Plan 4

60 2 0
                                    

(Present plan.)

Hanggang ngayon ay ganoon pa rin ang sitwasyon namin ni twinnie at feeling ko'y mas lumayo ang loob niya sakin. Ewan ko ba kung ano talaga ang nagawa kong mali. Wala naman ah? Maliban na lang sa mga bulaklak na natatanggap niya na balak kong inspeksiyunin. Bakit kasi ayaw niyang sabihin sakin ang totoo?!

"Oh my!! Nakita niyo ba kanina si Logan?! I am so excited to see him on the stage bukas as the valedict!" Tumitiling sambit ng isang babae sa grupo niya na nakaupo sa may bandang likuran ko. Aba't! Ihampas ko kaya sa pagmumukha niya ang dala-dala kong badminton racket?! Oo na, siya na ang excited bukas sa graduation day!

"Ahem!" Nagkunwari akong nauubo bago bumuga ng napakalakas. Pasalamat sila dahil mag-isa lang ako ngayon at wala ako sa mood sa pakikipagtarayan sa mga fangirls ni Logan-mine. Kairita lang talaga! "Handaming bubuyog!" Eksaherada kong sigaw at walang-lingong naglakad sa gitna ng hallway. Wala akong pakialam kung mas matanda pa sila sakin. Nakakainit lang talaga ng ulo.

Malapit na ako saming classroom ng makita ko si twinnie na parang maiihi na ang pagmumukha sa sobrang kilig habang hawak-hawak ang natanggap na mga bulaklak. Na naman?!

"Twinnie!" Patakbo akong lumapit sakanya na siyang kasabay ng pagtago niya nito sa kanyang likuran. Problema niya sakin?! "Mag-usap na tayo twinnie! Miss na kita!" Pacute kong sabi bago siya kiniliti sa tagiliran. Alam ko ang weakness point mo twinnie!

"Rara tumigil ka na nga!" Pilit siyang umiiwas pero mas maagap ako at nakuha ng di inaasahan sakanya ang card ng mga rosas. "Ibigay mo iyan sakin!" Binelatan ko siya at agarang lumayo para mabasa ang nakasulat.

Your smile that I love,
It's your presence that I miss...
Goodmorning sweetie!

Take care... Happy 33rd day!

- L. Rachtkingson

Natigilan ako at literal na napanganga sa nabasa. Nakuha niya pang gawan ng haiku si Cath. At ano'ng ibig sabihin nito? 33rd day... L R-rachtkingson? Posible kayang...

-Kkkrrriiiiinnnnggg!!!-

Wala akong nagawa kundi titigan ng buong pagtataka si twinnie habang nagsisimula ng mapuno ang paligid ng mga tao dahil sa recess. Dapat nagbubunyi na ako ngayon kasi oras na ng chibugan pero bakit hindi ko magawang ngumiti o magtatalon sa tuwa?

"Bakit..." Hindi ko maituloy ang sasabihin dahil wala na rin akong lakas ng loob para harapin si twinnie at unti-unti na rin akong napapalayo sa kinatatayuan at nabubunggo ng ilang mga estudyante.

Aish. Kainis naman oh! Kanina pa ako pagulong-gulong dito sa kama dahil na rin sa nalaman kanina. Hindi ko pa kayang harapin si twinnie at tanungin siya kung posible ba ang naiisip kong mangyari.. Na si Logan-mine nga ba iyong nagpapadala ng mga bulaklak sa kanya? Hays. Bukas na pala ang graduation day. Ano ang gagawin ko?

"Lexie... Are you okay?" Napansin na rin ata ni kuya ang tensyong nagaganap sa pagitan namin ni Cath. Simula kasi kaninang umaga hanggang ngayon ay wala kaming imikan sa isa't-isa. Ayoko muna siyang kausapin. Baka mabad trip lang ako at masira pa itong napakaespesyal na araw para kay Logan-mine.

"I'm fine, kuya Tim." Maikli kong sagot kay kuya bago ulit itinuon ang atensyon sa stage. Walang mababakas na kahit anong reaksyon sa mukha ngayon ni Logan-mine sa halip ay nagawa niya pang hawakan ang cellphone at gawin ang nais niya para malibang. Magsisimula na rin ang program ng biglang nagring ang telepono ni Cath dahilan para umalis siya sa kinauupuan. Teka, nasan na si Logan-mine? Bakit bigla na lang siyang nawala sa stage?!

"Nasan na siya?!" Bigla akong natahimik ng makitang nakatingin na sakin ang ilang mga tao sa loob ng gymnasium. Sorry naman.

"Lexie what's wrong?" Napatayo na rin si kuya at sinubukan akong kausapin ngunit hindi na ako nagpapigil pa at dali-daling lumabas para hanapin si Logan-mine.. At si... Cath.

"Rara, I'm sorry..." Unti-unti akong lumingon para harapin ang aking kambal na ngayo'y nakayuko at hawak-hawak ang kanyang cellphone. I need an explanation twinnie. "I.. I.. don't know what... to say..." Nagulat ako ng bigla siyang humikbi. Sinubukan ko siyang lapitan ngunit lumayo lang siya at agarang tumakbo papasok ng gym.

Ano ba ang gusto mong sabihin Cath? Ayoko na ganito tayo palagi... Miss na miss na kita.

-----------------

"Ay Logan-mine!" Napalundag ako ng biglang sumulpot sa harapan ko si Cath habang nandito ako sa likod ng isang puno at pinapanood si Logan-mine na seryosong nakikipag-usap sa mga kaklase niya. Bakit ba naman kasi palagi siyang busy eh!

"Alam mo Rara, may sakit ka na talaga sa pag-iisip." Panimula niya na naman bago umupo at tsaka kumain. "Pinahiya ka na nga kanina sa hallway nakukuha mo pa ring magpakamartyr!! Tanga ka talaga! Tsk. Tsk." Dugtong niya pa habang umiiling.

"Tse! Palibhasa wala dito si L--" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ng bigla niya akong pinalamon ng napakalaking tinapay. Langya talaga.

"O sige na. Tanggap ko ng tanga ka, Rara! Career-in mo lang..." Pairap niyang sermon at umalis ng walang pakundangan. Haaay.

Ng mapagod na ako sa kakatayo at pagtatago sa likod ng puno ay umupo na rin ako at nagpahangin. Minsan pala'y kailangan nating mapag-isa para maliwanagan. At oo, naliwanagan na ako!!

Kailangan ko ng gumawa ng panibagong plano para mapansin ulit ako ni Logan-mine... Gumana na kasi iyong unang plano, at iyon ay ang nakausap ko na rin siya ng harapan!

"Kuya Logan!" My heart skipped a beat by just hearing his name. Ano ba naman to, masyado ng OA ang kalandian ko pagdating sa kanya. Tumingin ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ang kapatid niyang si Loic.

Tumigil siya mismo sa harap ko habang hinihintay ang kuya niya kaya dali-dali akong tumayo para umalis. Naku kailangan ko ng makawala sa lugar na to ngayon kung ayaw kong mapahiya ulit kay Logan-mine! Go Rara! Kaya mo to!

"Araay!" Kapag minamalas ka nga naman oh! Bakit ba kasi nakiepal pa ang mga bato dahilan para mapatid ako at madapa?! Nasugatan pa ata ako. Ang sakit.

"Alex?" Nakagat ko ang ibabang labi ng makita si Loic na nakaluhod upang tulungan akong makatayo. Nasabi ko na bang magkaklase kami? Nakakahiya. "Haha. You're very funny. Bumangon ka nga!" Aish. Kung gaano kasuplado si Logan-mine ay siya namang grabe sa kakulitan si Loic. Ewan ko nga ba kung bakit naging magkapatid ang dalawang to eh. Kakapit na sana ako sa kamay niya ng biglang may nagsalita.

"Tsk. Don't help her. She's just too stupid to let herself stumble." HE said in a mocking tone.

Bakit ganyan ka magsalita, Logan-mine? Masyadong masakit sa puso ang mga sinabi mo!

"Okay lang." Magpoprotesta pa sana si Loic ngunit hindi ko na siya hinintay para tulungan ako. Kahit masakit ang sugat ko sa tuhod ay pinilit ko pa ring tumayo para makaalis na. Paika-ika akong naglakad hanggang makalagpas ako sa kinatatayuan nilang dalawa ng nakayuko.

"What the heck, kuya?!" Narinig ko pang sigaw ni Loic kay Logan-mine..

"IDIOT." Iyong na lang ang huli kong narinig galing sakanya...

Capturing a Certified HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon