ELEMENTARY
June 13, 1994
Dear Diary,
Ako nga pala si James Cielo , 10 years old. Grade five na ako. Ang corny ko noh? Kasi lalaki ako pero may diary ako. Hoy! Huwag niyo akong pag-isipan ng masama. Tunay akong lalaki. Kapag ba barako ka 'di na puwede magkaroon ng diary? Sus! Sige na nga JOURNAL nalang. Nakakabakla eh.
Bakit ko naisipang magsulat? Kasi ganito yun. May bago kaming classmate kanina. Babae! Ang ganda niya kahit na palagi siyang nakayuko. Sabi ni Ma’am bagong lipat lang sila sa baranggay namin. Siya si Freya. Tunog masungit ang pangalan nung una pero pansin ko walang kumakausap sa kanya.
Pinatabi siya ni Ma’am sa akin kasi wala akong katabi sa bandang likod. Grabe talaga tong si Ma’am. Diba dapat kapag baguhan nasa unahan para makasabay sa klase? Pero di bale kasi ang suwerte ko. Nag-smile siya kaunti sa akin tapos nag “hi” ako sa kanya. Umupo lang siya tapos di na siya kumibo. Kapag tinatawag siya ni Ma’am sa harap pumupunta naman siya tapos sinasagutan niya yung mga questions doon. Wow! Ang talino din pala niya.
Nung break time namin nilabas ko yung baon ko. Pinagdala ako ni tatay ng sandwich para daw 'di na ako lumabas ng classroom. Ang sweet ng tatay ko noh? Sakto naman na naglabas din si Freya ng baon niya. Nagbabaon lang din siya? Tiningnan ko kung ano yung dala niya. Pang-mayaman! Cookies tapos may juice siya.
Nahalata 'ata niya na tinitignan ko yung baon niya kaya bigla siyang nagsalita. Akala ko pipi siya kasi di naman siya ang nagpakilala sa sarili niya sa harap.
“Share tayo?”
Anghel ang boses! Parang may umawit na anghel sa harap ko kahit dalawang words lang ang lyrics. Tumago nalang ako. Tapos namalayan ko nalang na sabay na naming inuubos yung cookies niya. Binigyan ko din siya nung baon ko kahit na peanut butter lang ang palaman nun.
Habang kumakain kami tinanong ko siya kung saan siya nakatira. Magkalapit lang pala ang mga bahay namin. Doon sila nakatira sa malaking bahay sa tapat namin. Sila pala iyong bagong lipat doon. Ang suwerte ko talaga. Kapitbahay ko pa pala si Freya. 9 years old lang pala siya. Maaga daw kasi siyang pinag-aral ng mga magulang niya. Only child din siya kaya malaki daw ang acceptation – exactation… basta! Ng mga magulang niya sa kanya.
Tapos di ko inaasahan yung sunod niyang sabi,
“Puwede ba akong pumunta sa bahay niyo mamaya?”
Ang totoo 'di ko alam kung puwede kasi baka magalit sila nanay at tatay. Pero ewan ba napatango nalang ako. Gusto ko pa sanang makipagkuwentuhan sa kanya pero tapos na pala ang break time.
May di inaasahang nangyari, natapunan si Freya ng juice kasi nasagi siya nung isa naming kaklase. Ang tanga naman nun! di tumitingin sa daan. Nabasa tuloy yung uniform ni Freya. Inabot ko sa kanya yung panyo ko. Teka! Bakit ako may panyo? Di ako bakla talaga. Sadyang maalaga lang nanay at tatay ko.
Napayuko siya tapos di naman niya kinukuha yung panyo na inaabot ko. Ako nalang tuloy ang nagpunas sa mga braso niya. Ang mga leche kong kaklase naghiyawan! Tinubuan na daw kami ng bahay ng mga langgam sa ka-sweet-an. Aba! Nagmamalasakit lang ako noh!
Ngumiti lang sa akin si Freya tapos siya na ang nagpunas sa sarili niya. nagkakatinginan kami minsan tapos mag-ngingitian. Praning ba? Ang ganda niya kasi eh. Nahuli nga kami ni Ma’am kaya tuloy nasigawan ako.
“Mr. Cielo baka gusto mong gawing blackboard si Miss Valdez? Sa kanya ka nalang nakatingin ah. Hala! Mag-aral ka muna at nang may ipakain ka sa kanya!”
Nagkantiyawan lahat ng kaklase ko. Sabay nalang kaming yumuko ni Freya. Pero kita ko pigil yung ngiti niya. Napangiti nalang din ako sa sarili ko. Ang sarap sa pakiramdam. Kumakabog yung puso ko. Ang saya talaga.
Tatanungin ko mamaya si Tatay kung ano itong nararamdaman ko. Baka alam niya. Eksperto iyon eh!
Always,
JC
P.S. sana mapanaginipan ko si Freya. At sana ganoon din siya sa akin. Kinakabahan na naman ako. May sakit ba ako sa puso? Hmmmm…
BINABASA MO ANG
Diary Of Unsaid Love (Completed)
Short StoryIf you love someone, try to let let them know. Who knows, some things may turn out the way you never expect them to be. LOVE IS ABOUT CHOOSING BETWEEN REGRET AND HAPPINESS.
