Prologue

147 2 0
                                    

"We're meant to be together... It's now until forever!"

-- Alexandra 'Ambisyosa' Aranica

*****

"Bilisan mo, dali!!!" My twin, Cath screamed at the top of her lungs ng makita niyang papalapit na ang aking soon-to-be 'future husband'. Oh well, he's just this typical 'makalaglag' panty guy with that oozing sex appeal and overwhelming kagwapuhan on his face that all of the girls would die for by just hearing his name.

Saan ka pa? Edi kay Logan Rachtkingson!

"Ouch naman!" Halos magkandahulog na kasi iyong mga gamit saking kamay at muntikan pa akong madulas ng bigla na lang akong kaladkarin ni Cathy palayo sa mga lockers kung saan nakiusyoso na naman ako sa mga love letters at regalong natanggap ni 'Logan-mine'. Iyan na ang tawag ko sakanya since the very first time that I ever laid my eyes on him!

And hello?! Hindi naman sa obsessed na ako sakanya -- konti lang, ay nalaman ko na pati iyong password sa kanyang locker! Haha. My future na akong maging magnanakaw -- ng puso niya...

"Huy Rara!" Hinimas-himas ko iyong noo kong sinapok ng sadistang Cath. Kung hindi ko lang kambal to. "Lumilipad na naman iyang utak mo kung saan-saan! Alam mo kapag di ka pa tumigil, ipapamental na talaga kita!" Agad naman akong napangiwi sa sinabi niya. Adik talaga.

"Ewan ko sa'yo! Hmp." Kasalanan ko ba kung si Logan-mine lang ang laging laman ng utak ko?! Ewan ko nga ba kung makakagraduate pa ako nito ng college. Hassle eh! Puro Logan-mine lang nasusulat ko sa answer sheets. Kaya ang score... parating itlog!

"Nakoo! Shutanemees kang langyang kambal ko. Mapapahiya na naman ako sa'yo nito eh!" Hindi ko alam kung para sakin ba talaga iyong pinagdada-dadak niya kasi nakatingin siya sa likuran ko. Problema nito? Parang natatae na ewan.

Tatakbo na sana siya ng wala sa oras kaya agad kong hinigit iyong kamay niya. "Problema mo, Cath twinnie? Hindi pa nga natin nalalaman kung natanggap na ba ni Logan-mine iyong binake kong cake!" Tsaka ko lang narealize na nakatingin pala samin iyong mga students dito sa hallway. Narealize na ba nila kung gaano kami kaganda ng twinnie ko? Hihi.

"So you baked this ... thing?" Hindi ako makagalaw ng mabosesan ko ang tinig na nanggaling sa likuran. Ay lintek na hinayupan! Kaya pala gusto na namang magtatakbo ni Cath eh! Partners in crime kami parati sa mga kabulastugang ginagawa ko para kay Logan-mine. Kaya kung mistake of one eh, mistake of twins o di kaya embarrassing moment of one nagiging, embarrassing moment of twins. Ganyan kami, walang iwanan!

Totoo na ba to? For the last seven years na pagpaparamdam ko kay Logan-mine simula grade 7 hanggang ngayong second year college na kami ay kinausap niya ako ng harapan? Teka, nakatalikod pala ako sakanya. Makalingon nga...

"Y-yes... Wow..." Literal akong napatulala at napanganga habang tinitignan ang napakagwapo niyang mukha na nasa harap ko ngayon. Imbes na magpacute ay nagmukha pa akong shunga sa kanya. Kulang na nga lang na tumulo laway ko sa hotness niya ngayon. Eeewww. Oh, pag-ibig... kay Logan-mine ako'y naliligalig! Pano ba naman? Tagusan siya kung makatingin. Maganda naman ako ah? Iyan ang sabi ng nanay ko at syempre ni Cath twinnie!

He just smirked at me habang ang isang kamay niya ay nakapamulsa at ang isa pa ay hawak-hawak naman ang cake na aking binake. Oh my Logan-mine!! This is so good to be true! Hindi ko na rin alam kung ano ng nangyayari sa paligid namin. Ewan ko nga ba kung nandito pa rin ang kakambal ko na siguradong tinatakpan na ang pagmumukha dahil sa hiya at pandidiri.

"Tsk. Pakitapon na lang." Okay na sana eh! Bigla nga lang nagkalaglag ang mga hearts sa paligid at imbes na sweet ang kinakanta sa imagination ko ay biglang naging horror iyong sound. Leche. First-convo namin to tapos naging first-basted?! Agad-agad?!

"T-teka! Ah..." Napalunok ako kahit na mukhang naubusan na ako ng tubig sa katawan ng mapatingin siya sa braso niyang hawak-hawak ko. Agad naman akong lumayo dahil sa pagkapaso o pagkakuryente? Ewan. Para na nga akong magkandahandusay at magpagulong-gulong sa sahig dahil sa nangyayari. Kilig much! "I mean... Hindi mo man lang ba titikman tong cake?" Salamat naman at hindi na ako nautal.

"So you really expect me to eat that?" Napapitlag ako ng tinignan niya ako ng masama. "I don't even want to taste just a single piece of that shit!" Unti-unti akong napayuko dahil sa pinaghalong hiya, lungkot, sakit, at inis sa sarili. Bakit ba kasi umasa ka pa Rara?! You're just nothing but like all of those girls who also want to claim Logan-mine's attention!

Bakit ang hirap-hirap mong abutin Logan-mine?

"Get that crap out of my sight!" Halos isigaw niya na iyon sa pagmumukha ko bago umalis ng walang lingon-lingon. Yeah. Sanay na akong makakita parati ng ganitong eksena na siya ang may pasimuno pero hindi ako sanay sa nararamdamang emosyon. Iba pala talaga kung ikaw na ang nakaexperience. Anchakiit.

"She deserved it! Asa pa kasi ng asa iyan tuloy napahiya! Haha." Biglang sigaw ng isang babae at agad namang napuno ng tawanan ang buong hallway. Oo, alam ko na iyan! Kaya nga Logan-mine's entitled as the great HEARTBREAKER eh! "Yeah. Such an idiot!" Pang-uumay pa ng isa at marami pa silang sinabi na hindi ko na inintindi pa.

Gusto ko ng umiyak sa totoo lang pero mas lalo lang akong pagtatawanan ng mga bwisit na estudyanteng to kaya imbes na magpadala sa sakit ay mas confident akong humarap sa kanila bago nagtaray.

"Walang basagan ng trip, pwede? Letse." Pagkatapos ay taas-noo akong naglakad palayo...

Wala na akong pakialam sa sasabihin nila basta nagawa ko ng makausap ng personal si Logan-mine even if it just resulted as a mess. Mapapansin at mapapansin niya rin ako balang-araw pero hindi sa ganoong paraan tulad ng kanina.

I will make LOGAN-MINE truly, hardly, madly, deeply etc. isali niyo na lahat ng mga exaggerated adjectives.... INLOVE WITH ME!!

Capturing a Certified HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon