Part 2: HER SIDE

40 2 0
                                    

MOVING

June 13, 1994

Dear Diary,

Hello. I’m Freya Valdez and I would like to start a diary to commemorate this new day of our lives. Nakakuha ng promotion si papa pero sa ibang lugar. Napilitan tuloy kami ni mama na sumama para sa bagong trabaho ni papa. Nakalipat na kami ngayon sa bago naming bahay. Mas malaki ito kumpara sa dati naming bahay. Mukha namang malinis ang community dito kaya maayos na rin.

Masaya ako kasi may bagong trabaho si papa. Kinakabahan lang ako kasi ibig sabihin lilipat din ako ng school. Iniwan ko yung mga dati kong friends sa dati naming lugar. Mahiyain pa man din ako kaya di ko nakayang magpakilala kanina sa harap ng bago kong mga kaklase.

Pinaupo ako ni Ma’am Cruz sa tabi nung skinny kid sa dulo. He was looking at me intently and it was disturbing. He’s so cute. Para siyang si Harold na dati naming kapitbahay at kalaro ko. Sana hindi niya ako pagsungitan.

Yuko lang akong umupo sa tabi niya. Nakatingin siya sa akin hanggang mag break time. Akala ko lalabas siya kagaya nung iba naming mga kaklase pero naglabas lang siya ng sandwich niya. Nung nilabas ko yung baon kong cookies nakatingin siya doon. Gutom ba siya? Di ko tuloy napigilan na sabihing share kami.

Masaya pala siyang kakuwentuhan. Di siya suplado. Siya si James Cielo. Cielo pala ang surname niya, akala ko second name niya iyon. Ang kuleeet! Cielo nalang itatawag ko sa kanya. Mas cute eh!

Ang daming tanong ni Cielo sa akin. Basta nagkakuwentuhan kami. Ang saya pala niya kasama. Lalo na kapag tumitingin ako sa mga mata niya. para kasing kumikinang iyon tuwing tumitingin sa akin. Nung time na iyon parang kaming dalawa lang ang nag-e-exist sa mundo. Di ko na napigilang tanungin kung puwede ba akong magpunta sa bahay nila. Gusto ko pa siyang makalaro at makasama. Ang sarap lang tignan nung mata niya.

Nung nag-time na umiinom ako ng juice pero natabig ako nung isa naming kaklase na dumaan. Nag-sorry naman siya pero basa na ako. Bigla nalang naglabas ng panyo si Cielo tapos in-offer niya sa akin. Di agad dumiretso sa utak ko kung anong gagawin ko kasi first time na may magbigay na personal na gamit sa akin para sa ikabubuti ko. I can’t help but to smile in my mind. He’s so sweet.

Nagulat nalang ako noong di pa ako kumikilos siya na nagpunas sa mga braso ko. Grabe naman! Hiyang-hiya ako noon kasi para akong timang na nakayuko lang habang pinupunasan lang niya. Sakto naman na pagpasok ng mga kaklase ko nakita nila yung ginagawa ni Cielo na pagpunas sakin. Humiyaw tuloy sila. Kulang na lang lumubog ako sa upuan ko. Nginitian ko nalang si Cielo tsaka kinuha yung panyo sa kanya para punasan ang sarili ko.

Ayun buong klase sa hapon nagkakahulian kami ng tingin. Nagalit pa nga si Ma’am Cruz kasi nahuli niya si Cielo na nakatingin sa akin eh. Tapos sabi niya mag-aral muna daw para may pampakain sa akin. Papakainin ako ni Cielo? Wala naman siyang sinabing ililibre niya ako eh. Tsaka pati kakakilala lang namin.

Akala ko walang mangyayaring maganda sa akin ngayong araw kasi baguhan ako. Pero sa katauhan ni Cielo parang ito na ang pinakamasayang araw ko. Masaya sa pakiramdam. At gusto ko palaging ganito.

Goodnight Diary,

Freya

Diary Of Unsaid Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon