"Aalis ka?" Seungyoun asks Yohan.
"Saan lakad mo, hyung?" untag din ni Dongpyo.
Kasalukuyang nagsisintas si Yohan ng sapatos. Lahat ng miyembro ng X Battalion ay nasa headquarters. Saan pa ba? Sa bahay ni Seungwoo, syempre. "May date kami ni Minju," Yohan answers.
"Ayos na pala ulit kayo e," sabat ni Hangyul na nakahilata sa sofa.
"Bakit, nag-away ba ulit kayo?" tanong ni Junho sa gilid.
Tila ba may anghel na dumaan dahil nanahimik ang lahat. When it comes to issues between Yohan and his girlfriend, laging may impluwensiya si Junho. Palagi kasi itong kumakampi sa pinsan niya. Kahit pa sinaway na siya ni Seungwoo at Seungyoun, hindi pa rin natitinag si Junho kahit si Minju na ang obvious na mali.
"Nagtatampo lang si Minju kaya maggagala kami ngayon. Day off niya," pagrarason ni Yohan, umiiwas sa patalim.
"Paano 'yan, di ka sasama sa bingo mamaya?" Seungwoo asks him.
Natahimik si Yohan sandali. "Pass muna ako, hyung."
Napapalakpak si Minhee. "Wow, bago 'yan, hyung ah! Magpapass ng bingo para lang kay Minju?"
"Minsan na lang kasi sila nagkikita, Minhee," pagtanggol pa ni Hangyul sa gilid.
Hyeongjun is currently stirring his milk at the kitchen counter. "Sayang naman. Manlilibre pa naman si Wooseok hyung mamaya."
"Talaga?" Napabalikwas si Eunsang sa couch. "Kahit di niya ka-frat ililibre niya?"
"Baka naman fake news kayo. Sila Jinhyuk lang 'yata ang ililibre niya. Dun naman siya umupo sa mesa nila e," Yohan reprimands while scoffing.
"Hindi, hyung! Sabi na mismo nila Jinwoo sa'kin. Eh close pa naman siya kila Jinhyuk hyung," ani Hyeongjun.
"'Yun din ang balita ko, e. Narinig ko kanina 'yung usapan nila Yunseong," Junho adds in too.
"Asa namang ilibre niya talaga lahat?" Isinukbit ni Yohan ang kaniyang backpack sa balikat habang nakakunot ang noo.
"Yohan, kinausap na rin ako mismo ni Wooseok kanina. Diba Seungwoo hyung?" Nakisali na rin si Seungyoun. Tumango si Seungwoo sa gilid. "Mabait naman pala siya e. Ang sabi niya pa wala siyang sasalihang frat para pantay-pantay ang pakikisama niya sa lahat."
Napasinghap ang ilan. Hindi nila inakala na gan'un si Wooseok. Atsaka, wala pang nagtangka na hindi sumali sa kahit kaninong frat. So this is really a bit suprising.
"Ano bang problema mo kay Wooseok hyung? Magkapitbahay pa naman kayo." Here goes Hangyul again, sapul na sapul ang tanong.
Napatingin lahat kay Yohan kaya natigilan siya sa paglalakad palabas. "Bakit ako?"
"Ikaw lang kaya ang badtrip sa kaniya." Dongpyo's eyes are penetrating. Kahit mas bata ito ay napaiwas si Yohan ng tingin.
"Hays. Bakit ako na naman ang pinupuntirya niyo?" Yohan sighs, glancing at the wall clock. "Alis na ko."
Tahimik lang sila habang pinapanood si Yohan na lumabas.
"Ang weird talaga ni Yohan hyung ngayon." Dongpyo plugs in his earpods again.
"Sinabi mo pa," natatawang sambit ni Minhee.
Bumukas ulit ang pinto. Lahat sila ay napatingin.
"Bakit ka bumalik—Dohyon?" Seungwoo is caught off guard. Akala niya ay bumalik si Yohan.
"Anong meron?" Dohyon's cheeks and eyes are still puffy from sleep. "Nakasalubong ko si Yohan hyung. Mukhang masama na naman ang araw." Napakamot siya ng ulo.

BINABASA MO ANG
𝘱𝘢𝘯𝘪𝘤! 𝘢𝘵 𝘵𝘩𝘦 𝘣𝘪𝘯𝘨𝘰 ⛁ ʸᵒᶜᵃᵗ
Fanfiction✎ ❝sa letrang b, unat na unat, galit sa umaga!❞ ┊sa bawat pagkalog ng tambiyolo at pagpili ng numero, inaasam ng lahat na maka-jackpot. for bingo aficionados in produce village, every gamble seems easy if the prize is higher than your worth. and wha...