Deal or No Deal?

49 2 0
                                    

Julie.

KAKAUWI ko lang ng Pilipinas at talaga namang kating-kati na ako makauwi dito. Nalaman ko palang na naghiwalay si Klaire at ex niyang mukhang ex-convict eh gusto ko nang lumipad pabalik ng bansa. Pinigilan lang ako nila Mommy kaya hindi ako nakabalik agad.

Isang linggo'ng halos gabi gabing umiiyak si Klaire habang magkausap kami. Umiiyak din ako dahil alam kong mahal na mahal niya si Alberto. Lalo na nung malaman niyang ipinagpalit siya sa cheerdancer na haliparot sa school namin. Humanda lang talaga ang babaeng 'yon pati na din si Alberto. Anim na buwan sila ni Klaire at sa loob ng anim na buwan na yun, halos ilayo nya sa akin ang bestfriend ko. Inintindi ko nalang dahil mahal ko si Klaire. Simula palang talaga di na katiwa-tiwala itsura nun eh.

Namataan ko sa kanto ang demonyong nagpahirap kay Klaire. Matagal na kaming magkaibigan ni Klaire at tumayo na din akong ate sa kanya. We treat each other as sisters and I must say, she's my better half. I bring out the best and worst in her so as she is to me. Hindi ko hahayaan na ganun ganun nalang.

"Hoy, Alberto!" Lumingon naman ang loko at napa-smirk pa. Yuck. Hindi mo ikinagwapo yan.


"Oh, Julieta. Welcome back. Wala man lang bang chocolates dyan?" Nag-init ang ulo ko dahil unang-una tinawag niya akong Julieta at hindi naman kami close. Pangalawa, ang kapal kapal kapal ng mukha nyang manghingi ng chocolate sa akin. T*ena ka eh di lalong naubos ipin mo.

"Ay chocolates ba? Naku, wala akong dala eh. At saka kung meron man, yung ibibigay ko sayo special. With lason para mamatay ka ng gunggong ka!" Sabi ko ng pagkatamis-tamis sabay sipa sa *ehem* alaga niya. Parang wala naman akong nasipa? Hahahahahah.

Napasigaw ang loko sa sakit. Serves you right a-sshole. Tinulungan naman siya ng mga kaibigan niyang basketball players at hindi ko na napansin yung babaeng mukhang bakla na ang kapal kapal ng make up sa mukha. Sinubukan nya akong sugurin pero mas mabilis ako at nahawakan ko agad ang kamay niyang sasampalin ako. Itsura palang mukha na siyang malandi at malayong-malayo siya kay Klaire. Bagay na bagay sila ni Alberto.

"Don't you dare touch my face b!tch. You don't know who you're messing up with. Magsama kayong dalawa sa impyerno!" Sigaw ko at saka ko siya itinulak. Nakipagtitigan pa sa akin ang bruha at nadala sa sindak. Nilapitan niya si Alberto na namimilipit pa din sa sakit. Taekwando black belter yata 'to, ano. Umalis na ako doon dahil tapos na ang trabaho ko.

Alam kong gusto ni Klaire na mapasaya ang Lola niya. Kung ako man ang nasa kalagayan niya, gagawin ko din ang lahat para mapasaya sila Mommy. Ang mga taong malapit at pinakamamahal ko. Pero tama siya. Hindi biro ang kasal at hindi ito pinipilit o minamadali.

"Alam kong alam natin pareho na kahit hindi ka mag-aral at magtrabaho, settled ka na dahil naghihintay na sa iyo ang kompanya ng Lola mo. Naiintindihan ko yung nararamdaman mo kaya naman mayroon akong bonggang idea na naisip na mukhang sagot na sa mga problema mo."

"A-ano naman yun?"

"Bakit hindi ka nalang maghanap ng pwedeng magpanggap na boyfriend mo?"

"Naisip ko na din yan. Pero baka ma-wattpad na ang buhay ko. Alam mo yun? Maghahanap ako ng fake boyfriend. Tas papayag sya para pagselosin din yung jowa niyang iniwan din siya tapos maiinlove ako. Tas masasaktan na naman pero in the end mamahalin din niya 'ko tapos may malala pala siyang sakit kaya mamatay siya tapos iiwan nya ko. Julieta, ayoko na ng madramang lovelife!"

"Gaga'ng to! Nag-suggest lang ako ang dami mo nang ni-nyuda. Tigil-tigilan mo yang pagbabasa mo ng wattpad. Kaya ka napapaniwalang may forever eh."
Inirapan lang naman ako ng gaga.

For Hire: Beki Boyfriend (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon