WORST-BEST DAY

40 3 0
                                    

February 5, 1999

Dear Diary,

Graduating na kami. Ilang buwan nalang mararanasan ko na uling makapagtapos – sa high school na. Pero bago ko abutin ang diploma ko may prom pa. Di naman talaga ako excited sa prom kagaya ng iba naming kaklase. Others can’t wait to show-off their dates and elegant dresses.

Not me. All I have to do is to wait for him to ask me to prom. Wait, it’s not John. John is a long-time – scratch that, ALL-TIME suitor. Pero nilinaw ko na sa kanya na noong unang hanging dumapo palang sa akin na galing sa kanya ayaw ko na sa kanya. Aba! Tuwing dumadalaw siya sa bahay namin di na namin kailangan pang magsindi ng electricfan kasi siya na ang sponsor. He’s just so persistent I wanted to break his face into pieces.

It’s Cielo. And it’s always Cielo. Matagal ko ng kinikimkim sa puso ko ang nararamdaman ko sa kanya. Takot ako na kapag sinabi ko may magbabago. Not now, not ever. We became best of friends and it’s very hard for me to accept that it’s the end of the road. Although nakikita ko pa rin siya kung minsan na nakatingin sa akin. And he always had those beautiful bright eyes that always lit whenever they looked at me.

So I came into a theory that he (may) also have feelings for me. Isang malaking SANA. Hindi naman siguro masama kung paminsan minsan maging assuming ang mga tao. Para kahit papaano maransan iyong tinatawag nilang happiness. Kahit na sila lang ang bumuo niyon at hindi ang tunay na nangyayari.

Masama na kung masama pero I’m telling you I used John for me to find out what Cielo really feels for me. I started to date John. At kagaya ng inaasahan ko Cielo barged in. Of course I was ALMOST happy that time. Not until I put down my last card for him to talk what he really feels.

“Ano ba kita? Huwag mo nga akong pagsabihan ng mga dapat kong gawin. Mahal ko na si John.”

I almost laughed at myself because I wasn’t even with John that time. Nasa bahay lang ako at nagdahilan kay mama na may sakit ako. Naka cross fingers ako na sana may katiting na selos siyang maramdaman. And what he said next knocked me off my senses.

“Freya, you’re my best friend. I think I deserve some details of your whereabouts since we’re friends. Best of friends.”

Aray. Sana di nalang ako nag-isip na may gusto din si Cielo sa akin. Sana di ako nasasaktan ngayon ng ganito. Ang tanga ko. Lahat naman tanga pagdating sa pag-ibig. Nasasaktan na sige pa. Masokista na ba ako? Alin ba kasi sa salitang best friends ang di ko naintindihan?

But I wouldn’t stop there. May malaking pagkakaiba ang bobo sa pag-ibig at tanga sa pag-ibig. Bobo ka kung wala kang ginawa. Tanga ka kung ginawa mo na ang lahat umaasa ka pa rin. Mas mabuti ng tanga atleast may nagawa ka.

Fighting!

Freya

P.S. I’m sorry John pero gagamitin pa rin kita. Pagseselosin lang natin si Cielo ha?

Diary Of Unsaid Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon