Ola! Minola! Arinola! Crayola! Tinola! Pinakbet! Sinigang! Adobo! Afritada! Mechado! Galunggo-- sht. Lafang na ang need ng beauty ko! Nakakaloka ang tom jones sa mother earth.
Isinuot ko na ang dark pink na apron ko para makapagsimula na akong magluto. Inuubos ng mahadera kong pinsan ang dugo at kagandahan ko sa sobrang pagstress na maging jowa ng merlat nyang bff. Atat na atat ang mga bruha! Aba'y kiber ko ba dun, ano! Bahala sila!
Musmos palang ang aking kagandahan, alam ko na sa sarili kong naiiba ako. Mas feel kong isuot ang duster ni Mudra kaysa sa shorts na ibinili ni Fudra. Kung keri nga lang na pati panty ni Mudang ay go iyon ang isinuot ko. Kaso, nahuli ako ni Pudang kaya ang sabi ko nalang malabo ang mata ko. Akala ko brief. Jusme kuntodo shokot ang beautyness ko nun! Nakakaloka. Witchibels kinakaya ng aking inner dyosa ang kaba na baka mahambalos sa aking napakagandang skin ang sinturon ni Hudas-- este ni Fudra. Habang nage-evolve ang ganda ko, nagiging mas komportable ako sa mga merlat. Ang dami dami kong merlat na pinsan, no. Sa buong angkan ng mga Santos ako lang ang-- err, lalaki. Pero babae at heart! Push ko 'to! Haha. Kaya nga sobrang frustrated ang mga tao sa balur dahil ako nalang daw ang magdadala ng aming lahi sa sanlibutan. Like eww..
Kaya sobrang naloka ang buong katauhan ng aking ama nung magsabi akong isa akong sirena. Isang dyosa ng karagatan na gusto ng mga shokoy! Kakaibang lakas ng loob ang hiningi ko sa mahal na birtud dahil sawang-sawa na ang kagandahan kong maging sunud-sunuran kay Fudra. Aba! It's time for me to shine naman and shine like a diamond in the sky.
18th birthday ko nun nung lumabas ako sa banga. Akala ko kasi may pa-fiesta at pa-debut ang angkan! Pinapunta kasi ako sa isang sikat na hotel. Nag-ready na ako ng speech at thank you galore dahil sa wakas akala ko nakaramdam din silang babae din ako at wala ng magtutuloy ng lahing Santos. Pero ako naman ang naloka ng biglang sa isang hotel room lang gaganapin at biglang may pumasok na merlat na mukhang hipon! Akala ko mali lang ng napasukang pinto nun pala kampon siya ni Hudas!
"Hi. I'm yours for the rest of the night. I'll make you the happiest birthday celebrant tonight." Sabay lip bite ng gaga. Yung suot niya see through na parang wala na siyang damit. Kahit mas maputi pa siya, hindi ko talaga kinaya at halos sumuka ako sa harap niya. Sumayaw-sayaw pa na parang butete. Lumalayo na nga ako pero lapit pa din ng lapit. May paghagod pang nagaganap. Nung naimbyerna ako ng bongga, sinabunutan ko siya kaya naloka ang buteteng katawan ng bruha.
"Ugh! Get off me!!" Di nakatiis ang bruha at sinabunutan din ako! Nagmamagandang anak-araw. Eww. "What the hell is wrong with you? You've f<ck1n6 resisted me! Are you gay?!"
"You're not irresistable b1+ch. You only have fair skin and blonde hair. There's nothing special to you. I can dance better than you. Duh." At sinampolan ko ang gaga. She dropped her jaws and she answered her own question. Gaga talaga.
"You're gay!! Oh my god I can't believe you're gay! I'm wasting my time here. Jeez!!" Nag-walk out si ateng anak-araw kaya nakahinga ako ng maluwag. Jusko akala ko maisusuko ko na ang Bataan noong mga panahong 'yon! Kabadong-kabado ako at nagpasalamat dahil virgin pa din ako.
Pero ayun na nga, dahil sinet up ako ni Dad at nagbalak pang videohan ang kagimbal-gimbal na kaganapan, nakarating sa kanya agad at doon na natapos ang mundo.
Charot! Na-warla sya ng bonggang-bongga at galit na galit na sumugod sa akin. Hay. Sinuntok nya ako at takot na takot ako sa aura nya.
"Bakla ka? Wala akong anak na bakla!!" At saka niya ako kinuwelyuhan. (kahit wala namang kwelyo yung tshirt na suot ko. Ah basta, hinawakan nya yung damit ko.) sinuntok ng aking Fatherbels ang pinakaiingatan kong pagmumukha na nagpapakita ng aking kagandahan.
"Lumaban ka! Ang tunay na lalaki lumalaban!" Sabi niya sabay suntok ulit sa akin. Naiiyak na ako dahil siguradong katakot-takot na paglalagay ng concealer ang mangyayari bukas.
"But Dad, I-I can't." Naluluha ako dahil ibang iba siya. He turned into a monster. He was always proud of me. He always brag all my achievements, and understand all my flaws. He even said to me he was the proudest father on Earth because of me. Not until I came out.
"What a shame to our family! I gave you all you need, son. But you disappointed me! My son's not gay! Wake up!" And he left me there crying.
After that incident, he treated me as if I'm not existing-- like I never existed. It really breaks my heart seeing my father giving me disgusted looks. Nagmukhang hangin ang ganda ko! Nakakaloka! I tried to approach mom and she understand. But she can't do anything. Alam ko namang mahirap kalabanin ang tatay ko kaya ganyan. Hindi ko nga malaman kung ilang tangke ng lakas ng loob ang naibigay sa akin ng mahal na birtud nung gabing nag-come out ako at nakayanan ko ang mala-teleseryeng confrontation. Hindi na ako sinasama ni Pudra sa kompanya nya like he always do. Hindi na siya ang proudest father on earth, most disappointed father na. I can bear all the physical pain. All the bruises, black eyes, whatsoever. Because I think I deserve it. Kung sana noong una palang nagsabi na kaagad ako, eh di sana hindi siya naniwala ng matagal na ako nga ang magtutuloy ng lahi ng mga Santos. Pero itong pagbalewala niya sa akin, ito ang pinakamasakit. Parang akong pinapatay.
Pagkatapos ng halos isang buwan na deadmahan ng kagandahan ko, kumatok si Fudra sa kwarto ko at tuwang-tuwa ako nung makita ko siya. Baka patatawarin na niya ako! Baka tanggapin na ako ni Dad. Isip ko. I was about to invite him to go inside when he rolled his eyes in my bedroom. And his eyes were stucked in my vanity mirror. What the hell?! Jusko! Ang ganda ko pero shunga shunga!! All my things here reflects who my father wants me to be. Puro basketball players ang posters ko sa kwarto dahil basketball player ako at mahilig magbasketball si Dad. Kaya kahit na gustung-gusto kong si Enchong Dee at Enrique Gil ang ilagay ko don at pagnasaan, aba baka maagang nasiraan ng bait ang buong angkan! All my things are manly. From the bedsheet covers (Gusto ko sana magpa-personalize ng bedsheet na puro pictures ni Quen at Enchong. Haha!), interior design, everything, except my vanity mirror. Ito lang ang parang 'naligaw' dito. Whenever I sit there, the reflection I saw is the real me. It's my favorite spot because that is where I can be real. Mag iisang buwan palang ng bilhin ko yan. Simula ng mag-came out ako. What's the sense na itago ko padiba? Alam naman na ng lahat. Nandoon ang lahat ng gamit kong pampaganda. Hairclips, make up kits, blowdry, at kung anik anik ko sa katawan. Dati itinatago ko pa yan sa kadulu-duluhan ng walk in closet ko wag lang nila makita. Ngayon, nakaladlad na siya.
Lumapit si Dad sa vanity mirror ko. I was anticipating his move pero hindi niya ginawa. Akala ko sisirain niya at pagbabatuhin yung mga gamit ko. Instead, he faced me and said:
"Wala akong anak na bakla. Ngayon kung bakla ka, eh di wala na akong anak. Leave this house immediately." Ma-awtoridad nyang sabi. And right there and then my Dad didn't consider me as his son. Sana in the future keri na ang daughter!
***
(A/N: What are your thoughts about this? :D ang active ko dito! Hahahahahha. Wala pa akong maisip sa date nila. T__T tulungan niyo naman ako! :>)
BINABASA MO ANG
For Hire: Beki Boyfriend (on-hold)
Teen FictionTamang desisyon ba talaga na Beki ang kunin mong boyfriend? O mas malaking kaguluhan lang ang magiging dala nito sa buhay mo? Ano kayang mga kagagahan at kalokohan ang peg ng beki mong boyfriend?