solve and enigmas to unravel.

Sinubukan naming humanap ng daan pababa ng bangin. We're determined to get to that abandoned city, which is the Atlantis, based on our wild guesses and observation so far. Fortunately, may compass si Mr. Ned Landers. He's a scout ranger, as he told, so bringing an old compass along the trip was a basic doing in his profession. Base sa compass ng ginoo, nasa "east" ang syudad. Kailangan lang naming sundin ang direksyong pa-silangan nang sa gayun ay 'di kami mawala habang tinatahak ang masukal na kagubatan pababa sa matarik na burol.

"This way, kids." Mr. Landers led the way. Kaming lima, kasama si Zharina, ay sumunod lamang sa kaniya sa gayun ay 'di kami maligaw.

As I expected, the path that we're taking was too dangerous for a club composed of teenagers, us. Dahil nga pa-slant ang daan na aming nilalandas, may mga instances na nadudulas kami at kamuntikan pang madapa. But the good thing was, agad kaming bumabangon upang ituloy ang paglalakbay. Lalo na't gubat ito, maraming mga kahoy, bato, dahon, insekto, at kung anu-ano pang sagabal sa paligid. There was one moment, the soil softened and Zharina slipped off, almost gone out of balance. Luckily, the knight in shining armor- Genesis- was there to save her. Mabilis na naalalayan ni Gen ang braso at baywang ng dalaga bago pa ito tuluyang bumagsak.

"Thank you," Zharina sweetly said as she gained back her balance, then tucked some strand of her hair behind the ear.

Genesis smiled, "Be careful next time, okay?"

Zharina nodded in response and locked an eye-contact with Gen for almost seven seconds. Kulang na lang ay 'yung slow background music, para may romantic effects. Napansin ko ang pagpipigil ni Neil ng tawa. Si Ele ay walang reaksyon. Nagkatinginan naman kami ni Suzy at binigyan niya ko ng makahulugang tingin.

"Ehem," tumikhim si Mr. Landers, kaya agad na natauhan ang dalawa. Mabilis na humiwalay si Gen sa binibini. Si Zharina naman ay napaiwas na ng tingin, nagba-blush pa. Isang matalim at taas-kilay na tingin ang pinukol ni Mr. Landers kay Genesis, kaya naman napayuko at napakamot-batok na lamang ang binata.

"Wew, lover boy alert," bulong ni Neil sa katabi niyang si Ele.

Natawa nang bahagya si Suzy at napailing na lamang ako.

"Let's continue?" tanong ni Ned.

"Um... Y-Yes, sir," sagot ni Gen.

Awkwardly funny... but sweet at the same time. Obviously, may gusto si Gen kay Zharina. Well, who wouldn't? Napakaganda ni Zharina lalo na't may lahi siyang British. At mukhang bet din ng dalaga ang co-member namin. Oh, love birds!

We proceeded our track down the sloped wilderness. The route really gave us a hard time. But we ain't backing down. Not today! In the midst of our journey, mga ilang minuto ang nakalipas, sa wakas, narating namin ang patag na lupain. Nakalabas na rin kami ng kakahuyan. Wala nang mga nagtataasang puno. No'ng makatapak kami sa kapatagan, bumungad sa'min ang malawak at maaliwalas na paligid. Sinalubong din kami ng malakas na pag-ihip ng hangin. Tanging ang malaking espasyo lamang sa pagitan ng lupa at bughaw na langit ang aming naaaninag. At sa dulo nito, naroon, natatanaw namin ang mga mala-higanteng pader ng syudad.

"There it is!" Sabay turo ni Zharina sa abandonadong syudad ilang kilometro ang layo mula sa'ming kinatatayuan. "We're halfway there."

Ibinulsa ni Mr. Landers ang kaniyang compass saka ito sumenyas. "Let's go!"

HERE WE GO.

Muli kaming naglakad. Sa pagkakataong ito, mas madali na kaming nakakagalaw dahil 'di katulad kanina na matarik ang aming nilalakaran, ngayo'y patag na lamang ito. Wala na ring mga puno at kung anu-anong hadlang sa'ming daan. The mysterious lost city of "Atlantis", the one that lies at the end of this isolated land. Just wait, we're coming! Faintly, the wind blew on our bare skin, the sunlight showered from above, and clouds dispersed from the sky as it's already between morning and noon. Kapit lang, guys, malapit na tayo! Kapit lang. Kinalaunan, unti-unti nang lumalaki ang matataas na pader ng syudad sa'ming paningin. Meaning, malapit-lapit na kami mula roon.

Juniors Decode: Navigate Atlantis [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon