Awra Part II

63 1 0
                                    

Klaire

PUMASOK ako sa loob ng Starbucks. Sakto lang ang dami ng tao. Kaunti lang ang may mainit na tasa ng kape sa lamesa. Tanghaling-tapat naman kasi at medyo mainit ang panahon. Puro nagpapalipas oras lang siguro yung mga nandito. Lunchtime na so baka nasa mga fast food chains or restaurants ang dagsa. Maya-maya pa dadami ang customers dito.

Umorder lang ako ng mocha frappe at blueberry cheesecake saka naupo sa malapit sa glass wall na tanaw ang labas. Luminga-linga ako at nagbabakasakaling mahagip ng mata ko ang medyo tagilid na kilos para sa isang lalaki. Tatlo lang naman ang pwedeng maging prospect na nandun. Dahil tatlo lang naman talaga ang biologically lalaki. Sabi nga ni Julie, hindi aakalaing bakla ang ka-transaksyon namin. (nakakaloka. Parang nagbebenta lang ng marijuana ang peg ng transaksyon. Lakas maka-underground business. Lol.) Isang panot na foreigner, isang lalaking nasa 40s na siguro at may kasamang batang babae at isang nerd. Sa kanilang tatlo, yung nerd lang ang medyo malapit-lapit sa edad ko. Bat ko nasabing nerd? Medyo maraming pocket books ang nasa harap nya at may ipad pa syang binabasa yata. Imposibleng naman itong nasa 40s na dahil masasapak ko talaga si Julie pag nagkataon. Ayoko din sa panot na foreigner parang lolo ko na 'to e. Anak ng tokwa. So ito talagang nerd na ito ang magiging fake beki boyfriend ko?! Sana disguise nalang 'to ng baklang 'to. Kapit lang. Hindi yan yun. Hindi lumalapit e. Wag lang syang magkakamaling lumapit kundi-- omy! Omy!! Tumingin si Kuya at saka nagligpit ng gamit nung makita ako. Palapit na si Kuya! Anong sasabihin ko? My goodness!!! Julie Ariate! Nakakaloka. Ito na ba yun? Wala naman akong kaso sa mga nerd. Hanga ako sa sipag nila magbasa na hindi ko kinakaya pero hindi nga kasi kami swak. Hindi kami pareho ng radar. Baka mamaya eh birahin ako ng mga nakakadugong lines sa mga novel na binabasa nya, ihahagis ko talaga ang baklang 'to sa labas. Bigti na.

"Ah, miss. Kanina pa kasi kita napapansin na andito. Would you mind if I'll join you? I'll have few things to discuss. Wag kang mag-alala hindi ako masamang tao." Sabay ngiti naman ni Kuya na lumabas ang dimples. Dimples lang ang maganda kay Kuya. Hahaha. Nasaan ang pagmamahal don? Nasa dimples? Pero, uhh. Ang kapal lang talaga ng eyeglasses nya. Nako pag naging kami na, matututong mag-contact lens ang baklang to!

Kailangan kong magpakabait dahil kailangan ko sya. Ano kayang oras darating si Julie?

There's an awkward silence. Naghihintay akong magpakilala siya since sya ang naunang lumapit. Ano itong baklang ito, nagmamaganda? Hahaha.

"So-umm. About what I said earlier. Uhm. Ah ano, ako nga pala si Earl." Saka siya nakipagkamay sa akin. In fairness. Malambot. Anong lotion kaya ang gamit ni Beks?

"I'm Klaire. Nice to meet you Earl." I smiled. "Anong pangalan mo sa gabi?" Bigla kong naitanong. Natawa tuloy ako. Sana hindi sya ma-offend. Halos lahat naman ng beking kilala ko e gora lang sa flow ng trip.

His face was etched with confusion. Slow lang teh?

"What do you mean?"

"Ah, nothing. Okay lang kung di mo sabihin." Ano kayang pangalan nya pag gabi? Eva. Earlita? Tsarot! Ang baho. Hahahaha.

"Ah okay. So, I'll have something to discuss to you." Tumango lang ako anticipating na baka ito yung mga bagay na gusto at ayaw nya. Wala pa si Julie at hindi ko alam ang magiging plano nya.

"Nagtatrabaho ka na ba?"

I looked at him weirdly. Hindi ba siya naniniwalang babayaran ko siya at talagang naninigurado kung keri ba ng budget ko ang mag-hire ng beki boyfriend.

"Nope. Pero kaya naman ng allowance ko na suportahan ang mga kailangan ko at gusto ko."

"Well, don't you feel a little burden to whoever supports you? No offense meant." He has a point. May mga pagkakataong iniisip ko eh baka nagsasawa na si Lola sa akin. Pero pag naiisip ko naman yun palagi naman syang may ginagawa na nago-oppose sa mga iniisip ko. I'm just so lucky and happy that I have her. At kahit na hindi ko matutupad ang gusto niya, at least sa mas explanable na sitwasyon. Kesa naman ipakilala ko si Kalyo sa kanya. He's not worth it. Yes. Achievement! Medyo wala nakong pake sa kanya.

"Well. Minsan minsan lang naman. At saka I have my own savings. Doon ko nalang kukunin."

"Okay. So I guess alam mo naman ang tungkol sa ididiscuss ko."

"Y-yes?" Nagtataka kong tanong. Ano ba akala nya sakin? Syempre alam ko ako nga magha-hire e. -,-

"Mabuti kung ganoon." Naglabas sya ng mga clearbooks, papel at ballpen. "So itong Back-La Corp ay isang networking company and everyone is welcome kahit anong edad or estado mo pa sa buhay. We have networkers na OFW, college and highschool students, teacher, and even out of school youths. Mas lumaki ang income nila at malaki ang naitulong sa mga pamilya nila. All our products here are made of herbs and no preservatives and--"

"What the hell are you talking about?" Nag-aadik ba ito?

"Uhm. I'm talking about business. I guess?"

"Are we on the same page?" What the heck? Tamang bakla ba ito? "Are you the right gay?"

"What? No!" Base palang sa ekspresyon ng mukha niya, mukha namang nagsasabi siya ng totoo. So I've wasted my time here talking to someone who isn't really the one I need to talk to? What the hell!!

"You should've said earlier! Alam mo, may hinihintay ako. And I thought ikaw yun dahil ikaw ang lumapit!" Naku! Baka umalis na yun ah. At inisip na hindi ako yun dahil may kausap akong iba na akala ko eh siya din. Bwisit talaga itong si Julie. Dapat talaga binigyan nya ako ng kahit picture man lang.

"Hindi ko alam, okay? Sorry! And what makes you think na bakla ako? Nerd ako pero di naman ako tagilid 'no!"

"Fine! Umalis ka na sa harap ko at baka di kita matantsa dyan! Baka umalis na siguro yun hay!"

Tinawagan ko si Julie pero number is busy! Ano naman kayang ginagawa ng babaeng yun?! Bwisit. Aalis na ba ako o hihintayin ko si Julie dito? Hindi ko kinaya ang encounter ko sa bruhong nerd na yun at kailangan ko ng dagdag na kape pampakalma. Tumayo ako at nag-order. Itinuro ko ang table ko at hindi ko na hinintay. Ipinahatid ko nalang. Naloka talaga ako sa Earl na yun!

"Here's your Caramel Frappe Ms. Klaire." Sabi ng waiter sa baritonong boses.

Pagkatingin ko, hindi naman waiter ang nakita ko kundi isang anghel na bumaba pa yata mula sa langit. Ovaries ko, wait pang, sumabog na yata. Ang chinito nyang mga mata, matangos na ilong at mapupulang labi. Umupo siya sa harapan ko at wala akong ibang ginawa kundi ang tumunganga. Parang nakalimutan kong gumalaw.

He snapped his fingers na nagpabalik sa akin sa ulirat. Lumapit sya sa akin ng kaunti at saka bumulong, "Hoy babaita, kinikilabutan ako sa pagtitig mo ng ganyan. Hindi tayo talo okay?" Saka muling sumandal. "Wit ko ata talaga keri tong pinapagaw ni Julie." He murmured.

I'M WITH THE RIGHT GAY NOW!! FINALLY!!

"Oy teka, teka lang naman. Di pa nga nagsisimula, umaayaw ka na agad." At tinignan ko sya uli. Teka naka-BB cream ba ang baklang 'to?

"Jusko naman kasi teh. Ano bang masamang hangin ang gumora sa braincells nyong magbestfriend at naisip nyo ang kagagahang 'to. Kung wiz ko lang talaga need ng anda ngayon..."

"Ito naman. Wag ka ng magmaldita. As what you've said, kailangan mo ng anda na maibibigay ko. Kailangan ko ng jowa na keri mo namang gawin."

"Hindi kinakaya ng sikmura ko ang hanash mo. Nasusuka akiz." At nag inarte pa syang sumusuka. Ang arte! Mas maarte pa 'to sakin e.

Kelan kaya darating si Julieta? Kaya ba this year ang arrival ng bruhang yun?

For Hire: Beki Boyfriend (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon