Chapter 6.
"No you can't" Sabi ko dahil pinipilit niya akong makapagpaliwanag siya.
"Please?" sabi niya pa, ulit.
"Don't waste your saliva for talking nonsense. Just go." ayan lang ang sinabi ko at nagsimula ng kumain
"Meron 'tong kwenta, Thalia. Please, let me" sabi naman niya. Anong gusto niya tagalog? Di ba siya nakakaintindi ng english? Naging boyfriend niya lang si Jaycee, di na siya marunong mag-english. Bad influence talaga si Jaycee.
'Di na ko nagsalita. Makikinig ako, pero 'di ko maipapangakong tatanggapin ko lahat 'yon.
"Sorry, for everything. Siguro nga, tama ka mali ako. Pero mahal ko siya. Siguro hindi mo ramdam pero nagseselos ako, pag magkasama kayo I'm just pretending na 'hindi'. Ako nga unang nagkagusto kay Jaycee eh. Wala akong balak saktan ka dahil sa past pero Thalia, move on. So please, sorry? Sorry. Can we go back when our friendship was strong?" tanong niya.
Tamango lang ako. Ayoko ng makipagsabayan, sa kanya. It's more on ayoko ng makipagtalo? Sawa na siguro.
"Y-Yes? Thankyouu" Yayakapin niya sana ko pero alam niya ang distansiya niya.
"And by the way, kaya ko ginawa 'to. Kasi I know that hindi mo alam. Bi-nreak ako ni Jaycee, kanina lang." sabi niya. Alam ko kung peke ang ngiti niya or whatever pero yung ngiti niya ngayon hindi peke. Sobrang natural.
"So? Sml?" tanong ko lang. Di na mababalik yung tiwala ko sa kanya. I promise.
"Thalia naman, haha. So, dahil bati na tayo sama ka sa'min bukas. Sunduin kita sa room niyo. Annnd! No, buts." sabi niya at umalis na. Tss, di ako tanga. Ano ko, sunod-sunuran? Never. Sa kanya pa? Crazy.
Umalis na ko 'don, at iniwan ang pagkain. Nakakawalang gana. Lahat ng past bumalik sa'kin. Ganon na ba talaga ako kasama?
"Thaliaa!" sigaw bigla ng nasa likodan ko.
Si Cedie. Wala akong nagawa kung hindi lumingon.
"Sasama ka ba? Sama ka na! Bilis na!" sigaw niya, halos lahat ng tao natingin na sa'min.
"Saan, ba?" tanong ko. Itong lalaking to, sobrang nakakainis. Lahat na lang pinakielaman.
"Sa sinabi sayo ni Leiva. Ay oo nga pala congrats." sabi niya.
"Hindi ako sasama, marami akong gagawin wala akong time para magsaya. Kasi ikaw, wala kang ginawa kung hindi magsaya." sabi ko lang
"Pleasee?" mahabang sabi niya. Ang arte nito.
"Sige na, basta wag mo na kong sundan!" sigaw ko.
"Thankyou" narinig kong sabi niya sa likod. BWHAHAHAHA nauto.
"Alis na ko!" sigaw niya at narinig ko ang yapak nita, papunta yata sa room niya. It's like, bigla akong nairita.
Di ko alam pero sa onting araw na pangungulit niya sa'kin, nahuhulog na ko sa kanya. Ano ba to! Nakakainis eh
Naglakad ako ng diretso. Habang naglalakad ako, unti-unting nagdalawa ang mga tao sa paligid ko, at unti-unti rin itong nawala.
Ramdam ko ang pagbagsak ko at ang tao sa paligid na nagbubulungan, di ko alam kung sino dahil itim na nga ang paningin ko. Nang bumagsak ako sa sahig, hindi masakit. Parang manhid na ako.
"Edi wow, alam mo ikaw kuha mo kilig ko eh haha."
"Sabi ko na nga ba eh, yiee."
"Huwag ka ngang maingay, nakakahiya oh."
"Haha, nahiya ka for the first time. W-Wait a minute, nagba-blush ka?"
"Hindi"
"Weh?"
"Hindi nga sabi, eh."
"Weeh? Amin."
"Oo na!"
"Yieee."
Mga salitang tumatak sa isip ko bago ako mawalan ng malay.
--
THE ENDSorry
kung maiksi, masyado. XD! Haha. Sana magustuhan niyo yung Chapter 7 mejs pasabog! Boom! Spoiler haha. New author nga pala ako. Haha.
YOU ARE READING
You Made Me Live Again
Ficção AdolescenteDahil sayo nabuhay ulit ako, kahit saglit lang.