Klaire.
"AYAN kasi, dada ng dada. -____-. Try mo tumahimik at mag-isip critically minsan ano? May naisip na akong plano." At saka ngumiti ng pagkatamis-tamis ang baliw baliw kong friend.
"Siguraduhin mo lang na mababawasan nyan ang damage kung hindi, naku, Julieta sinasabi ko sayo."
"Oo nga. Planado ko na ito bago pa ako makauwi sa Pilipinas, 'no"
K. Fine. Napairap nalang ako sa gaga.
"Oo nga, ito na nga ang plano. Magha-Hire tayo ng isang fake boyfriend mo. Alam kong hindi naman problema sayo ang pera. Kaya keri na ito."
"Letse ka. Perahan pala 'to bruha ka."
"Patapusin mo muna nga ako! Puro side comment eh."
"Sige, continue."
"Ayun na nga, maghahanap tayo ng isang taong magpapanggap na jowa mo at eventually ay makikipag-break din sayo pag dating ng lola mo." WHAT?!
"Baka naman atakihin ang lola ko nyan!"
"Syempre hindi. Magiging smooth dapat ang break up nyo. Hindi pa naman ganoon kahina ang lola mo. Wag kang OA!"
"Eh saan naman tayo makakahanap ng matino at katiwa-tiwalang lalaki na hindi mapagsamantala aber? Magpapa-TV ad pa ba ako para diyan? Paano kung sindikato ang makuha natin? Eh di wiz na? Mamaya ma-rape pa tayo sa kakaganyan mo. Nako, Julie mga ideya mo din e."
"Shuta ka! Hahayaan ko ba yun? Ang taong iha-hire kasi natin ay isang dakilang beki."
Moments of silence........
Nag-aadik ba ang kaibigan ko?
Kailangan ko na bang linisin ang tenga ko?
"Hoy Klaire. Napaka-OA mo!"
"Abnomal ka ba o shunga lang talaga in nature? Sino naman kayang matinong beki ang papayag na makipag-relasyon sa babae eh mga sirena nga sila? Baka mamaya eh mas babae pa kumilos sa akin ang iha-hire nating jowa ko. Anong gagawin namin sa harap ni Lola? Magku-kulutan? Make up session? Fashion show? Baka mamaya ma-inlove din siya kay Alberto ha!"
"Tungunu Klaire. Naisingit mo pa ang ex mong mukhang kalyo. Hindi ka ba na-inform na mayroong word na Paminta?"
"Lul. Ano konek nyan?"
"Sa mga bakla, pag paminta ibig sabihin ay yung mga beki na saksakan ng gwapo at hindi out na out na beki. Hindi sila nagko-cross dress at medyo lalaki pa din kumilos. Ganun ang dapat nating hunting-in. Mga I AM POGAY na kagwapuhan. Ganern!"
"Pero beki padin sila. Paano naman yun?"
"Ano ka ba. Mas madaling paminta ang i-hire kesa yung out na out. Medyo matotolerate pa ang pagiging girly nila. Saka trabaho lang wala personalan. No strings attached teh. Kaya nga bibigyan mo ng sweldo diba?"
Napaisip ako. Tama nga kaya itong
gagawin namin? Okay lang ba ang bright idea ni Julie na mukhang napundi na dahil sa States pa daw nya pinlano? Okay. Waley shet. Pero seryoso, hindi kaya mapalala pa nito ang problema? Papaano kung hindi pumayag si Lola na maghiwalay kami at ipilit na maikasal? Paano naman ako? Isang beses lang ako ikakasal kaya dapat ay doon sa taong mahal ko. KASO NGA YUNG MAHAL KO LUMANDI SA IBA.. At saka yung beki na iha-hire. Jusme baka mahimatay yun sa unang gabi ng honeymoon namin kapag natuloy ang kasal!"Paano namin mapapaniwala si Lola sa break up namin? Wag mong sabihing third party uli. Masyadong masasaktan si Lola at ganoon na nga ang case namin ni Alberto diba?"
BINABASA MO ANG
For Hire: Beki Boyfriend (on-hold)
Teen FictionTamang desisyon ba talaga na Beki ang kunin mong boyfriend? O mas malaking kaguluhan lang ang magiging dala nito sa buhay mo? Ano kayang mga kagagahan at kalokohan ang peg ng beki mong boyfriend?