Chapter 15.
Nandito ako sa bahay. Naguwian na kami. Bumabalik pa rin sa isipan ko yung nangyari kanina sa'min ni Cess. Ano 'tong nararamdaman ko?
Is this love?
No. Hindi to love. Siguro, na-attached lang ako sa kanya. Pwede. Pero iba yung feeling. Parang nag blured ang paligid every time I saw her. Kanina, parang siya na lang yung muka ng mga tao sa canteen.
Ito ang kinakatakutan ko, ang mainlove.
Why? Mahirap, mainlove. Kasi hindi ko alam kung mutual ba 'o ano. Ang hirap masaktan ng patago, eh. Siguro, bukas iiwasan ko na siya para di na to lumala. Di na ko magiging in-denial, kasi parang niloloko ko na rin ang sarile ko.
Biglang may nag-text si Cess. S'ya na lang halos bumubuhay sa cellphone ko. Siguro, kung wala yung number ko sa kanya power off lagi 'tong cellphone ko.
Sabi niya,
Thankyou nga pala.
Di na ko nagreply. Di ko na nga siya papansinin, remember?
Biglang may kumatok sa pintuan.
"Hindi po ako kakain, 'ya." sabi ko sa akalang si Yaya iyon.
"Bakit di ka kakain?" tanong nito sa akin.
"Wala po akong gana." sabi ko.
"Kahit kasabay si Mommy at Daddy?" tanong nito. Bigla akong nagulat at binuksan ang pinto.
Nandon si Mommy. Bigla ko siyang nayakap. Hays. Namiss ko siya, namiss ko sila.
"Kailan pa, Mom?" tanong ko.
Kumalas siya sa pagkayakap at tumugon,
"Kanina lang, Anak."
"Hays, dapat sinabi mo saken Mommy para napaghandaan at nasundo kita." sabi ko
"Don't worry. Let's go, kain na tayo." sabi ni Mommy at inakbayan ako. Sayang.
Madali namang natapos ang kainang naganap at dahil sa pagod hindi muna ako nagexpend ng time para kilala mommy.
Mabilis ding lumipas ang oras at araw, at Miyerkules na. Makikita ko na naman si Cess. I hate this feeling, bakit ako excited?
Maaga akong pumasok at hindi ko expected nakasabay ko si Cess, kung anong dug-dug ang rinig ko mula sa dib-dib ko. Is this love? Grr.
"Uy." tawag niya sakin habang nakangiti.
"Oy, Cess." sagot ko naman sa kanya. Lintek! Bakit ang awkward? Wala naman akong nagawa at siya din, eh.
Ay oo nga pala yung oplan iwas kay Cess. Hindi ko mapigilan, kusang lumalapit ang paa ko papunta kay Cess.
"Musta?" tanong niya.
"Ok lang haha. Parang ang bilis ng panahon, malapit na mag graduation, 'no?" tanong ko naman sa kanya.
"Oo nga eh. Una na ko, ah? Meron pa pala akong gagawing report, I forgot. Hehe. Bye." sabi niya at nagsimula ng maglakad palayo sa'ken.
"Cess." di ko alam pero tinawag ko ang pangalan niya.
"Yes?" tanong niya
Ewan
"Ah-eh, libre ka ba sa Sunday. Diyan sana sa library. Bukas naman to eh." sabi ko. Ano namang gagawin namin doon?
"Sure haha. Sige una na ko." sabi niya.
This time hinayaan ko na siya. Wala na akong ginawa kung hindi maglakad na lang din papunta sa malaking corridor, at sa room. Walang issue this day himala. Walang nangi-issue ng kung ano-ano wala naman silang napapala. Yeah, maybe information.
Nakarating ako sa room, at walang bago ganon pa din. Walang bago, nakatanaw pa din ako sa bintana ngayon habang nagle-lesson si Sir Marky sa unahan. Hay. Bakit di siya nalabas?
"Hm, Cedie?" tanong bigla ni Sir Marky.
"A-Ano po yon, S-Sir?" utal utal kong tanong. Halos lahat ng classmates ko nakatingin sakin at parang wirdong wirdo sila sakin. Ano bang ginawa ko?
"Salita ka ng salitang 'Cess, labas ka'." sabi ni Sir, at lahat ng classmates ko tumawa. Lupa! Kainin mo na ko, ngayon din! Lintek, nakakahiya.
"Sino yung Cess, ah?" tanong ng isa kong madaldal na classmate, si Clark--bakla.
"Tss, Sir. Maglesson na po kayo." sabi ko.
"Then make sure that you are with us." sabi ni Sir. Tumango na lang ako. Tss, papahiyain na naman ako eh.
Nakinig na lang ako. Di na ko nagfocus sa room ni Cess dahul baka masabi ko na naman yon.
Nagbago na kami ng teacher si Miss Fuentes. Nang bigla may nagsalita sa pintuan.
"Miss, kailangan daw po kayo sa office." at biglang tumigil ang mundo ko. Si Cess yon.
"Oh sige, Cess. Pwede ka ng umalis." Sabi ni Miss.
"Ok class, you can take your lunch. Wala na namang sususnod na teacher sakin." sabi ni Miss, kaya agad nagsitayuan ang mga kaklase ko upang mag lunch. Pero ako? Tinatamad. Hay.
YOU ARE READING
You Made Me Live Again
Novela JuvenilDahil sayo nabuhay ulit ako, kahit saglit lang.