HIGH SCHOOL

54 3 0
                                    

February 9, 1999

Journal,

Malapit na ang prom. Fourth year high school na kami ni Freya. Habang tumatagal ang panahon lalo siyang gumaganda. Gumanda din ang samahan namin kasi mag-best friend na kami ngayon. Pero hanggang doon nalang ba talaga?

Alam mo ba ang tanga ko? Kasi nasa akin na lahat ng pagkakataon pero sinayang ko lang. Mas pinili kong huwag sayangin ang binuo naming pagkakaibigan ni Freya magmula noong grade five kami.

In love ako sa best friend ko, oo. Pero di ko kayang sabihin kasi wala akong tapang na sabihin iyon sa kanya. Baka kapag sinabi ko lalayuan na niya ako. Di ko kaya. Ikakamatay ko iyon.

Nasabi ko na bang may nanliligaw sa kanya. Tatlo nga eh. Magmula noong nag-high school kami ang dami ng lalaking naghahabol sa kanya. Panatag naman ang loob ko noong una kasi sabi niya wala daw siyang gusto sa mga iyon. Masyado akong naging kampante sa sinabi niya. Hanggang makilala niya si John.

Anak siya ng Mayor namin. Magmula nang makilala niya si John nabawasan na ang oras na magkasama kami. Saka nalang ako kinakausap ni Freya kapag humihingi siya ng notes sa mga di niya na-attend-an na klase kasi tumatakas sila ni John na mag-date. Noong una nagalit ako kasi di ko akalain na magagawa niya iyon. Pinagsabihan ko siya pero di ko inaasahan yung sinabi niya:

“Ano ba kita? Huwag mo nga akong pagsabihan ng mga dapat kong gawin. Mahal ko na si John.”

Hindi ko alam kung alin ang mas masakit. Iyong isampal niya sa akin na hamak na best friend lang ako o yung sinabi niyang mahal na niya si John. Gustung-gusto ko ng sabihin sa kanya na “Freya, mahal kita. Ako nalang.” Pero di ko kaya. Kasi duwag ako. Malaking duwag.

Mga ilang araw pa siyang ganoon. Lagi siyang nagka-cut ng klase kasama si John. Isang hapon pinuntahan ako ng mama ni Freya. Tinatanong kung nasaan daw siya. Sabi ko di naman kami sabay umuwi. Medyo nag-alala ako noon. Kahit wala akong pera pampa-load nagpa-load parin ako. Tinwagan ko siya pero di naman sumasagot.

Di ako tumigil hanggang sagutin niya tawag ko. Alas-diyes na ng gabi nung sumagot siya. Alalang-alala ako sa kanya. Lalo na nung marinig ko siyang umiiyak sa Kabilang linya. Parang hiniwa ang puso ko. Humahagulgol na siya di pa rin siya nagsasalita.

“Nasaan ka?”

“Cielo, iniwan niya ako. Ang sakit sakit. Kailangan kita.”

Iyon na 'ata ang pinakamasarap na pakinggan na mga kataga sa buong buhay ko. Kahit minsan man lang nasabi niyang kailangan niya ako. Pinuntahan ko siya. Inalo. Pinatahan. Sinabi niya sa akin lahat ng kagaguhan ni John. Niloko lang siya. Babasagin ko talaga ang pagmumukha ng gagong iyon. Humanda siya.

Habang yakap ko siya wala pa rin siyang tigil sa pag-iyak.

“Shhh, tahan na. Nandito lang ako. Hindi kita iiwan.”

Totoo lahat ng sinabi ko. Sana kaya kong dugtungan ng “Mahal kita. Di mo lang alam.” Pero kaibigan lang ang turin niya sa akin.

Nung napatahan ko na siya hinatid ko siya sa bahay nila. Nagpasalamat yung mama at papa niya sa akin. Pero di pa niya ako pinaalis. Nanood kami ng mga movies sa theatre room nila. Sasamahan ko siya sa malungkot na araw niya. Hindi ko siya iiwan.

Nasa pangatlong movie na kami nang bigla na naman siyang umiyak. Nataranta ako kaya inalo ko siya.

 “Wala akong date sa prom.”

 Pagkakataon ko na. Kaya sinabi ko na.

“Ako nalang……..tutal mag-best-friend naman tayo.”

Ngumiti siya sa akin tapos tumango. May kalungkutan sa mga mata niya nung sinabi ko yun. Siguro kasi malungkot siya na hindi si John ang makaka-date niya. Hindi ko man mapapalitan si John sa puso niya alam kong ako ang nandito ngayon sa pinakamalungkot na araw niya.

Niyakap niya ako tapos humalik siya sa pisngi ko. Hindi ko inasaahan iyon. Hindi ako maghuhugas ng mukha sa buong buhay ko. Joke!

“Salamat…best-friend.”

Mahal ko siya. Teka. Mahal na mahal pala. Pero di ko kayang sabihin.

Always,

JC

Diary Of Unsaid Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon