Chapter 14.
Hindi pa din ako nakakatulog ngayon. Iniisip ko yung sinabi ni Acki, it's that true? Ano naman mapapala ni Acki kung magsisinungaling siya saken? Diba wala naman? So anong issue niya.
1am na hindi pa din ako makatulog, kinuha ko yung picture niya.
Totoo kayang buhay ka pa?
Ang weird lang, bakit magtatago sa'min si Tita Charina? Meron bang malaking dahilan kung bakit nila tinago?
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa sobrang pag iisip.
"..Nagiba siya ng ayos, pero kilala ko siya..."
Anong ibigsabihin niya? Nagiba ng ayos? What? Di ko magets kung paano nangyare 'yon.
Nagising na lang ako sa tawag sa phone ko, si Cess.
"Hm, Cedie. Nagising ba kita?" tanong niya sa'kin.
"No. Gising na talaga ako. Kakatapos ko lang maligo, actually." ano? nagising nga ako sa tawag niya eh. May pumipigil sa'kin na wag sabihin yon sa kanya.
"Huh? Ang aga pa, ah." Sabi niya na natatawa pa.
"Yeah, bakit nga pala?" tanong ko sa kanya.
"N-Nakakahiya 'man. Pwede mo akong turuan sa spanish language? Eh, kasi sobrang hina doon." nahihiya niyang sabi. Haha, ayon lang pala.
Syempre, tourism siya eh. Alam ko na din yon kasi diba? Teacher nga ako in the future?
"Sure, why not? Mamayang lunch sa canteen, sabay na din tayong mag-lunch." sabi ko.
"S-Sige. Bye." sabi niya, na nahihiya pa.
"Bye. Ingat." sabi ko
In-end niya na yung call. Parang na-excite ako pumasok ah. Ano? Hindi pala ako na-excite. Nakakainis.
Naligo na talaga ako, kahit maaga pa. Wala naman din akong magagawa, nagising na ko eh. Once kasi na magising ako, di na ko nakakatulog
Pumunta na agad ako sa school.
Sana maabutan ko si Cess.
Ano, hinde. Naglakad na lang ako. Kahit yung guard nagulat sa'kin. Ganon ba ko kaaga? At himala bukas na yung room. Meron ng tao doon si Lance. Yung secretary na'min sa room. Siya din yung taga-bukas ng room.
"Ang aga mo, ah." sabi ko sa kanya.
Tumango lang siya. Tahimik talaga ne'to. Mapapanis ang laway ko dito. Naghead set ako dahil wala akong magagawa dito. Hindi din ako matutulog, baka sabihin naman ni Klea, tulog lang ang habol ko sa school.
Favorite ko na talaga yung Pagtingin eh. Kaya ayon yung pinatugtog ko.
Medyo dumadami na din ang tao sa room. Pero ako naka-head set pa din. Napatingin ako sa bintana. Maya-maya biglang may sumilip, si Cess. Pero agad siyang bumalik. Inaabangan ko kung sisilip muli, at sumilip nga siya ulit. This time, nginitian ko na siya.
Naglakad na siyang mabilis. Hanggang di ko na siya matanaw. Hays. Ano naman kaya yon? Sa Tourism Building ko naman nilugar ang tingen ko. At nakita ko siyang tumingin sa side ko, at nakatingin din ako sa kanya. Bigla siyang umiwas at binilisan na ulit ang palalakad hanggang nakarating sa room nila.
Hay. Bakit naman kaya nahihiya yon eh haha.
Dumating na ang teacher na'min. At mabilis ding lumipas ang oras. At nong break time hindi ako lumabas ng room, natulog lang ako. Di ko namalayan pag gising ko gabi na, joke wala silang lahat. At tumingin ako sa orasan 11:46 napala lunch na.
Nakita ko yung room nila Cess, nagka-klase pa sila. Yon! Kala ko eh.
Susunduin ko na lang siya sa room nila para gentleman ang dating haha. Naglalakad ako.
Nang nakarating ako sa Tourism Building. Andaming natingin. Masyado ba akong gwapo?
At nakarating na ko sa room nila. Over time na ah. Andaming tumingin sakin yung iba kinilig pa. Haha. Nakita kong napatingin din sakin si Cess, at bigla siyang namula. Hala, baka kung anong nangyare sa kanya.
Mga 11:50 siguro natapos yung klase nila. Nginitian ko siya.
Naglakad kame, at as usual madaming nakatingin. Mabilis naman kaming nakarating sa Canteen.
Umorder din kami, at ngayon nakaupo na kami dito.
"So, tungkol saan ba?" tanong ko sa kanya.
"Occasion nila." sabi niya.
"Walang pinagkaiba, ganon pa din yung occasion nila."sabi ko, tama naman ako eh.
"Tourist spot?" taning niya.
"Actually, meron silang tinatawag na Park Guell. Ayon yung isa sa mga sikat na park doon. And yung Plaza de Independencia. Parang plaza din siya, doon mo makikita yung mga rebulto ng mga tiga pagtanggol nila. Palacio Real, palace niya don sa Europa. Passeig de Gràcia in Barcelona. Meron din silang village puro mga Español lang ang mga nakatira yan yung Pueblo Español. Masyadong madami kung iisahin isahin ko pa haha." sabi ko.
"Eh, yung mga salita." sabi niya.
"Te amo." sabi ko. Di ko alam pero parang nanggaling sa puso ko ang sinabe ko.
"Which is.. I love you." pag papatuloy ko.
Bigla siyang napatitig sa'kin kaya nakipagtitigan ako sa kanya.
May kamuka siya eh..