Chapter 5.
"Alam mo para sa'ken? Dapat magbati na kayo ni Leiva. Ang bait bait niya, noh." sabi ni Cedie.
Nandito ako ngayon sa Canteen, kakain sana pero itong si Cedie, pumila daw ako. Di naman daw restaurant to. So sabi ko "Ayoko nga". Sabi niya hindi daw ako makakain hanggat di ako napila.
"What did you say? Mabait si Leiva? Can you hear yourself? Whatever. Ano nga pa lang pake ko sayo." sabi ko naman sa kanya. It's look like ako pa yung masama, ah.
"Alam mo, Thalia. Walang mangyayari kung hindi mo lulunukin yang pride mo. Sa huli ikaw pa din ang sisihin, ikaw pa din yung mali. Look, ang daming kaibigan ni Leiva, oh. Samantalang ikaw, ang merong ka lang bestfriend yung gwapo pa. Three letters. A. K. O." sabi niya. What the heck? Kapal niya, ah.
"Una, wala akong pake sa kanila. Pangalawa, mas lalo akong walang pake sayo. Feeling close ka, eh." sabi ko. Masakit na siguro 'yon para lubayan na niya ko, diba?
"Una, wala kang pake sa kanila pero insecure sila sayo. Pangalawa, wala kang pake sa'kin kamo? pero grabe ka nong pinapatahan mo ko sa mall. Cute mo, eh." pang-gagaya niya sa action ko kanina habang sinasabi ang mga katagang 'yan.
"Alam ko." sabi ko na lang.
"Aba, ang bagal niyo ah. Bilis-bilisan niyo! Halika dito!" sigaw ko sa isang tindera.
"P-Po?" tanong naman nito.
"You don't need. Papilahin mo siya, noh. Unfair sa iba." subat ni Cedie.
"Paepal. Basta. Isang pasta na lang. Macaroni, ah? Go! Faster!" sabi ko sa tindera. At agad naman siyang tumango.
"Ang tamad moo!" sabi niya at tumayo. Wala akong pake sa kanya.
"Punta na ko doon, ah?" pagpapaalam niya. Di ko na lang pinansin.
Mabilis namang nahanda ang pagkain na inorder ko. Dito na lang ako kakain. Nakakatamad sa room, si Klea lang mapapansin ko doon. Sabagay, papansin naman siya. Galing ko sa part na 'yon HAHAHA. Self- support.
"Hello, ulit." biglang sulpot ulit ni Cedie.
"Ano na naman 'yon?" tanong ko.
"Ayan, macaroni din inorder ko hehe." Sabi niya.
"Pake ko?" Sabi ko na lang.
Biglang nilagyan ni Cedie, ng bacon.
"Opss, wag mo ng ituloy. Hindi nakain si Thalia, niyan. Right, Thalia?" tanong sa'kin bigla ni Zack. Grr. Bakit niya ba kasi nalaman yon, eh para tuloy akong tanga.
"S-Sino ka, a-ah?" Tanong ni Cedie, kay Zack. Ganda ko talaga.
"Hindi. Nakain. Si. Thalia. Niyan. Yung. Bacon." paisa-isa na sabi ni Zack habang tinatanggal ang bacon sa plate ko. Nakakairita.
Nong natapos niya nang tanggalin 'yon. Kinuha niya yung pinaglagyan 'non at nilagay sa tray niya.
"Sige, alis na ko. Bye, Thalia." sabi ni Zack, at umalis na.
Pagkaalis ni Zack, ang sama ng tingin sa'ken ni Cedie.
"Siraulo yon, tapos kaibigan mo? Ok ka lang?" tanong sa'kin ni Cedie.
"Di ko siya kaibigan, feeling close lang siya. Ok?" sabi ko ulit.
"Hehe, oo nga pala bakit ka hindi nakain ng bacon? Karamihan sa babae, favorite yon eh. Haha." sabi niya.
Sinaboy sa'kin nong Nanay ko, yung bacon. Sa harap ni Lolo. Kasi iyak ako ng iyak kasi at first favorite ko talaga ang bacon, tapos umiyak ako sa Nanay ko eh nandon yung mga kamare niya. Tapos pag alis nong mga yon. Nagpabili yung nanay ko so tuwang tuwa ako. Syempre bata, eh. Tapos pagrating non pinaluto niya, tapos binuhos niya sa'ken syempre sobrang sa'kit non. Kaya may trauma ako, pero si Lolo tumulong sa'kin.
"Pake mo ba, ah?" tanong ko na lang. Takot ako sa iba na may kinakatakutan ako. Feeling ko tingin nila sa'ken sobrang hina.
"Eh, bat alam ni Zack?" tanong niya.
"Pake mo ba, ah? Tinatawag ka na yata ni Leiva. Go!" sabi ko, ayoko sa sobrang ingay.
"Sige, b-bye." sabi niya at tumayo.
Ayon.
Kumain na ko ng tahimik. Tahimik na tahimik. Kinuha ko yung phone ko, at doon ko nakita ulit ang friend request ni Cedie. So Cedrick pala siya? Haha, bagay naman.
In-accept ko na. Ngayon ko lang ginawa yon kasi kanina, biglang may tumawag si Charina-- yung nanay ko, sabi sa kanya daw ako tumuloy mamaya pero sabi ko tinatamad ako. Talaga naman, tapos sa kanya pa? Never.
"Thalia." andami talagang feeling close ngayon, no? Tignan mo. Sino na naman kaya to? Paepal eh.
Pagtingin ko doon, si Leiva. Ano naman kaya sasabihin nito sa'ken? Uutuin niya ulit ako--what I mean, manpaplastic ulit siya? Tss.
Di ako nagsalita. Kumain na lang ulit ako.
Naramdaman ko na bigla siyang umupo sa tapat ko.
"Pwede bang mag-explain ako? In a minutes?"