⛁ 006 ⛁

85 4 3
                                    

Pagbalik ni Yohan sa village, he was already surprised at the sheer number of people going inside the plaza nang mapadaan siya dito. Hindi niya inaasahan na maraming dadalo, lalo na't hindi naman end of the month ngayon.

Lalagpasan na sana niya ang plaza nang may sumitsit sa kaniya. He pauses and turns his head. Papalapit sa kaniya sina Sihun, Yuvin at Kookheon.

"Yohan! Sa'n ka galing? Nagsisimula na sa loob!" unang sambit ni Yuvin.

Napakamot ng ulo si Yohan. "Nagsine lang ako—"

Sihun, who was glancing around, turns to look at Yohan. "Alam mo, tara na sa loob. Maraming pagkain. Andami ng pa-blowout ni Wooseok!"

"Oo, grabe! Kaya nga kahit walang balak 'yung iba, nagsipuntahan pa rin ngayon," Kookheon adds in.

"Di bale na. Wala rin akong gana maglaro ngayon e." Umiwas si Yohan ng tingin.

"Sus! Ikaw? Mawawalan ng gana sa bingo at pagkain?" Yuvin raises a questioning brow.

The next thing Yohan knows, he is already inside the bustling plaza. Hindi na siya nakatanggi pa sa tatlo.

Hindi katulad noong nakaraang biyernes, ngayon ay wala nang masyadong disenyo ang loob at wala na rin ang mga nakasabit na banderitas. Blangko din ang platform sa harap, instead, nasa gitna ng mga mesa naka-setup ang table ng bingo master na si Dongwook.

Mukhang maagang nagsimula ngayon ang palaro dahil busy na ang iba sa paglalagay ng sentimo sa kanilang mga card. Ngunit kakaunti pa lang ang nakasali sa round na ito dahil mas abala ang karamihan sa mga nakahandang pagkain sa harap na sponsored ng last jackpot winner na si Wooseok, who is currently sitting in Jinhyuk's table of friends.

Nagpaalam na si Yohan kina Yuvin, Sihun at Kookheon at dumiretso sa gawi ng namataan niyang partikukar na table.

"Ayun na pala si Yohan hyung, oh!" Dinig niyang wika ni Eunsang na napansin siya bago pa tuluyang makalapit si Yohan sa kanilang table.

"Akala ko ba mamaya ka pa uuwi?" bungad ni Seungwoo.

Nagkatinginan naman si Hangyul at Seungyoun saktong pagkapwesto ni Yohan sa table ng X Battalion.

"Panalo ako!" natatawang sabi ni Seungyoun at nilahad ang kamay sa tapat ni Hangyul. "Akin na pera mo."

Sinamaan tuloy ni Hangyul si Yohan ng tingin. "Hoy, bakit ka umuwi agad?"

Yohan looks offended.

Natawa si Dohyon at hinampas si Yohan sa balikat. "Pinagpustahan ka nila, hyung!"

"At bakit naman?" Yohan gives them a skeptical look.

"Ang sabi nila nakipag-date ka daw kay Minju. Kaya nagtalo sila kung uuwi ka agad o hindi," Seungwoo elaborates.

"Oh, ano palang nangyari sa date niyo?" Junho raises his brow.

"Maaga natapos 'yung movie at pagod na siya kaya umuwi na lang kami." Yohan tried his best not to stutter. Kahit puro kasinungalingan lang ang lahat.

"Mahina ka pala, hyung. Hindi mo man lang hinatid?" Minhee speaks.

"Kailan ba naging gentleman si Yohan hyung?" dinagdagan pa ni Dongpyo.

"Oh bakit parang kasalanan ko?" Yohan refutes, irritated.

Hindi pa rin nagpatinag si Hangyul sa tingin niya kay Yohan kahit habang binibigay na niya ang isangdaan kay Seungyoun.

"H'wag niyo ngang inaaway si hyung..." Hyeongjun consoles him.

After the whole dilemma at their table, Yohan excuses himself and goes to the buffet table. Iba't ibang klase ng barbecue at street foods ang menu ngayon. Pinuno niya ang kaniyang plato at imbis na bumalik sa table ng mga barkada ay naghanap siya ng bagong upuan sa dulo kung saan kakaunti lang ang tao.

𝘱𝘢𝘯𝘪𝘤! 𝘢𝘵 𝘵𝘩𝘦 𝘣𝘪𝘯𝘨𝘰 ⛁ ʸᵒᶜᵃᵗTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon