Si Alberto ang first boyfriend ko. Siya ang unang seryosong nanligaw sa akin. Yung iba kasi, ang hirap i-explain kung nagpapahaging ba na may gusto o kung ano. Aba'y mahirap mag-assume kaya hindi ko nalang pinapansin.
Akala ko noon, hindi niya ako sasaktan. Yun ang sinabi niya, e. Napaniwala niya akong mahal na mahal niya 'ko dahil sa mga mabulaklak na salitang sinasabi niya. Ma-effort din naman siya. Kaya nahulog talaga ako sa kanya ng sobra-sobra. Dumating pa sa point na palaging kami lang talagang dalawa ang magkasama. Nagseselos na nga ang mga kaibigan ko sa kanya. Pero wala e, mahal ko e, kaya siya ang priority ko.
Hindi ko alam kung anong nangyari. Hindi ko alam kung may nagawa ba akong mali. Isang araw masaya kami, mahal pa niya ako. Tapos magigising nalang siya na hindi na?! Ano 'yon? Nananaginip lang siya nung kasama ako? Nightmare nya ang relasyon namin? Sana nung una palang sinabi na nyang manggagago siya para naman aware ako kahit papaano.
Parang nawalan na tuloy ako ng gana kung saan man ako pupunta. Matapos kong makita ang pagmumukha niyang damuho siya kasama yung kalandian niya, parang nanlumo na naman ako. Ts. Imbes na nagluluksa ako dito dapat naghahanap na ako ng paraan para masolusyunan ang problema ko. T@ngina talaga ni Alberto.
"Klaireee Sinukuan!" Papasok na sana ako ng Forever House (pangalan ng dorm ni Tita Carol. Weird no? Hindi nya malagyan ng 'Walang' sa unahan dahil minana nya pa daw ito sa kanyang ina) nung may tumawag sa akin.
"Julieta?! Julieeeta Arayat!" Napatakbo naman ako ng di oras papunta sa babae'ng 'to at binatukan lang ako ng gaga.
"Hanggang kailan ko ba sasabihin sayo na Julie Ariate ang pangalan ko! Binababoy mo ang apelydo ng tatay kong foreigner."
"Chosera! Iniwan na nga kayo, proud ka pa!"
Inirapan muna ako ng bruha bago ako niyakap ng mahigpit. God, I miss this girl! "Tse! Pero teka nga pala, Klaire. Nakasalubong ko yung boyfriend este ex mo dun sa kanto may kalingkisang taong make up. Umagang-umaga kasi parang pang-club ang ayos. T@ngina yun ba yung pinalit nya sayo?" Tuluy-tuloy na sabi ni Julie. Bumalik kasi siya sa States nung magsimula ang sembreak para makasama naman ang mommy at kapatid niya. Umuwi na uli sya dito kasi magpapasukan na.
"Iniwan mo ba ang common sense mo sa States? Gaga'ng to kalingkisan na nga syempre yun yung pinalit." Inis kong sagot sa kanya. Urat!
"T@ngina, akala ko taong make up."
"Hindi, taong libag talaga yun natatakpan lang ng make up. Hahahahahah!"
"Bakit hindi mo pa tinaggalan ng buhay? Nakita mo na pala ng face-to-face?" tanong sa akin ni Julie. Para saan pang sasayangin ko ang lakas ko para sabunutan ang malanding yun eh nasa kanya na si Alberto? Nasa kanya na yung taong mahal ko?! Hanggang ngayon mahal ko pa din ang Kalyo na yun kahit na iniwan, pinaiyak at pinatay na niya ang puso ko?! Hindi naman madaling kalimutan si Kalyo. Kahit pa ganun ang itsura nun, minahal at mahal ko pa din siya. Hindi ganun kadaling makalimot. Sabi nga ni Tita Carol diba? Matagal-tagal din ang forever naming dalawa. Marami kaming alaala na mahirap kalimutan.
"Ano, Klaire? Tulala na lang diyan? Natulala ka na naman sa ganda ko? Hahahaha!" binatukan ko nga ang gaga! Sino bang mas mukhang nawawala sa amin sa sarili? "Aray ko naman bes! Pero ano na ngang plano mo? Ganun ganon nalang? Gagaguhin ka ni Alberto ng ganun kadali?"
"Nandun na yun eh. Niloko na niya ako. Hanggang pagkabitter at pamomroblema nalang ang magagawa ko ngayon."
"Eh kanino ka na magpapakasal? Yun ang hiling ng lola mo hindi ba?"
"Hindi ko alam. Kung ako man, ayoko pa talaga magpakasal. Na-realize ko lang na kailangan pinag-iisipang mabuti ang pagpapakasal. Wala sa tagal o haba ng relasyon ang susi para maging sigurado sa pagpapakasal. 6 na buwan na kami ni Alberto. Akala ko, sapat na yun. Kasi para sa akin, sapat na. Sa kanya pala, hindi pa." Langya talaga napapa-hugot na talaga ako dito! Hayup na Alberto talaga yan!
"Sabihin mo nalang sa Lola mo na ayaw mo magpakasal."
"Pero gusto ko ngang sumaya siya. Or kahit papaano wag na siyang mag-alala. Ayoko din namang malaman niya na na-broken hearted ako at baka pati siya ay literal na mawasak ang puso."
"Osiya! Sa loob natin pag-usapan yan! Parang wala kang balak pumasok eh! Pag dito tayo sa labas maglalabas ng sama ng loob mo at magchichikahan, aba keri lang, pag dumaan uli si Alberto at yung taong libag na may make-up na sinasabi mo eh madali nating mareresbakan. Good Bye nalang talaga sa balat kong alagang-alaga sa States! Huhuhuhuhuhuhuhuhuhuhu"
"Lul, tigil mo yan. Wag ako, iba nalang. Pumasok na tayo sa loob at baka mapagkamalan ka pang abnormal dito."
"Oo, at may Bright na bright akong idea para sa problema mo."
****
(A/N: I crie. Na-delete pala yung una kong naisulat. Huhuhuhuhuhuhuhu! Mas maiksi tuloy ito. Pati plaa yung first chap! Mygoodness. Di bale, bawi ako sa next chapters. *flies away*)
BINABASA MO ANG
For Hire: Beki Boyfriend (on-hold)
JugendliteraturTamang desisyon ba talaga na Beki ang kunin mong boyfriend? O mas malaking kaguluhan lang ang magiging dala nito sa buhay mo? Ano kayang mga kagagahan at kalokohan ang peg ng beki mong boyfriend?