Prologue.

11 0 0
                                    

Prologue.

"Hindi naman kita pini-pilit na gustuhin ako, eh. You just did. Wala akong pake sayo." Sabi ko kay Leiva.

"How dare you!" pa-sentence na sabi niya hindi patanong.

Naglakad na lang ako paalis. Ang daming nakatingin sa Canteen. Wala akong pake kahit na kanino, kung meron 'man trip ko lang 'yun. Mahirap kasi yung sobrang trip mo sa kanya, maiinlove ka. Corny na pero just like that kaya ayoko 'non. Favorite kong manood ng love stories.

"Tulungan na kita, L-Leiva." Narinig kong sabi ng isang lalaki kay Leiva, at tinayo siya. Mukang mahiyain 'yung lalaki, pero mukang kaibigan ni Leiva. By the way, ano bang pake ko?

Ang dami kong nakakasalubong at ang dami ring nagbubulungan, tapos titingin sa'kin. How dare them? Natingin sila sa maganda kong muka? Wala silang ganon, eh.

"THALIA MENDEZ!" sigaw ng isang boses lalaki. Wala sana akong balak humarap sa likod para tignan siya, pero baka umiyak. Pero anong awa ko?

Tumingin lang ako sa kanya, malamig na tingin. How dare him na tawagin ako sa full name ko? S'ya yung tumulong kay Leiva kanina.

Nagkumpulan na ang tao, ano? isang nerdy boy lang ang mangganyan sa'kin? Nakita ko Leiva sa tabi nong lalaki, nag-smirk siya sa'kin.

"ANONG KARAPATAN MONG SAKTAN SI LEIVA!? SINO KA BA HA? T-THALIA? TAMA?" Halatang nauutal siya, at natatakot. May gusto 'to kay Leiva haha. Kay Leiva talaga?

"Alam mo bang pare-parehas tayong istudyante dito? Pare-parehas nagbabayad ng tuition fee? Sino ka at gaganyanin mo pang si Leiva? Reyna ka ba? Kahit nga pagiging Prinsesa 'di ko makita sayo, eh." sabi niya.

"Did I asked to say your opinion?" mataray kong sabi. Umi-smrik ako kay Leiva.

Naisip ko na, ang baba naman ni Leiva para ipaglaban ko yung sarili ko sa kanya dahil una pa lang panalo na ko.

"Aba. Thalia ba? Mukang anghel ang pangalan pero dimenyo naman talaga? Alam mo T-Thaliang d-dimenyo--" I cut him, hindi dahil na-offend ako. Dahil narealized ko nga yung 'Ang baba ni Leiva, para ipaglaban ko yung sarile ko'

"Ok ka na? Tapos na ba? Late na ko, eh. Next time na lang, ah?" sabi ko at naglakad na palayo.

Nang nakarating ako sa room ko, ang tahimik ng aura ng dumating ako 'Masyado talaga akong maganda'

"Alam mo bang late ka na Miss Mendez?" nanggigil na sabi ni Miss Ramos.

"Sana inform ka na, pinagaaralan sa elementary ang pagtingin ng tamang oras sa relo." sabi ko.

"Alam mo din ba na kaya kong iconsider ito as cutting?" tanong niya ulit sa'kin.

"Gawin mo, takot ako." sabi ko at dumiretso na sa likod. Pinakadulo.

Napa-hinga na lang ng malalim si Miss Ramos. Tsk.

"Come on. Ok class siya si Klea Amoranto. Siya yung anak ni Dean, na galing sa Canada." pagpapakilala niya sa Babae sa harapan. Ngumiti naman yung babae.

Agad nagsilakihan ang mga mata ng lalaki kong kaklase, mas maganda pa ko diyan. Napatingin sa banda ko yung babae, at ngumiti siya sa'kin. Siniringan ko siya. Pake ko ba sa kanya?

"Doon ka sa tabi ni Zack." sabi ni Miss Ramos.

Si Zack, escort na'min. 'Di naman gwapo.

"Yiee, parehas maganda 'tas gwapo"

"Meron na tayong sweetheart sa room!"

"Sa wakas!"

Pagmamalaki nila kay Klea. Tss. Tumingin sa'kin si Zack, at umismirk. Kumunot yung noo ko para sabihing 'bakit?' natawa siya sa kinauupuan niya Siniringan ko na lang siya.

"M-Miss Ramos, tawag po kayo ni Ma'am Jasmin." sabi 'nong may gusto kay Leiva, na bigla biglang sumulpot sa room. Napatingin siya sa banda ko. Pero ako dinaanan ko lang siya ng tingin. Pake ko ba sa kanya.

"O'sige, Cedie. Mauna ka na." sabi ni Miss Ramos doon sa nagkakagusto kay Leiva.

Cedie pala, ah.

"Sige po, Miss." sabi niya at umalis na.

"Ok class, walang magiingay. Aalis muna ako." sabi ni Miss Ramos, at nagopo naman sila.

Bigla sa'king lumapit si Klea, tss.

"Hello! Thalia, right? Sikat na sikat ka dito." so she loves her language very much, galing sa Canada pero  dalawang english word lang ang nasabi? Haha, weak.

"Alam ko." sabi ko na lang, walang Special Treatment kahit anak siya ng presidente, mas maganda naman ako sa kanya at tao lang din siya.

"Klea Amoranto ang name ko. Alam mo kung bakit--" I cut her immediately.

"Wala akong pake. At tsaka, sino ka para pagtuonan ko ng oras?"

Medyo kumunot yung noo niya at muling ngumiti. Tss. Ang plastik lang.

"Hindi mo ba ko kilala? Anak ako ni Dean Amoranto. Yung Dean sa school na 'to? Di mo ba narinig kanina? haha." tawa niya pa, siniringan ko siya at sinabing. . .

"Tapos ka na?"

"A-Ah?" nauutal niyang sabi.

Sumiring na lang ako, at tinakluban ko ng libro yung muka ko.

Tss, ano she want a special treatment? 'Gusto niya special bully?' Ayon lang yung kaya ko.

You Made Me Live AgainWhere stories live. Discover now