Plan 3

69 2 0
                                    

(I like you.)

"Rara! Asan ka na ba? Kanina pa kita hinahanap!" I rolled my eyes when I heard my twinnie's voice on the other line. Ang totoo kasi niyan ay kanina pa ako nagmumukhang ninja sa kakahanap sa Logan-mine ko. Tsk. Asan na ba kasi siya?!

"Pwede ba twinnie, tumahimik ka muna diyan at mag-enjoy ka na lang sa party! Bye!" Agad kong in-end yung call at itinago ang cellphone sa dala kong purse bago nagpatuloy sa pagliliw-aliw para matagpuan ang pag-ibig na kanina pa naghihintay sakin!

Libot dito...

Libot doon...

Hanap dito...

Hanap doon...

Aray lang ha! Masakit na kaya sa paa tong paggala-gala ko. Aish. Humanda ka talaga Logan-mine kapag nakita kita ngayong gabi. Hihi.

"Kailan ka ba magpapakita? Tss." Nang maglaon ay nagpahinga na rin ako sa paghahanap at naupo sa isa sa mga upuan nitong mga long tables. Mabuti nga at nandito ako sa hulihan kung saan nag-iisa lang ako. Enjoy na enjoy kasi ang lahat sa party. "Oy, mamang waiter!" Kinalabit ko ang lalaking may dalang tray na dumaan sa gilid ko at dali-daling bumulong sakanya para bigyan ako ng isang baso ng inumin.

"Ay sorry po ma'am pero bawal pa po kayong uminom." Pagdadahilan niya sakin ngunit agad rin naman akong nakaisip ng alibi. Aha!

"Psh. Ikaw naman kuya... Bakit, sinabi ko bang para sakin? Hindi naman ah?" Painosente kong sagot kasabay ng pagpapacute ko at puppy eyes. "Eh kasi ang totoo niyan eh para iyon sa kuya ko oh!" Nagets niya agad nung tinuro ko si kuya Timoteo na busy sa pakikipag-usap sa mga kabusiness partners niya ata.

"Pasensiya na po ma'am! Ano po bang gusto ni Mr. Aranica?" Natataranta niyang sabi habang inilalapag sa table ko iyong hawak-hawak niyang tray na naglalaman ng mga iba't-ibang klase ng inumin. Pigil lang ako sa pagtawa ng makita ang maputla niyang mukha. Ang dali namang mauto nito!

"Ahm, sabi niya.. Iyong pinakamabagsik raw!" Lihim akong napangiti ng tumango ito at ibinigay sakin ang kupetang puno ng alak. Hoho! Ang talino ko talaga! Nang makaalis na siya ay mariin ko munang tinignan ang hawak-hawak at inamoy na siyang nagpangiwi sa NAPAKAGANDA kong mukha. Ba't ang pangit naman ng amoy?

"Masarap kaya to?" Wala sa sarili kong tanong habang nakapangalumbaba at nakatitig sa alak na ngayo'y nasa ibabaw na ng mesa.

"If I were you, hindi ko na titikman iyan." Kung sino man ang lalaking epal na to sa harap ko ngayon eh sana'y mawala na lang siya na parang bula. Kainis. "Alone?" Hindi pa rin ako bumaling sa kanya na kahit sa pagkakapal ng mukha niya ay nagawa niyang maupo sa harap ko. Nararamdaman ko rin ang mga titig niya sakin. Bahala siya!

Manigas ka diyan! Loyal ako kay Logan-mine no!

Napairap pa ako at napanguso ng mamalayang hindi pa rin siya umaalis sa harap ko. Aish.

Si Logan-mine ang kailangan ko, hindi ikaw!

"So hindi mo man lang ako papansinin?" Pabibo rin ang isang to no? Hindi pa rin ako gumagalaw sa posisyon at pinag-iisapan kung iinumin ba ang alak na to para umalis na ang loko. "You know what, I--" Hindi niya na naituloy ang sasabihin ng biglang nagring ang kanyang phone. Aalis na rin sana ako ng...

"Hey! Wazzup, Logan Rachtkingson?" Ng marinig ko ang pangalan ni Logan-mine ay bigla ulit akong napaupo at nagkunwaring napupuyat. May pahikab-hikab pa nga akong nalalaman eh."So, papunta ka pa lang?" Ah ganun? Hindi pa pala siya nakarating sa kabila ng paghahanap ko sa kanya?! Nakita kong tumingin sakin ang lalaking epal na sa tingin ko ay magiging susi para makita si Logan-mine kaya wala akong ibang nagawa kundi ang humikab ulit. This time ay mas matagal at paulit-ulit pa. "Fine. Hurry up, bro! Bye-- woah!" Imbes na magpatuloy ako sa paghihikab ay nainom ko ng buong-buo iyong inumin sa table ng maconfirm na pupunta nga siya!

Capturing a Certified HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon