Plan 1

79 2 0
                                    

(Fated to MEET him.)

"Cath twinnie, ba't ang ganda natin?" Napairap sa kawalan ang kambal kong busy sa pangungulangot habang 'nag-aaral'. Magtatapos na kasi ang mga maliligayang araw naming mga tagaGRADE 7-LAST SECTION kung saan matatae na naman kami sa pagsagot ng nakakabanas na exam!

"Asus! Alam ko na iyon, hindi mo na kailangan pang ulit-ulitin. Mas maganda pa nga ako kesa sa'yo eh!" This time eh ako naman yung napairap ng wala sa oras. Kapal rin eh? Kambal nga kami!

"Witiwew!! Nangangarap na naman ang kambal dito sa tabi oh!" Nagpanting ang mga tenga namin ni twinnie ng marinig ang matabang kaklase na nang-aasar ng KASINUNGALINGAN.

Maganda kami!

Maganda kami.

Maganda kami...

Maganda.... Kami??

Aish. Basta! Wag nyo ng alamin ang totoo!

Dahil dun ay naging tampulan na naman kami ng tukso. Tawa dito, tawa doon. Bahala sila! Ang tanging gusto ko lang gawin ngayon ay yung ingudngod sa tae ang pagmumukha nitong matabang ito! Kung makapang-asar parang kung sinong Adones ang pagmumukha. Tsokoy naman ang lahi.

"Anong sabi mo?!" Napatayo ang matabang tsokoy ng kwelyuhan siya ni Cath twinnie at agad rin namang tumahimik ang buong klase. Sige kambal! Ipaglaban ang ating magagandang lahi! "Bawiin mo yung lumabas diyan sa napakababoy mong bibig tabatsokoy kundi tatamaan ka sakin!" Huh! Akala niyo ha?! Maton kaya tong kambal ko. Habang nagtatagis ang mga panga ng dalawa eh parelax-relax lang naman akong pinaglalaruan sa tabi ang aking magic ballpen. Supportive kambal na ko sa lagay na to noh?

"Anong babawiin ko? Totoo naman na ang papangit niyo! Pangit! Pangit! Pangi-- Waaaah!!! Ang ngipin ko!!!" Nabulabog ang buong klase dahil sa tawa at hiyawan ng halos magwala sa pinaghalong sakit at galit si tabatsokoy. Ang galing talagang sumuntok ni kambal! Sapul eh. Agad kaming nag-apir at nagkadikit malapit sa pintuan if ever.. alam niyo na. Haha!

"Rara. Alam mo na kung saan tayo liliko sa may hallway kapag nag-alburuto na tong si tabatsokoy ha?" Tumango ako kay twinnie habang tumatawa sa mataba na hindi pa rin makatayo dahil sa paghahanap ng nawawala niyang ngipin. Kadiri. "Huy! Rara!!! Ano pang hinihintay mo dyan? Baboy na dumadragon?!" Alam kong kahit nasa punto na kami ng kapahamakan ay nakuha pa talaga niyang mang-asar kay tabatsokoy. Haha. Sabay kaming tumakbo palabas ng room at hindi naman magkandaugaga sa paghabol samin ang Tabatsokoy And Friends. Sige! Habol pa!

"Ouch!"

"Aray!! Ano ba?!"

"What the hell?!"

"Teka, twinnie! Saan nga tayo liliko?!" Pasigaw kong tanong kay kambal ng malapit na kami sa likuan. Wala na rin kaming pakialam kung sino-sino yung nababangga namin. Ang saya kaya!!

"Gaga! Sabi ko na nga ba, nakalimutan mo na naman!" Kita niyo to, nakuha pang magmura. -__- "Sa kanan, Rara!" Agad akong napaisip. Saan nga yung.... Kanan?!

"Aaaw." Agad akong napasapo sa ilong ko ng magkabanggaan kami ni twinnie. Pano ba naman, nag-intersect kaming dalawa.

"Aish. Ano ka ba naman! Rara! Sabi ko kanan! Hindi kaliwa!!" Angil niya sakin pero wala na akong oras para sapukin ang kambal ko dahil malapit na talaga kaming mahuli nina tabatsokoy and friends kung hindi pa kami magtatakbo at tsaka hindi ko na rin makukuha pang makasabay kay twinnie sa kanang bahagi ng hallway. Grabe naman tong matataba, runner ang peg!

"Bleh! Habulin niyo ako!!!" Mas lalo pa silang naasar ng sabay kaming magsalita ni twinnie. Kambal kami eh. Wala silang nagawa kundi ang maghiwa-hiwalay. Tatlo sakin, tatlo rin kay twinnie. Gumagaling na ata ako sa math?

Capturing a Certified HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon