⛁ 002 ⛁

51 3 24
                                        

Nagsitayuan na ang iba para kumuha ng hapunan sa long buffet table; catering na pinondohan mismo ng village. Sabay-sabay na silang lumamon at nagkasiyahan, waiting until the time finally hits 9 o'clock.

But then, amidst of all the villagers having fun, bumukas ang pinto. Noong una'y wala pang nakapansin dahil wala na rin naman silang inaasahan na pumasok pa sa plaza. After X Battalion, no one should be entering the area by now, dahil nga itinuturing na VIPs ang mga ito.

Ngunit ngayo'y may naglakas-loob na pumasok matapos nila.

"Uy, sino 'yun?" Naningkit ang mata ni Suhwan.

Lumagok si Kookheon ng tubig. Magkakatabi sila sa mesa. "Talaga? May humabol pa?"

Suvin grins. "Ayos, Suhwan ah. Nakita mo pa 'yun?"

Suhwan's brows knitted. "Bakit naman hindi?"

"Eh maliit ka kaya—uy joke lang hehehe." Hindi pa natatapos magsalita si Suvin ay nakita niyang akmang hahampasin na naman siya ni Suhwan kaya mabilis siyang umiwas. They're bickering again.

Nagkataong malapit ang table nina Wonjin, Jungmo at Moonhyun sa pinto. Agad na tumayo si Jungmo para salubungin ang bagong dating.

"Hi, sino po kayo?" Jungmo smiles, flashing his teeth as he greets the guy. "Tagarito po ba kayo?"

"Kakalipat ko lang dito kanina. I was just checking out what's happening here," sagot ng lalaki sa pormal na tono habang nililibot ang tingin sa paligid. "Oh, and by the way, I'm Wooseok. Kim Wooseok." He offers a hand.

Jungmo gladly shakes his hand back. "Oh, nice to meet you! Ako pala si Jungmo." Lumingon siya sa mga naiwang kasama sa table. "Ayun pala sila Wonjin at Moonhyun."

Noong nakita nila Wonjin at Moonhyun na ipinapakilala sila, they waved their hands.

Jungmo clears his throat. "Gusto mo bang makiupo sa table namin? May extra pa kaming upuan."

Wooseok blinks. "Pwede ko ba munang malaman kung anong meron dito? Bakit kayo nagtitipon?"

"Ah, every friday, tradisyon ng mga nakatira dito na magpa-bingo. Lalo na sa last friday of the month at ilang okasyon," Jungmo elaborates.

"Wooseok! Nandito ka na pala!" sabat ng kakalapit lang na si Jinhyuk at tinapik ang balikat ni Wooseok. "Siya yung ni-recruit ko na lumipat sa tabing-bahay ni Yohan. Classmate ko siya nung college and he tapped me if I knew a house for sale kaya nirekomenda ko ang Produce Village."

Jungmo blinks and nods in realization. "Ah, siya pala 'yun…" He manages to give him a shy smile again.

"Tara, dun tayo sa harap," pag-aya ni Jinhyuk. "Papakilala ka ni Dongwook hyung sa lahat."

"Huh? Ano—" Wala nang nagawa si Wooseok at nagpahila kay Jinhyuk. As they pass through the lines of tables all the way through the platform, maraming napapatingin kay Wooseok, squinting their eyes, trying to recognize the new face.

X Battalion are currently bantering in their table when some of them noticed the change in atmosphere. Seungwoo cranes his neck to look and the others do the same.

"May bagong dating?" wika ni Seungwoo at pinagmasdan si Jinhyuk na kasunod si Wooseok.

Humalukipkip si Dongyo. "Sino siya?"

"Eh? Bakit parang ngayon ko lang siya nakita?" Eunsang tilts his head.

Yohan frowns. "Siya 'yung sinasabi kong bagong lipat. Kapitbahay ko siya."

Tumaas ang kilay ni Seungyoun. "Siya 'yung nagsabing mukha kang tagabuhat?" He chuckles.

Yohan sighs, rolling his eyes.

𝘱𝘢𝘯𝘪𝘤! 𝘢𝘵 𝘵𝘩𝘦 𝘣𝘪𝘯𝘨𝘰 ⛁ ʸᵒᶜᵃᵗTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon