⛁ 003 ⛁

43 2 3
                                        

"Sa letrang N..." Animo'y nagkunwaring nagkasa ng baril si Dongwook at pinatugtog niya ang gun sound effects na umalingawngaw sa plaza.

"Kalibre!" tanto ni Hangyul at tinuro ang numerong 45 sa card. Pinatungan ito ng sentimo ni Yohan, nakakunot ang noo at seryoso. Lahat ng X Battalion ay nakatutok sa mga nakalatag na cards ni Yohan na malapit nang mapuno.

Punuan lagi sa card pagdating ng grand prize para matagal at mas intense. At ngayon, mukhang ang pambato ng X Battalion ay si Yohan dahil halos lahat ng nasa cards nito ay lumalabas sa tambiyolo.

"Sa letrang O..." Dongwook ruffles his hair, grinning. "Kalbo, kinis, kintab!"

"Ayun, 70!" Byungchan points at the number excitedly.

Sa kabilang banda, sa mesa nila Jinhyuk ay may sarili ding pambato. Sino pa nga ba?

"Mukhang may panalo na naman tayo, hyung!" Tinapik ni Yunseong ang balikat ni Wooseok na kasalukuyang pinapatungan ng sentimo ang numerong 70 sa sariling card.

Kabaligtaran kay Yohan, Wooseok only uses one card per round, which makes it more fun... and riveting. Taliwas sa nakasanayang kalakaran ng Produce Village pagdating sa larangan ng bingo.

Kung ikukumpara nga naman ang sandamakmak na cards na nakalatag sa harap ni Yohan sa nag-iisang card na tinututukan ni Wooseok, sino nga ba ang mas manalo? Sino nga ba ang magiging swerte?

Saan nga ba tayo lulugar?

Sa taong maraming reserba o doon sa marunong makuntento sa isa?

"Sa letrang I..." Humalakhak si Dongwook. "Magpatuli ka na hoy!"

Hindi rin mapigilang matawa nang lahat.

"Teka, kailan nga ba tayo nagpapatuli?" untag ni Jinhyuk.

Wooseok sends him a glare. "Bakit, hindi ka pa nagpapatuli 'no?" He lands a coin above the number 17 on his card in a cool, seamless fashion. "Hindi mo alam e!"

"Oh, panis ka pala e!" Byungchan teases, cackling at Jinhyuk.

"Umayos ka Wooseok ah!" namumulang sambit ni Jinhyuk. "Kung di ka lang nagpapabalato, ibabato na talaga kita!"

"Parang expert ka na dito, hyung. Unang gabi mo pa lang..." Yunseong utters.

Wooseok raises his hand, forming a pogi sign. "Ako pa ba?"

Inalog ni Dongwook ang tambiyolo, pinapakiramdaman ang dami ng natitirang mga numero sa loob. "Mukhang malapit nang may manalo, ah!"

Naghiyawan ang lahat. Para sa sampung libo, sino ba naman ang hindi maghahangad na makaswerte?

"Okay. Ito, sa letrang B... kabaligtaran ng after!" sambit niya na nagbunga ng palaisipan.

"Ha? Ano 'yun? Retfa?" napapangiwing hula ni Eunsang.

Seungwoo scratches his head. "Ganun ba 'yung uso ngayon? Werpa? Petmalu?"

"Alam mo pala 'yun, 'tay?" Dongpyo teases.

"Ano akala niyo sa'kin sobrang tanda?" Seungwoo crosses his arms.

"Eh ano nga kasi 'yung kabaligtaran?" Dohyon asks as he slurps his milktea.

"Aba, malay ko..." Wala na ring maisagot si Hangyul. Isa pa, nakainom na rin ito kaya nahihilo at inaantok na.

"Kung 'yung salitang after baligtarin natin kagaya ng sapnu puas ano kaya kalalabasan..." wala sa sariling sabi ni Minhee.

Naniwala naman si Junho. "Kukuha na ba ako ng papel para isulat? Or imagine na lang natin sa isip—"

"Mga galunggong kanina pa kayo diyan nanghuhula, itong si Yohan alam na pala!" pagsingit ni Seungyoun habang pinapanood si Yohan na maglagay ng sentimo sa lahat ng numerong 4 sa mga nakahilera niyang cards.

𝘱𝘢𝘯𝘪𝘤! 𝘢𝘵 𝘵𝘩𝘦 𝘣𝘪𝘯𝘨𝘰 ⛁ ʸᵒᶜᵃᵗTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon