Chapter 28

3.7K 173 12
                                        

CHAPTER 28

Eureka's POV

"ATLAS1602..." I RECITED in front of the hologram, constructing the final answer inside my head. And the passcode is... Closed eyes! Please work! Please!

"Seven one three!" There! I finally said it!

Roman numbers 'VII, I, III' filled the blanks on the hologram's encoder. Here comes the dramatic silence, embracing the atmosphere in intense slow motion; the crying seamonster and forceful punches against the door as background noise, my companions complaining and groaning to keep the door closed. I stood by the hologram, sweating. Everything was catastrophic. Until...

["Ting! Your access is correct,"] the programmed voice echoed inside the room. ["Atlas1602 is now in your good hand, have a safe flight!"]

Then, the hologram disappeared. Right on cue, the plane-like-machine adjusted its right wing and shifted position until it was replaced by an open frame. Sa wakas! Nabuksan ko na ang pinto nito!

"Guys! Guys! Guys!" tawag ko sa kanilang atensyon. "It opened! It opened!"

"Ah! Finally!" masayang hiyaw ni Genesis.

Nagliwanag ang kanilang mga mukha. Hindi na sila nag-atubiling iwanan ang pintuan at kumaripas ng takbo papasok sa gintong makinarya. When the door was left unblock, the Leviathan ferociously entered the room. BLAG! Lumipad ang metal door dahil sa pwersa ng halimaw. There it is! The giant lobster, again, roared with its red eyes darted on us.

"Faster! Faster!" Zharina exclaimed.

Nababalisa kaming sumakay ng Atlas1602. Umupo si Suzy sa driver's seat, katabi niya si Neil. Nasa likod naman kaming lima: ako, si Ele, Zharina, Genesis, at ang ginoo. Medyo masikip pero kasya naman kaming pito.

"Hala! Hala! Halaaa!!!" sigaw ni Neil habang nanlalaki ang mata't nakatingin sa Leviathan. "Sh*t, Suz!!! Isara mo na ang pinto! Isara mo na!"

Neil was in edge of hyperventilating and I can understand why. Kung 'di agad maisasara ang pinto ng machine, paniguradong lalapain siya ng halimaw dahil siya ang pinakamalapit sa pintuan!

"T-Teka! Teka! Pinag-aaralan ko pa 'yung mga butones!" 'di mapakaling tugon ni Suzy habang nakatitig sa control panel nitong sasakyan.

We heard a low yet wild purr. The lobster, glaring at us, slowly yet surely crawled closer and closer and closer.

"F*ck, Suz! Isara mo na! Ayoko pang mamatay!" naiiyak na sigaw ni Neil habang nakikipagtitigan sa halimaw. "Isara mo na!!!"

"Isara mo na, Suzy! Baka maihi na 'yan sa pantalon niya!" kantyaw ni Genesis sabay ngisi.

Hindi ko alam kung pa'no sila nakakapagbiro sa ganitong sitwasyon? Pero, oh well, masasanay rin ako.

RAAAAGGGRRHHH!!!

Bigla na lang umungol ang higanteng nilalang, tila'y naamoy nito ang takot ni Neil kaya't nabuhayan ito ng loob. And with that, the seamonster ran across the room, approaching our direction. Sa sobrang pagkawindang, sabay-sabay kaming napatili. Sobrang lakas ng tili namin, as in, daig pa ang mga nanonood ng horror movie sa sinehan! At 'yung mga mukha namin... Freaking priceless!

"Aha!" Suzy smashed a certain button. Eksaktong pagpindot niya, automatikong sumara ang pinto, dahilan para sumalampak ang mukha ng halimaw sa matigas na katawan ng eroplano. Ayun, knock out!

["System locked,"] announced by the programmed voice inside the machine.

Ngayon, fully secured na kami sa loob ng sasakyang Atlas1602. Sa wakas! Makakahinga na kami nang maluwag. Thank God! That was so, so, sooo close! Sinuot ni Suzy ang aviator gear sa kaniyang ulo, nag-seatbelt, at hinawakan ang manibela ng makinarya. She really looks so cool when she exposes her daredevil attitude.

Juniors Decode: Navigate Atlantis [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon